One Night of Enchantment (6)

Chapter 6

KUNG hindi sa pakiusap ni Simon ay hindi papayag  ang mga magulang ni Maya na hindi siya umuwi nang araw na iyon pagkatapos ng graduation.

Sa isang kilalang restaurant nagcelebrate ang mga ito. Kasama si Eds.

“Aakalain ko bang makuha mo ang cum laude, Maya….” biro ni Simon.

“Simon Gabriel, scholar ang pamangkin mo mula pa noong high school,” wika ni Arturo, ang daddy ni Maya.

“Kaya nga bakit kailangan pang maiwan si Maya dito? Mapamamahalaan na niya ang munting negosyo natin sa San Nicolas,” sabat ni Teresita, ang mommy ni Maya na sa edad na 48 ay lutang pa rin ang ganda.

“Naku, Simon… kung hindi ko nga lang alam na hindi mo pababayaan iyang pamangkin mo, nungkang pahintulutan kong dito sa Maynila mag-aral,” si Arturo uli na binubuklat ang kontratang iniabot ni Simon.

Lihim n nagsikuhan sina Maya at Eds.

“Kuya, gusto ni Maya ang trabahong iniaalok ko sa kanya. Ayaw nyo ba iyon, next month makikita ninyo siya sa TV? At kung tungkol sa negosyo, magagawa niya iyon, when she’s a little older,” rason ng binata.

“Oo nga naman, Daddy. Hindi ba at gustong-gusto ninyo ‘yong commercial ko sa toothpaste noon?” dugtong ni Maya na kumawit sa braso ng ama.

Hindi kumibo ang matandang lalake. Sa kaibuturan ng dibdib ay naroon ang pagmamalaki sa anak. Ilang mga kaibigan at kakilala ang laging binabanggit iyon sa kanya. Mga papuring nakatataba puso dahil totoong maganda ang anak.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh pinagkaisahan ninyo akong mag-tiyo. Mangako kang muli, Simon, na titingnan mong mabuti iyang pamangkin mo. Baka naman puro boyfriend ang asikasuhin niyan dito sa kung sinu-sino lang,”

“Huwag kang mag-alala, Kuya. Besides, ayan lang ang sa atin. Three hours lang ang byahe ang drive mula rito.”

“Isa pang gusto naming mangyari ay uuwi si Maya sa atin tuwing weekends. Kasama ka, Eds…” ani Teresita.

“Don’t worry, mommy. Friday pa lang ay naroon na kami ni Eds,” masayang sagot ng dalaga na sinabayan naman ng tango ni Eds.

Nagpatuloy sa pagkain ang lima nang mayamaya ay tumayo si Maya na sinapo ang bibig at nagmamadaling tinungo ang wash room.

Nag-aalalang sumunod si Eds.

Sa wash room ay inilabas lahat ni Maya ang kinain habang hinhagod ni Ed sang likod niya.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo?”

Hindi sumagot ang dalaga na sige sa pagduwal. Binuksan ang gripo at patuluyang pinaagos. Nang mahimasmasan ay naghilamos ng mukha. Kumuha ng papaer towel at pinunasanang pawisang noo at basing mukha.

Tila nahahapong sumandal sa tiled wall ng wash room si Maya.

“Kanina pa pagpasok natin masama ang pakiramdam ko, Eds,”

“Wala ka namang hindi gusto sa inorder natin, at paborito mong lahat iyon,” nagtatakang sumagot ang dalaga.

Nagkibit ng balikat si Maya at inayos ang sarili.

“Stomach upset. Excited ako sa graduation plus the fact na kinukumbinse natin ang Mommy at Daddy na payagan ako sa trabaho.” At nagyaya na siyang lumabas.

Siya namang pagpasok ni Teresita na sinundan sila.

“Ano ang nangyari sa iyo, hija?”

“Kanina pa ako parang sinisikmura, Mommy. Naduwal ako. But I’m okey now.”

“Kundangan ay isang basong gatas lang ininom mo kaninang umaga. Nalipasan ka tiyak ng gutom,” may himig sermon ang tinig ng ina na sinabayan sila pabalik sa mesa.

Nang hapon ding iyon ay bumalik ng San Nicolas ang mga magulang ni Maya.

PAPASOK na sa opisina kinabukasan si Eds ay hindi pa rin bumabangon si Maya. Mag-isa itong naupo sa mesa upang mag-amusal nang sabayan ni Simon.

“Let’s have breakfast together at ihahatid na kita sa opisina mo.” Nagsalin ng kape ang binata sa tasa nito.

“Hindi ka ba maaabala?” nahihiyang sagot ni Eds.

“Parehong Makati ang tungo natin, di ba?” nakangiting sagot ni Simon. “Tulog pa ba si Maya?”

“Gising na pero hindi pa raw siya babangon at masama ang katawan niya…..”

“Post-graduate jitters…”

Hindi na sumagot si Eds at tahimik silang kumain.

Pagkahatid sa dalaga ay nagtuloy na ngopisina si Simon.

“Morning, Liza. Nandiyan na ba si Richard?”

“Kararating lang…. pasok ka na,” inginuso ng sekretarya ang silid ng boss.

Nagpipirma ng tseke ang lalaking nakaupo sa executive desk. Sandaling sumulyap ito kay Simon pagkatapos ay muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Sandali lang ito, Pare. Naghihintay si Fred at dadalhin ito sa bangko.”

“Take your time…..” naupo si Simon sa swivel chair na nasa harap ng mesa at pinagmasdan ang kaibigan.

Mataas ito ng kaunti sa kanya. Physically fit dahil hindi nakakaligtaang dalawin ang private gym nito sa bahay gaano man kaabala. Mayaman at tulad niya, binata pa rin.

Dinampot ng lalake ang intercom at ipinakuha sa sekratarya ang mga tsekeng pinirmahan. Pumasok si Liza at kinuha ang folder at agad ding lumabas.

“Ano’ng balita, Pare? Nakakita ka na ba ng bagong mukha para sa bagong produkto ng sabong ii-introduce ng Asia Skin Care Products?” sumandal ito sa upuan at itinaas ang dalawang paa sa mesa.

“Here’s the contract…fully signed.”

Inabot ito ng lalake at tiningnan. “Maya dela Rosa? Kamag-anak mo?”

Tumango si Simon. “My only niece…..”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalake. “Alam kong may deadline tayong hinahabol, pare. But are you sure she is the right girl for the job?” alanganing ngumiti ito. “No, don’t get me wrong….. if you know what I mean. We need more than just a pretty face.”

“Precisely. She is the perfect girl for that commercial hindi dahil sa pamangkin ko siya. May ginawa na siyang commercial sa atin two years ago. Remember the toothpaste commercial ng isa ring kumpanya?” at sinabi ang detalye.

Pilit hinahagip sa alaala ng lalake ang sinasabi ng kaharap. “Did I approve the contract?”

“Of course. Wala na si Mr. Molino noon. Nagiging malilimutin ka, Richard. Sabi mo pa nga, you liked her smile…..”

“Do you have the Video CD?”

“Ipapakuha ko…..” pinindot ng binata ang intercom sa mesa at hiningi ang tape.

Makalipas ang ilang minute ay pumasok ang isang empleyado na matapos ibigay ang hinihingi ay lumabas rin uli.

Isinalang ito ni Simon sa naroong VCD player. Dinampot ang remote control at muling naupo.

“That’s her, two years ago…..”

Tinitigan ng lalake ang screen. Kinabahan ito. Umayos ng upo. Kung nakaharap si Richard ay nakita niya sana ang matinding pagkabigla sa mukha ng lalake.

“Give me that remote control…” at inabot ang remote mula kay Simon.

Freeze at close-up ang ginawa ni Richard sa nakangiting si Maya.

“Pamangkin mo siya?” halos hindi makilala ng lalake ang sariling tinig.

“Yap. She stays with me ang she’s twenty one now. Now, Richard, am I right?”

Hindi sumagot si Richard. Malilimutan ba niya ang mukhang nakikita niya sa screen? Sa loob ng limang linggo ay ginulo ng mukhang iyon ang isip at buong pagkatao niya!

Paano niya malilimutan ang pain at ecstacy na nakita niyang naghalili sa mukha ng babaeng nakatalik niya sa mismong resort na pag-aari niya?

Halos galugarin ng mga tao niya ang buong lugar sa pagha-hanap sa babae na nang balikan niya nang umagang iyon ay wala na.

Linggu-linggo ay bumabalik siya roon sa pag-asam na muli niya itong makita. Aakalain ba niyang abot-kamay lang pala niya ang hinahanap?

“Hindi ka na sumagot?” si  Simon na naiinip sa verdict.

Huminga nang malalim si Richard. “Yes, she is very pretty. Unusually pretty…. like a greek goddess,” para sa sarili niya ang huling tinuran.

Ngumiti ang nasisisyahang si Simon. “So, when do I start to shoot? We only have three weeks to dead-line…”

Kinuha ng lalake ang kontrata sa mesa. Pinirmahan ang mga kaukulang espasyo. “May boyfriend ba ang pamangkin mo iyan?” wala sa loob na naitanong nito.

Medyo nagtaka si Simon. Minsan man ay hindi nagtatanong ng ganoong personal si Richard sa mga modelo nito. As long as they meet the requirements of the contract na foremost ay iyong galing ka sa isang kagalang-galang na pamilya and of good moral character.

“Si James…. pero may palagay akong nakipagbreak na naman ang pamangkin ko dahil hindi ko na ito nakikitang dumadalaw.”

“Anong ibig mong sabihing “nakipagbreak na naman….”

Gustong isipin ni Simon na hindi naman talaga interesado si Richard sa personal na mga affairs ni Maya kundi gusto lang nito na may pinag-uusapan. Pero nang tingnan niya ang binata ay seryoso ang mukha nito na tila hinihintay ang sagot niya.

“Sa akin pinagkatiwala ng kapatid ko ang kaisa-isa nilang anak na iyan. But I allowed her na makipag-boyfriend. Maliban sa mapagkakatiwalaan ko si Maya ay napakakonserbatibo niya when it comes to a relationship. James was the third guy na sa palagay ko ay nakipag-break sa kanya,” paliwanag ni Simon.

“Anong dahilan?”

“Alam ko ang dahilan noong naunang dalawa dahil naroon ako when she cried a river noong makipag-break siya. Iisa ang dahilan sa magkasunod na pangyayari. Sabi niya, all they wanted from her is to take her to bed. At kung hindi nga lang daw dahil sa akin at sa daddy niya, matagal nang nawala ang tiwala niyang may natitira pang matinong lalake,” hindi maiwasan ni Simon ang hindi matawa sa huling tinuran. “Wait till she meets you at mabalitaan ang mga affairs mo, lalo nang magiging cynic iyon.”

Pilit na ngumiti si Richard. Nagpakawala ng isang buntong hininga. “Anong background ng commercial, friend?”

“Ang rough storyboards na nakita ko ay bedroom ang bathroom scenes. Bagong gising…close-up sa mukha, then maghihilamos…thing like that.”

“Use my house…”

“Use your what?” gulat na ulit ni Simon. “Tama ba ang narinig ko?” minsan man ay hindi ipinagamit ni Richard ang bahay nito sa commercial purposes. Particular ang binata sa privacy nito.

“Yes. At mamili ka kung alin ang angkop bagaman palagay ko ay yari na ang storyboards. Ang garden o ang isa sa dalawang guestrooms.”

“well…at least, hindi ako mahihirapang maghanap ng location site with three weeks to go.” Bagaman nagtataka ay hindi mapigilan ng binata ang matuwa dahil isang suliranin ang nawala.

Matagal nang nakaalis si Simon ay sa screen pa rin nakatingin si Richard. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang pasukin siya ni Celeste.

“Hello, darling…” sabay halik sa mga labi ng binata. “Ano iyan?” nilingon ang screen.

“Ang bagong modelo para sa commercial na ginagawa ni Simon.” At piñata ang Video player ngunit muling binuhay ito ang dalaga.

“I have seen that commercial, luma na iyan, ah. Sabi mo fresh face ang kailangan mo kaya ayaw mong ibigy sa akin ang trabaho…” pagmamaktol ni Celeste.

“Ang nakikita mong iyan  was done two years ago. At hindi siya professional model. Iyan ang kauna-unahang ginawa niya…” bored na sagot ng binata na tumayo. Sinalansan sa isang tabi ang laman ng mesa.

“Aalis ka ba?”

“Sa Philippines Plaza. May meeting ang Advertising Association…” at kinuha ang susi ng kotse sa drawer.

“Are we dining out tonight, Richard?” malambing na tanong ni Celeste sabay yakap sa beywang ng binata.

“May appointment ako mamayang gabi, Celeste. Some other time….” inalis nito ang nakapulupot na mga braso ng dalaga at dinampot ang attache case at lumabas ng silid.

Naiwang nakasimangot si Celeste. Hindi niya kailanman maintindihan si Richard. Maliban sa two or three private affairs nila ay hanggang doon na lang ito. Malamig lagi. Sinikap na niyang makuha nang husto ang atensiyon nito. Subalit ganoon pa rin. May distansiyang ibinibigay ang binata na hindi man verbal ay ikinikilos naman nito.

Nang gabing iyon ay masayang ibinalita ni Simon kay Maya ang resulta.

“And get ready… the day after tomorrow, we’ll start shooting,” sinulyaan ang maning kinakain ng pamangkin. “And stop eating those oily junks at baka magka-pimple ka sa duration ng shooting.”

“Maniniwala ka bang na-curious si Richard sa iyo? Hindi niya akalaing sa tinagal-tagal ng pagsasama naming ay ngayon lang niya nalamang may pamangkin akong pang-Miss Universe.” At tumawa ng malakas ang binata.

“Mayabang…”

“Totoo naman. Ang hindi niya alam ay talagang hindi ko sinasabi sa kanya iyon. Playboy ang kaibigan kong iyon. At wala namang tinotoo.”

“Guwapo ba ang boss mo?” tanong ni Maya na sunud-sunud ang subo ng mani. Nagulat pa siya nang kuhanin ni Simon ang bowl at ilayo sa kanya.

“Tito Simon, akina iyan….” hinabol niy ng tiyo na dinala sa kusina ang mani.

“Believe me, Maya. Makabubuti sa iyong kumain nito after we’ve done the commercial.”

Inis na inis na bumalik sa sofa si Maya. Pagpasok ni Simon sa kuwarto ay kukunin niya uli iyon…..

Tbc….

One Night of Enchantment (5)

Chapter 5

LUNES ng umaga paglabas ni Maya sa kolehiyo at natanaw niya sa gate si James at talagang inaabangan siya.

Tumalim ang mukha ng dalaga. Binilisan ang lakad paiwas sa binata.

“Maya, please… wait…” habol ng binata.

Tuloy-tuloy ang dalaga hanggang sa kinapaparadahan ng kotse niya. Maagap siyang nahawakan ni James sa braso.

“Mag-usap tayo, please, Maya. Nasa kabilang kalye ang kotse ko.”

“May dapat pa ba tayong pag-usapan, James?”

“I’m sorry, Maya. But you see,  I went back. Wala ka na sa cottage.”

“Then you probably took the long route…..” sarkastikong sagot ng dalaga. Long enough para mapasakamay ako ng lalaking iyon. Bulong niya sa sarili.

Kinuha ng dalaga ang susi ng kotse mula sa kanyang bag at binuksan ang pinto ng kanyang Honda Civic na kotse. Inihagis sa likurang upuan ang bag at gamit sa eskuwela.

Nang akma siyang sasakay ay pinigil siya ng binata.

“Inaabala mo ako, James….”

“Maya, ang sabi ko, I’m sorry. Nagalit ako at naging bastos pero binalikan kita nang makapag-isip ako. Tinanong kita sa mga boy doon. I even asked the man inside the bar if he saw you. At kahit  ‘yong isang waiter doon,” paliwanag ng binata.

Natigilan si Maya. Matamang tinitigan ang kaharap. Kung naghintay siya sandal at hindi nagpadalus-dalos, marahil ay hindi nangyari ang ginawa niya.

Pero bakit hindi sinabi ng nasa bar kung nasaan siya? Kung itinuro ang mga ito ang kinaroroonan niya, tiyak na susunod doon si James.

Binayaran ba ng lalake ang mga nasa bar kaya hindi siya itinuro? Gusto niyang mamuhi sa lalake ngayon. Sadya  siyang pinagsamantalahan nito.

But it’s all over now. Damage has been done. Huminga ng malalim si Maya bago nagsalita.

“Pinatatawad na kita, James. Pero hindi mo na maibabalik ang relasyong ikaw mismo ang pumutol,” at tuluyang pumasok sa kotse at pinaandar iyon.

“Magpapalipas lang ako ng galit mo, Maya. Alam kong mahal mo pa rin ako. We can start all over again.”

Isang matabang na ngiti ang isinagot ng dalaga at tuluyan nang pinatakbo ang kotse sa kahabaan ng Katipunan Avenue patungong Blue Ridge.

Isang three-bedroom house ang tinutuluyan nila ni Eds. Pag-aari ito ni Simon, ang bunsong kapatid ng ama niya.

Natanaw niya sa garahe ang Sentra ng tuyuhin. Maaga itong umuwi ngayon dahil five thirty pa lang ng hapon. Karaniwan sa ay pasado alas-siyete na kung umuwi ito.

Bumusina si Maya at pinagbuksan siya ng gate ni Sabel.

Tuloy-tuloy na sana sa kuwarto niya ang dalaga nang matanawan niyang lumabas mula sa kusina si Simon. Napangiti siya. Trenta’y tres na ito at binata pa rin gayong guwapo naman at may matatag na trabaho.

Hindi iilang babae ang tumatawag sa telepono at hinahanap si Simon subalit wala siyang alam na girlfriend nito. Pag tinatanong naman niya kung kailan niya makikilala ang girlfriend nito ay ngiti lang ang isinasagot.

“Hi, Tito Simon…. early today?”

“Yap, May inayos kasi akong ibang bagay kaninang hapon at ipinasya kong umuwi na at kausapin ka.” Naupo ito sa sofa at sinenyasan siyang maupo rito.

“Napag-isipan mo na ba iyong sinabi ko sa iyong bagong directional assignments ko?” simula nito nang nakaupo na si Maya.

“Magustuhan kaya ako ng boss mo, Tito Simon?” nag-aalalang tanong ng dalaga.

“Tingnan mo ang sarili mo sa salamin, Maya. Maliban sa ganda, nasa iyo ang importanteng katangian ng isang modelo. And that is your flawless skin.”

“Sa iyo. Pero paano naman ang mga superiors mo?”

“Isa na lang ang amo ko, si Richard Lim. Matagal nang wala si Mr. Molino nasa ibang bansa na at binili na ni Richard ang share. Although, Lim & Molino Advertising is a corporation, Richard owns 70 percent of the stock,” paliwanag ni Ric.

“Sa palagay mo ay magugustuhan niya ako?”

“Natitiyak ko. Ang commercial na ginawa mo noon sa aming kumpanya two years ago ay nag-click at si Richard ang nag-approved noon. Isa pa, kaibigan ko si Richard. We’ve been together since college days at alam ko ang gusto noon.”

“So, malakas ang backer ko. Kaibigan ang may-ari,” may himig sarkastikong tinuran ng dalaga.

Tumaas ang kilay ng binata. “Ano ka ba naman, Maya? Wala ka bang tiwala sa assets mo? Hindi kita kailangang i-back-up.”

Kinuha ng dalaga ang throw pillow at niyakap. “Mataba ako ngayon, Tito Simon at two years older….”

“Nonsense! Pagka-graduate mo, we’ll start shooting. Tapos na ang contract ng previous model. Alam mo naman ang trabahong ito, laging bagong mukha ang dapat. And you’re fresh and sweet, may dearest,” masuyong tinapik ang mukha ng kaisang-isang pamangkin.

“Nakalimutan mo ang Daddy at ang Mommy…….”

“Akong bahala sa Kuya at sa Ate. Kung hindi ko pa alam na noong makita nila ang mukha mo sa TV ay tigas nang pagmamalaki. Ngayong tapos ka na sa pag-aaral ay natitiyak kong papayag na ang mga iyon,” nangingiting sagot ni Simon.

Naputol ang pag-uusap ng magtiyo nang dumating si Eds.

“Hi, Simon…”

“Hello….” sagot ng binata na sinabayan ng tayo upang pumasok sa silid nito. “Wala ka yatang boyfriend na naghatid ngayon…?” pahabol nito.

Alanganing ngiti ang isinagot ni Eds at naupo sa tabi ni Maya.

“How’s office today?” si Maya.

Hindi sumagot si Eds. Sumandal ay inihilig ang ulo sa sandalan.

“Don’t tell me nagkagalit na naman kayo ni Edward?”

“Nakipag-break ako sa kanya.”

Hindi makapaniwala si Maya. Kahuli-hulihan niyang maririnig sa kaibigan iyon. Mahal na mahal nito si Edward at ni hindi nito susubuking hamunin ng break ang boyfriend.

“I can’t believe it! Bakit?”

“Sinita ko siya kanina tungkol sa nangyari sa resort noong Sabado. Nagalit at kung anu-ano ang sinabi….

“Iyon lang? Come on, Eds…. I appreciate your concern. Pero hindi mo kailangang makipag-break kay Edward nang dahil lang sa akin,” protesta ni Maya.

“Hindi lang iyon, Maya. Mga pinagsama-samang mga bagay na hindi namin pinagkakasunduan. Pakiramdam ko ay tine-take advantage niya na mahal ko siya. Unreasonable, palibhasa’y alam niyang ako lagi ang umaano pag nag-aaway kami. Possessive na wala sa lugar. And lately… gusto niya ako lagi ang gagastos pag lumalabas kami. A-ayoko nang ganoon, Maya. Okey lang kung paminsan-minsan o di kaya, ‘yung ako mismo ang nagti-treat. Noong una ay nagbubulag-bulagan akong niloloko na niya ako. Kaya bago pa tuluyang maubos ang pagpapahalaga ko sa sarili ay tinapos ko na ang relasyon naming,” mahabang paliwanag ng dalaga.

“Seryoso ka ba riyan? Baka naman break today, on tomorrow?”

Bumuntong-hininga si Eds. “I suddenly got tired of him. Lalo na nang aminin niyang pinlano nila ni James ang pag-iwan sa inyo sa resort. Bugaw ang tawag ko doon sa mga taong naghahangad ng kapahamakan ng kapwa, Maya. At kung nagawa niyang sulsulan si James nang ganoon, i could imagine him na nagbibida sa mga barkada niya ng intimate scenes naming.”

Itinaas ni Maya ang palad. “Gime me five! And welcome to the club….”

Sa ganoon sila muling nalabasan ni Simon.

“Anong ibig sabihin niyan?”

Hindi sumagot ang dalawa. Nakatungo lang si Eds habang sumasayaw-sayaw si Maya na sinabayan ng isang lumang kanta.

“Free again…. independent me…… free again! Time to have party…..”

Isang makahulugang sulyap ang ipinukol ni Simon kay Eds.

Tbc……

One Night of Enchantment (4)

Chapter 4

“PAANO kang nakauwi?” tanong ni Eds na nagpupuyos sa galit.

“I hitchhiked. Pamilyang galing sa Laguna paluwas ng Maynila,” sagot ng dalaga matapos niyang ipagtapat sa kaibigan ang pangyayari.

“O, Maya, I’m sorry. Hindi kita dapat iniwan. Hindi ako dapat naniwala kay Edward nang sabihin niyang ikaw ang may gustong maiwan kayo ni James. At nang hindi ka umuwi kagabi ay tuluyan akong naniwala,” wika ni Eds na gustong sisihin ang sarili.

Gumuhit ang matinding pagaalala sa mukha ni Maya nang maalala ang tiyuhin.

“A-ang Tito Simon…. alam na niyang hindi ako umuwi kagabi?”

Umiling si Eds. “Hindi. Gabi na siya dumating at nang makita niya akong papasok sa kuwarto, marahil ay inakalang tulog ka na. At kaninang umaga ay hindi na rin siya nagtanong. Ang sabi niya ay magpahinga tayo maghapon dahil Linggo naman.”

“Si….. si Sabel?”

“Alam mo naman si Sabel, pag hindi mo kausapin ay hindi rin magsasalita….”

Nakahinga ng maluwag si Maya. Sa biyahe pauwi ay iniisip na niya kung paano haharapin ang kanyang Tito Simon. At talagang wala siyang maisip na dahilan.

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari sa iyo, Maya…” maluha-luhang sinabi uli ni Eds.

“Stop blaming yourself! Si James ang may kasalanan.”

“At si Edward! Bakas ang galit sa tinig ni Eds nang banggitin ang kasintahan. “Kaya lang, bakit ipinataw mo ang parusa sa sarili mo, Maya?” mula sa pagkabata ay magkasama na sila, magkapatid ang turingan nila sa isa’t-isa palibhasa’y pareho silang nag-iisang anak. Ganoon pa man, hindi nalilimutan ni Eds na malaki ang utang na loob nito sa mga magulang ni Maya.

Ang ina ni Eds ang katiwala sa mga negosyo nila Maya sa probinsya. Nasa high school ito nang mamatay sa aksidente  ang  ama niya at makalipas ang dalawang taon lubusan na itong naulila. Kinupkop at pinag-aral ito ng mga magulang ni Maya hanggang sa makatapos at makapagtrabaho bilang executive secretary sa isang malaking kumpanya sa Makati.

“Kalimutan na natin ang lahat, Eds. Ituring na isang masamang panaginip.” Sandaling napapikit si Maya at tinutop ang noo. Paggising pa lang niya ay masakit na ang ulo niya. Dala marahil ng nainom nang nagdaang gabi.

“Hindi madaling gawin iyon, Maya. Napakaingat mo pagdating sa mga ganoong bagay. Pagkatapos sa kung sinong….”

“Hindi dapat makarating sa mga Daddy at Mommy ang nangyari, Eds. At lalong hindi ito dapat malaman ni Tito Simon,” aniya na ewan kung kaya nga niyang ibaon sa limot ang lahat.

Kahit na kasi naipagtapat niya sa kaibigan ang buong pangyayari ay nilaktawan niya ang bahaging nag-enjoy at nasiyahan siya.

Na ang estrangherong lalake was unusually gentle and considerate with her.

At na kahit sa mga sandaling ito ay hindi niya maiwasang mag-init ang pakiramdam pag naaalala ang nangyari.

At sa lahat ng mga ito ay guilt ang nadarama niya. She felt immoral and dirty. Mabuti sana kung nasaktan lang siya. Mas madaling pakiharapan ang galit sa sarili kaysa guilt.

Iniwan siya ni James sa resort dahil hindi niya gustong magkaroon ng pre-marital affairs dito. Tapos, hayun at sa iglap na rebelyon katulong ang espiritu ng alak at naipagkaloob niya ang sarili sa isang total stranger.

And to top it all, she enjoyed the sensual violation of her body. That man was an expert.

Nadarama pa niya ang maiinit na haplos ng mga kamay nito sa buo niyang katawan ang mga labi nito sa buo niyang katawan. Ang mga labi nitong buong kasanayang hinahanap ang mga erotic and pleasure spot ng kanyang katawan.

Naputol ang iniisip niya nang magsalita si Eds.

“Ano ngayon ang plano mo?”

“Six weeks na lang at graduation na. Magko-concentrate  na lang ako sa commercial modelling. Iyon ang suggestion ni Tito Simon. Nangangailan ang Lim & Molino Advertising ng isang bagong mukha,” sagot ng dalaga.

Two years ago ay gumawa siya ng isang commercial stint sa agency na iyon para sa isang bagong labas na toothpaste.

Marami ang nagkagusto sa commercial na iyon. She was only nineteen at ang Tito Simon  niya ang director ng photography noon.

Masusundan pa sana iyon kung pinayagan siya ng Daddy niya. Ang sabi nito ay makasasagabal iyon sa kanyang pag-aaral. Kinakailangang i-maintain niya ang scholarship. At ngayon nga ay ga-graduate na siya sa kusong BA in Broadcast Communication and candidate for Cum laude.

“Gusto ko ang commercial mo na iyon….” wika ni Eds na sa unang pagkakataon mula nang dumating si Maya ay napangiti. “You were so sweet and innocent flashing your million dollar smiles.”

Subalit iba na ang laman ng isip ni Maya nang sandaling iyon. Nakahilig ito sa sandalan ng sofa at kipkip ang malaking throw pillow.

Muling inokupa ng estrangherong lalake ang utak niya. Mahihinang endearments nito ang kasalukuyang naririnig niya.  At pakiramdam niya ay nananayo ang mga munting balahibo niya sa katawan.

Dapat bang pagsisihan niyang hindi man lamang niya ninais na makilala ito?  Nang magising siya kaninang umaga ay nag-iisa na la

ng siya sa higaan. Gayunman, tiyak niyang nasa resort pa ang lalake dahil sa isang mesa ay naroon ang isang attaché case, sunglass at cellphone.

Natakot siyang harapin ito kaya nagmadali siyang nagbihis at umalis. Hindi niya gustong makitang sa ganoong uri lang ng lalake niya naipagkaloob ang sarili.

Ano ang hitsura ng lalakeng iyon?

Naghihinalang tinitigan ni Eds si Maya. Gusto pa siya nitong usisain tungkol sa nangyari pero minabuti nitong mag-sawalang kibo na lamang.

Tbc…..

One Night of Enchantment (3)

Chapter 3

MARAHAN siyang tumayo mula sa kinauupuan.

Tiningnan ang relo sa braso niya—– 5:30 ng hapon. Saan siya pupunta? May pampasaherong sasakyan ba sa lugar na iyon?

Huminga siya nang malalim. Pinuno ng hangin ang dibdib. Gusto niyang umiyak pero hindi niya gagawin iyon. Sa halip ay gusto niyang sumigaw at magwala.

Sa bar ng resort siya dinala ng kanyang mga paa.

Naupo siya sa isa sa mga silyang naroon at tinanaw ang pool na kanina lang umaga ay masaya silang apat na naliligo.

Nagulat siya ng lapitan siya ng waiter at itanong kung ano ang oorderin niya.

“Do you serve tequila?” wala sa loob na naitanong niya.

Sandali lang ang gumuhit na pagkabigla sa mukha ng waiter.

“Yes, ma’am.”

“Bigyan mo ako….”

Ilang sandal at nawala ang waiter na nang magbabalik ay dala na ang order niya.

Tinitigan niya ang alak na nasa kopita. Nilaru-laro ng hintuturo ang bibig ng Kristal na kopita.

Hindi naman siya umiinom. Kahit minsan ay hindi pa niya nasubukng uminom nang kahit na anong uri ng alak. Tequila ang unang pumasok sa isip niya nang tanungin siya ng waiter. Narinig lang niya ito minsan mula sa mga bisita ng Mommy niya isang beses na may okasyon sa kanila.

Habang tinititigan niya ang alak sa kopita na iyon ay tila tuksong mukha niya ang nakikita sa  nakalarawan sa likido. Nakangiti ito…nang-iinis….

“Frigid ka kasi! Manhid…. walang pakiramdam!” ang sa wari’y naririnig niyang sinasabi ng sariling anyo.

Pagkatapos ay nahalinhan ang larawan niya sa alak ng mga nagtatawanang mukha ng mga classmates niya.

“You’re missing a lot, Maya!”

“Maganda at seksi ka nga….pang-Miss Universe, kaso malamig ka pa sa yelo!”

“Kaya ka iniiwan ng mga boyfriends mo, tsika!”

Napapikit si Maya. Humigpit ang hawak sa kopita.

“No! They don’t really love me, afterall!” katwiran niya sa mga imahinasyong lumalarawan. At saka dinala sa bibig ang kopita ng alak at straight na ininom.

Bahagya lang siyang nasamid at naubo. Hindi  niya gustong magmukhang katawa-tawa sa mga makakakitang hindi siya sanay.

Kung tutuusin ay wala nang tao sa bahaging iyon ng resort sa ganoong oras maliban sa dalawang waiter at isang nasa bar.

Unti-unti ang pagguhit ng init sa lalamunan niya pababa. Nagtaas siya ng paningin at hinanap ng mga mata ang waiter. Kinawayan ito at humingi pa ng isa.

Tulad nang una ay kinakitaan ito ng pagkabigla sabay tingin sa walang lamang kopita. Ganoon pa man ay walang kibong sumunod.

Sa isang bahagi ng bar ay isang lalaki ang naupo sa stool at napako ang pansin sa kanya.

“Hindi ba’t may mga kasama ang babaeng iyan kanina?” tanong nito sa bartender.

“Yes, sir. Sabi ng kahera nagbayad na at naisauli na ang cottage. Palagay ko, nag-iisa na lang iyan.”

“Ano ang iniinom niya?”

“Tequilla, Sir. At pangalawa na iyan. Mukhang may problema….”

Hindi na sumagot ang lalaki at hindi inalis ang mga mata kay Maya na muli ay ininom ng straight ang laman ng kopita.

Nakita nitong muling sumenyas sa waiter si Maya at humingi pa ng isang shot.

Napatingin ang waiter sa lalaking nakaupo sa may stool. Umiling-iling nang bahagya ang huli na nagpapahiwatig na huwag nang bigyan.

Marahang tumayo ang lalaki at lumapit sa kinaroroonan ni Maya.

“Excuse me…. pero matapang na uri ng alak ang iniinom mo. At sa nakikita kong paraan nang pag-inom mo ay hindi ka sana’y,” mahinahong wika ng lalaki. “…..at kung bibigyan ka pa ng isa pang shot, tiyak na hindi ka na makatatayo riyan.”

“Ano ba’ng pakialam mo! May ibabayad naman ako!” marahang bulyaw ng dalaga na nagtangkang tumayo.

Kung hindi sa maagap na pag-aalay nito sa kanya at tiyak na nabuwal siya.

“Ohh…” aniya na tinutop ang noo. Bakit siya nahihilo? Bakit para siyang nakasakay sa roller coaster?

“Please sit down….” wika uli ng lalaki na marahan siyang iniupo.

Nagtaas ng mukha si Maya upang tingnan ang lalaki subalit hindi niya maaninag ang mukha nito.

Iginala niya ang mga mata niya. Ilang tao ba ang nakatayo sa dako roon? Bakit malabong lahat? Ano’ng nangyayari sa kanya?

Muli siyang tumayo. At nang hawakan siya ng lalaki ay pinalis niya ang mga kamay nito. Nagpilit humakbang at sa pagkakataong iyon ay humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya.

At halos nakayakap na ito sa kanya dahil tiyak na mabubuwal siya.

Sandaling hindi kumilos si Maya. Ang mukha niya ay nakadaito sa dibdib ng lalaki. Gusto niyang itulak uli ito pero bakit pakiramdam niya ay gusto niyang manatili roon. Safe ang comfort ang nararamdaman niya.

Rediculous! Aniya sa sarili. Lasing na siyang talaga. Ganoon nga.

“Miss, nasaan ang mga kasama mo? Dadalhin kita sa kanila.?”

Napangiti si Maya. “Ikaw ang kasama ko, di ba?”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Bahagyang umiling. Marahan siyang muling iniupo.

Tinitigan nito si Maya na nakangiti gayong wala namang nginingitian. Napakaganda! Wika ng lalaki sa sarili.

Kaninang umaga ay inokupa niya ang buo nitong pansin. Mula sa cottage nito ay tinanaw siya sa pamamagitan ng telescope. At ngayon, napatunayan nitong higit na maganda ang dalaga sa malapitan.

Ang hula niya ay boyfriend niya ang isa sa dalawang lalaki dahil nakita niyang laging nakayakap sa kanya si James nang nasa pool sila. Doon nito tinigilan ang pagtanaw. Kung bakit nakaramdam ng inis ang lalaki ay hindi nito alam sa sarili.

“Miss, inuulit ko….. nasaan ba ang mga kasama mo kanina?”

“I-iniwan nila ako…..” medyo pahikbing sagot ng dalaga.

Hindi gustong maniwala ng lalaki. Sinong siraulong boyfriend ang iiwan sa iyo? Tanong nito sa sarili.

“Saan mo gustong ihatid kita?” tanong nito uli.

Humagikhik ang dalaga. “Kung saan mo ako gustong dalhin. Kahit sa buwan…”

Napailing ang lalaki. Nakabibighani ang mga ngiti ni Maya. May perfect set of white teeth. Pang-toothpaste model smile.

“Hindi ka na sumagot….. saan mo ako gustong dalhin?” ani Maya na madulas na ang paraan ng pagsasalita. Sinumang nakakikilala sa kanya at narinig ang mga sinasabi niya ay tiyak na magugulat.

“Gusto mong sumama sa cottage ko?”

“Okay…..” at tumawa. Sa pandinig ng lalaki ay isang magandang musika ang tawa ng dalaga.

Nakahawak sa beywang ni Maya ang lalaki bilang pag-alalay. Humilig naman sa balikat ng lalaki ang dalaga na tila walang pakialam.

Sa isang pribadong cottage na malayo sa karamihan dinala ng lalaki si Maya. Yari ito sa nipa at kawayan at mukhang espesyal ang pagkakayari.

Sunud-sunuran ang dalaga na nakangiti sa kawalan. Iniupo siya ng lalaki sa isang katreng kawayan na may kutson.

Ibinagsak ng dalaga ang sarili sa higaan. Kahit hindi niya gustong ipikit ang mga mata ay sadyang hinihila nang namimigat niyang mga talukap.

Tinitigan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa pabalik sa maganda niyang mukha.

“Ano’ng gusto mo? Kape…?

“Ikaw ang gusto ko….” sagot ng dalaga sa malumanay na tinig. Iba ang pakiramdam niya. Napakadaling mamutawi sa bibig niya ang mga salitang ni sa biro ay hindi niya masasabi sa isang lalaki kung hindi siya nakainom.

Gusto niyang awatin ang sarili pero may bahagi ng utak niya ang nag-utos na takasan ang reyalidad. Ang palayain ang sarili mula sa mga inhibisyon.

“I’m all yours. Ikaw, akin ka rin ba ngayon?” tuksong tanong ng lalaki.

“Iyung-iyo….mula ulo hanggang aa….” ang walang pakiaalam niyang sagot. “Kaya lang, bakit hindi ko yata makita nang malinaw ang mukha mo?”

Marahang tinapik ng lalaki ang pisngi ni Maya at tumawa nang mahina. “Pag nawala na ang epekto ng nainom mo ay makikita mo ako nang diretso…”

“G-guwapo ka ba?”

Lumakas ang tawa ng lalaki. “Hindi kami naglalayo sa kaguwapuhan ng boyfriend mo, marahil.”

“O, yes. James is handsome but half a man….”

“At ano’ng ibig mong sabihin niyan?” amused na amused ang lalaki sa kanyang sinabi.

Nang hindi sumagot ang dalaga ay muling nagtanong ang lalaki. “Ano’ng gusto mong gawin natin?”

Malakas na tawa ang isinagot ng dalaga. Hysterical na tawa. Naluha pa siya sa pagtawa. Nabahala nang kaunti ang lalaki.

“Please…calm down….” hinawakan nito ang dalaga sa magkabilang balikat.

“Men are just simply stupid….” sagot ni Maya na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa.

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Bakit mo sinabi iyan?”

“Iniwan ako ng boyfriend ko dito sa resort dahil ayokong gawin ang ginagawa ko ngayon sa iyo. Tapos heto ka at tinatanong ako kung ano ang gagawin natin?” at muling tumawa. “Why, let’s talk about the birds and the bees… and the flowers and the trees…. and the thing called s-e-x.”

Nakitawa sa kanya ang lalaki. Tumayo at tinungo ang naroong personal ref at kumuha ng isang canned beer. Binuksan ito at umiinom.

“Ayokong papaniwalain ang sarili kong lasing ka dahil hindi ko gustong isiping kaya mo lang nasasabi ang mga sinasabi mo ay dahil sa nainom mo,” wika nito na muling naupo sa gilid ng higaan.

“Alam mo bang maganda ka? Everything about you is beautiful…. ang boses mo….facial expression mo……pati pagtawa mo.”

“Thank you…”

“Para kang greek goddess…..parang totoo. Itim na itim ang buhok mo. Raven black,” sinuklay ng mga daliri ang buhok ng dalaga.

“Hmmm….I like that. It makes me feel so sleepy….”idinikit ni Maya ang pisngi niya sa braso ng lalaki.

“Huwag mong sabihin sa aking Aphrodite ang pangalan mo?”

“And you’re Apollo….?”

“If this is but a dream…ayokong magising. And if you’re not real, then take me to your world…” wika ng lalaki na ang hintuturo ay marahang pinagapang mula sa noo pababa sa ilong hanggang sa labi ng dalaga. Banayad na hinaplos ng hintuturo ang mga labi niya.

“Very poetic. But do we have to keep on talking? Don’t you want me?” tanong niya na bahagyang kinagat ang daliring naglalaro sa mga labi niya.

“Do you want me to want you?”

Hindi sumagot si Maya. Sa halip ay unti-unting tinatanggal ang mga butones ng blouse niya.

May isang munting tinig sa likod ng isip niya na pilit siyang inaawat sa ginagawa. Kanina lang ay pinagpipilitang tanggalin ni James ang mga butones na iyon. Ayaw niya! Bakit ngayon, heto at siya pa mismo ang pursigido?

Sinansala niya ang munting tinig na iyon at isinaksak sa kailaliman ng utak niya. Ipinagpatuloy ang ginagawa. Natambad sa lalaki ang dibdib niya na bahagyang natatakpan ng manipis na lace ng bra.

Marahang umubo ang lalaki. Hindi iilang babae ang nakita na niyang nakahubad at magagandang lahat. Hindi siya agad nagre-react malibang nasa aktuwal na pagtatalik.

Pero ang babaeng ito ay kanina pa siya pinag-iinit.

Pagkatapos ay dumako ang mga kamay ni Maya sa pantalon niya. Ibinaba ang zipper niyon.

“What are you doing?” tanong ng lalaki na tumingala sa kisame.

“What a stupid question! Mabagal ka kasi…” sinabayan ni Maya ng tawa. Itinaas ang katawan upang maibaba ang pantalon. Pagkatapos ay iwinaksi ng mga binti ang pantalon hanggang sa tuluyan iyong mahulog sa may paanan ng kama.

“Don’t worry, wala akong sakit. I’m still a virgin.”

Tumawa ang lalaki na iiling-iling. Pagkawa’y ito naman ang nagtatanggal ng t-shirt at isinampay sa may silya.

Madilim na sa labas kaya halos ganoon na rin sa loob ng kwarto. Binuksan ng lalaki ang lampshade sa tabi ng kama. Napuno ng kulay pulang liwanag ang silid.

Muli itong naupo at tinunghayan ang nakalatag na kagandahan. “Ang sabi mo kanina ay iniwanan ka ng boyfriend mo dito sa resort. Bakit?”

“Be—-cause… I don’t want to have sex with him…” sagot ng dalaga na nakapikit.

“I don’t want to have sex with you also. I want to make love to you….” dahan-dahang bumaba ang mga labi ng lalaki sa mga labi ni Maya. Sa simula ay nanunukso…giving her lips gentle kiss bites. Mayamaya ay lumalim ang halik nito. Mapusok….naghahanap…….nag-aangkin…..

Napasinghap si Maya na tila nalulunod. Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong nadama nang dahil lang sa halik. Minsan man ay hindi siya nakaramdam nang ganito kay James. At hindi sa ganitong paraan humalik ang kasintahan.

Mula sa mga labi niya ay dumako ang mga labi ng lalaki sa may puno ng tenga niya. Para siyang dinaanan ng malakas na boltahe ng kuryente.

“Your boyfriend must be lousy lover….” wika nito sa pagitan ng mga halik.

“And…..you….are not?”

Hindi sumagot ang lalaki. Tinatanggal nito ang hook ng bra niya. Kanina lang ay pinagmamatigasan niyang alisin ang kamay ni James sa dibdib niya. Ngayon halos gusto niyang tulungan ang lalaki bagaman madali nitong natanggal ang hook at alisin ang bra niya’t inihagis sa lapag.

Nang damhin ng lalaki ang dibdib niya ay napaigtad si Maya at napahawak sa batok nito.

Sa natitirang katinuan ng isip ay gusto niya itong itulak subalit tumatanggi ang katawan niya.

Pilit niyang binubuksan ang kanyang mga mata subalit sadyang mabigat ang mga talukap nito.

Sari-saring emosyon ang nadama ni Maya. Takot sa ginagawa niya at sensasyon na dulot ng ginagawa ng lalaki.

Hindi niya gustong huminto ang lalaki sa ginagawa nito. Kung saan nagdaan ang mga kamay nito ay sinusundan din ng mga labi.

“P—please….” bulong niya na kung anoman ang ibig niyang sabihin ay hindi rin niya tiyak.

“What are you asking for?” masuyong tanong ng lalaki. “Now?”

Bilang sagot ay marahang kinabig ni Maya ang estranghero sa kanya. At nang angkinin siya ay sinikap niyang huwag mapasigaw.

Sandaling natigilan ang lalaki at napatitig sa kanya.

“Hindi ka nagbibiro?” bulalas nito na sa mapusyaw na liwanag na nanggagaling sa lampshade ay kitang-kita nito ang pain and discomfort sa mukha ng dalaga.

Hindi sumagot ang dalagang nanatiling nakapikit.

“Relax…..hindi kita sasaktan……” bulong ng lalaki na hindi makapaniwala.

Dahan-dahan at maingat na gumalaw ang lalaki. Lalong humigpit ang pagkakapikit ni Maya. Sinikap niyang huwag kumilos sa pag-aangking iyon sa katawan niya.

This stranger absorbed her pain and took her to the edge of ecstacy!

Hindi inaalis na lalaki ang mga mata niya sa dalaga. Pain, passion and ecstacy ang hali-haliling nakikita niya sa mukha nito. At kung sino man ang babaeng ito, natitiyak niyang hindi nito kailan man malilimutan ang gabing iyon.

Sa pakiwari ni Maya ay dinala siya ng lalaki sa ituktok ng isang mataas ba bundok at sa walang hanggang pagkawala ng kanyang kamalayan.

“Enjoyed it?” bulong ng lalaki sa ibabaw ng buhok niya makalipas ang ilang sandal.

“Hmmmmm….” ang sagot ng dalaga na dala marahil ng pagod, kasiyahan at pagkalasing ay hinihila na nang matinding antok.

Nakasiksik ang mukha niya sa dibdib ng lalaki habang nakayakap naman ito sa kanya. Ang init na mula sa katawan ng lalaki ay lalong nagpadagdag sa pagnanais niyang matulog.

“Now, am I a lousy lover?

Hindi na nakuhang sagutin ni Maya iyon. At sa kauna-unahang pagkakataon ay sa ibang bahay nagpalipas ng magdamag ang dalaga sa piling ng isang estranghero.

Napangiti ang lalaki at ginawaran siya ng isang halik sa buhok. Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.

Tbc….

One Night of Enchantment (2)

Chapter 2

TULAD nang napag-usapan ny nagpahuli sa paggayak si James nang hapong iyon.

“James, bilisan mo. Nauna na sina Edward at Eds,” tawag ni Maya habang binubuksan ang pintuan ng kotse.

Nasulyapan ni James na nakalabas na ng gate ng resort sina Edward. Nilapitan niya si Maya na papasok na sa loob ng kotse.

“Halika muna, Maya, at may ipapakita lang ako sa iyo,” anito sabay hila sa kamay ni Maya na muntik nang mabilitawan ang shoulder bag.

“Ano ba iyon? May nalimutan ka pa ba?” nagtatakang usisa ni Maya kay James na atubiling sumunod.

Hindi ito sumagot na hinigpitan pa ang hawak sa kamay ni Maya na tila makakawala.

Hindi pa halos naisasara ang pintuan ng cottage ay niyakap na nito ang si Maya at pinupog ng halik.

“J-James…. ano ba?” wika ng nagulat na si Maya. “A-anong ginagawa ,o? Maghihintay sina Edward at Eds…”

“Nauna na sila Maya. Talagang binigyan nila tayo ng pagkakataong magkasarilinan…..” at nagsimulang lumikot ang mag kamay ni James.

Nagulumihan ang dalaga. Hindi niya mapaniwalang iiwanan siya ni Eds.

“Ano ba, James?” aniya na iniiwas ang mukha mula sa mga labi ng kasintahan.

Subalit patuloy si James sa ginagawang pagyakap at paghalik sa kanya. Hindi magkandatuto ang dalaga kung paano pipigilan ang mga kamay nito.

Yakap siya ng isa at gumagapang naman sa katawan niya ang isa pang kamay nito.

Pilit na inihihiga ni James ang dalaga. “Hindi mo pagsisisihan ang gagawin natin, Maya. You’ll like at…” at kumalas sa dalaga at mabilis na tinanggal ang botones ng poloshirt nito.

Kinabahan si Maya na agad tumayo at tinungo ang pinto. Maagap siyang nahawakan ni James sa braso bago niya iyon nabuksan.

“Maya, mahal kita…. Walang masama sa gagawin natin….” at inihagis nito ang polo shirt sa silya.

“Bitiwan mo ako, James!” sigaw ng dalaga na pinanlakihan ng mga mata. Natatakot na siya sa inaasal ng asintahan. Tila ito isang leon na sisilain siya.

“Stop resisting, Maya. You have me, don’t you?” at siniil ng halik ang dalaga. Sa labi… sa pisngi… at sa leeg.

Hindi makasagot ang dalaga. Mahal niya si James. Pero dapat bang patunay ng pagmamahal itong ginagawa ng kasintahan?

Marahas niyang itinulak palayo sa kanya ang binata. “Pag itinuloy mo ang ginagawa mo ay sisigaw ako!” babala ng dalaga.

Ngumisi ang binata. “Sisigaw kang talga, sweetheart. Sisigaw ka sa kaligayahan.”

At muli ay sinibasib nito ang dalaga.

“Hindi ako nagbibiro, James! Talagang sisigaw ako,” matigas niyang sabi.

“No….. you won’t do that, sweetheart. Akala ko ba’y mahal mo ako? Malambing na tanong ng binata na ang mga kamay ay nasa dibdib na ng dalaga at sinisimulang tanggalin ang mga butones ng blouse ni Maya.

“Totoong mahal kita, James… p-pero….”

“Wala nang pero-pero pa, sweetheart. We love each other. Iyon ang importante,” dalawang butones na ang natatanggal nito nang mabilis na umatras si Maya.

“Please James… naguguluhan ako sa ginagawa mo. Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyong hindi ako nag-i-indulge sa pre-marital sex? Bakit hindi mo hintayin na makasal tayo?”

“Darating din tayo roon, Maya…” nakangising sagot ng binata. “Come on, darling…. sinasayang natin ang oras sa walang kabuluhang pag-uusapat pagtatalong ito…”muling niyakap nito ang dalaga.

“Ayoko James, ayoko!” pagkuwa’y malakas na ibinalya ang binata ang binata na sumadsad sa dingding.

Napika ito. “Shit, Maya! Lahat ay ginagawa ito! Ang mga kaibigan mo. Si Edward at si Eds. Pinagtatawanan na ako ng mga barkada dahil masyado kang pakipot!”

Hindi makapaniwala sa narinig si Maya. “Ng..ng dahil lang sa barkada kaya gusto mong mag-sex tayo?”

“Hindi iyon! Gusto kong ipadama sa iyong mahal kita. At patunayan mo rin sa akin na mahal mo ako. Ngayon! Dito!” at itinuro rito ng daliri ang kama.

“I’m sorry, James… pero, hindi! Matigas at determinadong sagot ng dalaga. “Ipilit mo ang gusto mo… and that would be rape!” bakas ang galit sa tinig niya.

“Even if it means losing me?”

“Even if it means… losing you….” mahina lang iyon pero matatag.

Tumaas ang dibdib ng binata at matalim siyang tinitigan. Pagkuwa’y hinablot ang poloshirt na nasa silya. “Kung inaakala mong ikaw lang ang babae sa mundo, puwes magpahinog ka!” at walang lingon-likod itong lumabas ng cottage.

Naiwang hindi nakahuma si Maya. Arangkada ng kotse ang narinig niya. Mabilis siyang tumakbo palabas ng cottage ngunit hulihan na lang ng sasakyan ang nakita niya.

Iniwan siya ni James? Dito sa resort? Miles away from Manila? Hindi siya makapaniwala.

May kung ilang minute din siyang nakatayo roon sa sa pagbabaka-sakaling bumalik si James. Tuluyan siyang nanlumo nang mapagtantong iniwan siyang talaga nito.

Wala sa loob na dahan-dahan siyang bumalik sa loob ng cottage. Nanlalambot na naupo sa gilid ng kama.

Si James ang ikatlong boyfriend na nawala sa kanya dahil sa iisang kadahilanan. Iniyakan niya ang naunang dalawa. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya magawang umiyak.

“You….you’re not worth a tear….” nanlulumo niyang bulong sa sarili.

Hindi siya makaiyak subalit nagpupuyos ang loob niya sag alit, sama ng loob, at pagkahabag sa sarili.

Hindi niya kayang isipin ang ganoong uri ng lalaki. At isiping mahal niya ito, at sinabi din nitong mahal siya.

Wala bang lalaking hindi maghahangad sa katawan niya?

Well, she has nothing against sex. Ang hindi niya kayang lunukin ay kung bakit lagi na lang itong, hinihinging patunay ng pagmamahal?

Hindi ba sapat ang faithfulness…. ang concern…. at pagmamahal?

Ang sex ay bahagi ng relasyong pinagsasaluhan lamang ng mag-asawa. Kinalakihan niya ang ganitong pagmulat sa kanya ng mga konserbatibong magulang.

Ang konserbatibong paniniwalang ikinintal sa isip niya ng kanyang mga magulang ay hindi ba maaring makipagsabayan sa ganitong permissive society?

Is it worth preserving the chastity and moral values kapalit ng sama ng loob at pagkabigo?

Where have all the gentlemen and marryng kind gone?

tbc….

It’s Not Too Late To Say “I Do” (Epilogue)

Chapter 22 (Epilogue)

NAGING napakasaya ng reception ng kasal nina Richard at Maya. Hindi mahalaga kung kaunti lang ang naging saksi sa kasal nila. It was shared by people who truly knew and loved them. She realized now, that what made the wedding beautiful and perfect weren’t the expensive things, not the large entourage, not even the intricately designed church and reception venue. It was simply the presence of the two people bound to love each other forever.

Pinagmasdan siya ni Richard. Nasa labas sila ng pinto ng honeymoon suit nila. Ngiting-ngiti ito. love was evident in his eyes. “I love you.”

“I love you, too.”

“After our honeymoon, let’s start preparing our next wedding. We’ll invite everyone who wasn’t there, and of course another triplets all boys naman.”

Umiling siya at natawa.

“Are you still traumatized?” nag-aalalang tanong nito.

“No. I don’t want another wedding. In the past, my idea of a perfect wedding was an expensive wedding like the ones I saw on movies. Now, I realized that not all expensive things are perfect. Our wedding did not have the details of my dream wedding, because I saw the overflowing love in the faces of our guests. And also I saw how you loved me. Iyon lang ang importante, Richard, wala nang iba at yung sinasabi mong another triplets na all boys? Baka hindi ko na kayanin yun.” Maaga kang mabu-byudo at kawawa ang mga anak ko.”

Tumango ito. “I love you. I think I’ll never get tried of saying that.”

“You can tell me you love my by singing to me. I love your voice. Sweetheart. You should sing more often.”

Ngumiti ito. “I will but ikaw lang ang kakantahan ko.” Inakay siya nito papasok at inihiga sa kama. “I’ll sing till you sleep.”

Nagsimula itong kumanta.

In the cool of the evening
When I was a boy
I would gaze at the wide open skies
And I’d dream of a someday
When I’d be a man
And live with a lady with lights in her eyes
Well, I searched for that dream
Till my heart nearly broke
Till my hopes turned to hopeless and died
Until just this morning when I suddenly woke
Looked at you sleeping there and cried

This is what I dreamed
This is what I wished for
Now all at once I see
Everything I’ve ever wanted
Is here with me

Yes, this is what I dreamed
Like a miracle unfolding
Holding you near me
Just like this

Every moment, every kiss
Is exactly how I pictured it would be
I swear I must be dreamin’
For this is what I dreamed, ooh

And it’s everywhere around us
Every cloud in the sky
Every breeze that blows by
Can’t believe I’ve been so blind
To this sweet bliss

Yes this is what I dreamed
And I just can’t help but wonder
If under those same magic skies
You were closing your eyes
And dreaming of this moment with me
My life is wide awake now
For this is what I dreamed ooh

This is what I dreamed
This is what I dreamed….

(by David Pomeranz)

          Nang matapos ito sa pagkanta ay pinahid niya ang isang patak ng luha na kumawala sa kanyang mata. Since their wedding, iyon ang palaging kinakanta nito sa kanya. When she asked him why, he said that was when he had been feeling since they’ve been together.

She thanked God for His blessings and he slowly closed her eyes to sleep, confident she’ll wake up tomorrow and see Richard lying beside her.

ry

+++++++++++++++*****************++++++++++++++

It’s Not Too Late To Say “I Do” (sample lang ng epilogue)

SAMPLE LANG PO PARA SA REQUEST NI SIS CATEZ  & SIS.  ANNE..hahahaha……

Pinagmasdan siya ni Richard. Nasa labas sila ng pinto ng honeymoon suit nila. Ngiting-ngiti ito. love was evident in his eyes. “I love you.”

“I love you, too.”

“After our honeymoon, let’s start preparing our next wedding. We’ll invite everyone who wasn’t there, and of course another triplets all boys naman.”

It’s Not Too Late To Say “I Do” (Finale)

CHAPTER 21 (Finale)

LUB-DUB! Lub-dub! Lub-dub! Sa lakas ng pintig ng puso ni Richard, kabadong-kabado siya. Everything was set. Handa na ang lahat sa kasal maliban na lang sa bride na walang kaalam-alam sa mangyayari. Silang dalawa ni Nikki ang naghanda sa kasal. Instead of the grand wedding he wanted, his sister suggested to make it intimate. Baka raw lalong umayaw si Maya. He agreed. So the wedding would just be witnessed by around twelve adults and four childred including the son of Nikki the ring bearer. Mabuti at nakumbinsi niya ang pari sa kanilang kasal. Ayaw nito noong una pero napapayag din niya ito.

Ang mga taong hindi siya tinulungan noong una ay pumayag ding maging bisita at kasalukuyan nang naghihintay sa simbahan. Even Maya’s parents were there. Hinihintay na lang niya ang paglabas ni Maya sa ospital.

“What happened? What’s the emergency? Ang mga bata?” sunod-sunod na tanong nito pagpasok sa kotse niya.

“Hindi. Magpapasama lang ako sa Manila para magpa-check up.” Iyon ang naisip niyang palusot. Pinatakbo na niya ang kotse.

“Ano’ng sakit mo? Hayan ang ospital, o. saka ako na lang ang titingin sa ‘yo.”

Umiling siya. “Naka-schedule na ako. Saka I want to see a doctor who specializes in you know…. health problems of men.” Lihim siyang napangiwi sa sinabi. Wala siyang ibang maisip gawing sakit na sa tingin niya ay masyadong malayo sa espesyalisasyon nito para pumayag agad itong iba ang tumingin sa kanya.

“What are you feeling ba? I haven’t noticed anything unusual naman.”

Pigil na pigil niya ang pagtawa. She was really confused. Of course, she wouldn’t notice anything because there was really nothing wrong with his manhood. Lumiko siya kung saan naroon ang simbahan.

“Maya, let’s visit the church first so that the outcome of my check-up would be good.”

Tumango naman ito. Naroon na ang lahat naghihintay.

Bumaba sila at naglakad papunta sa simbahan. Malapit na silang makapasok nang bigla siya nitong hinila sa braso. Nanginginig at nanlalamig ang kamay nito.

“What’s wrong?”

“There’s a wedding. Let’s go. Sa ibang church na lang tayo.”

Naawa siya sa hitsura nito. She was so pale. Parang ilang gallon ng dugo ang nawala rito. He didn’t know her trauma was this bad. Ang akala  niya ay takot lang ito sa kasal. Maybe that’s why she never agreed to attend his friend’s wedding with him.

“Hindi. Dito na tayo, it’s okay.” Inakay na niya ito. she was trembling badly. Baka lalo itong matakot oras na malaman ang totoo pero kailangan niyang gawin iyon.

Pagpasok nila ay sinalubong sila ni Nikki kasama ang triplets na bihis na bihis na.

“What’s this Richard?” Nakakunot-noo nang tanong nito.

“It’s our wedding, Maya.”

Hindi makapaniwala si Maya sa sinabi ni Richard. Kasal nila iyon. Paano nangyari iyon? She could see her parents from afar, together with Rafi, Charlie, Richard’s family, her bosses. Also the priest ready to officiate their wedding.

“Mommy, get dressed na,” untag ni Mariz sa kanya.

“Look, Mom, we’re pretty na. You have to be pretty, too,” sabi naman ni Mitchie.

“Yes, Mom, we’ll be a real family na,” sabad naman ni Marichie.

Hindi pa rin siya makapagsalita. She just stared at the church while holding Richard’s hand so tightly.

“Kid’s, doon muna kayo sa front. You go with Tita Nikki,” sabi ni Richard.

Kita niya ang papalayong mga anak, papunta ang mga ito sa bandang malapit sa altar.

“Why are you doing this?” baling niya kay Richard.

“I love you, Maya and I want to marry you, spend the rest of my life with you. Alam kong wala nang ibang paraan para mapapayag kitang pakasalan uli ako. Ito lang. Isang surprise wedding.”

“Okay naman tayo, ah.”

“Yes, We are more than okay. Nasa atin na halos lahat. We love each other, we have precious……” Biglang sumigaw ang triplets at tinawag sila. “… at the same time pesky kids. Only one more thing is missing. God’s blessing. Having you is a blessing alone, but let’s make our relationship more perfect. Wala ka nang dapat ikatakot, Sweetheart, you’re here and I’m here.”

Matagal siyang hindi nakapagsalita. Tama ito. “Everybody is dressed except me.” She said, her way of saying “yes.”

Ngumiti ito. Itinaas nito ang kamay. Dali-daling lumapit si Nikki at Rafi na bitbit ang isang kahon.

“Meet Nikki, your all too willing couturiere.” Nakangiting wika nito.

“Ate Maya, let’s fix you up.” Hinila na siya nito palayo kay Richard. Naalarma na naman siya.

Nikki sensed it, but she only giggle. “Don’t worry, Luke will tie him up.”

Tumawa si Richard. “I’ll be at the altar, I promise,” he said sweetly.

Binihisan na siya sa isang silid sa kumbento na katabi ni simbahan na parang inilaan para sa kanya. Natagalan pa sila dahil in-apply-an pa siya ng make-up at mabilisang inayos ang buhok niya. It seemed like Richard moved heaven and earth for this wedding to happen. Hindi na siya nag-aalala. His words were enough. She knew he would be there waiting for her.

Ilang minute pa ay lumabas na siya kasama sina Nikki at Rafi at ilang make-up artists. Pinapuwesto na siya sa dulo ng simbahan. Isa-isang lumapit ang mga taong naroon na nagsilbing entourage.

“Gusto ko sanang ako ang Maid of Honor pero si Ate Rafi na lang,” bulong ni Nikki.

Malaki ang pasasalamat niya rito. Her gown was beautiful. Bukod dito, ito rin lang ang nagtiyaga at nagtiwala kay Richard. Sinabi ni Rafi na si Nikki ang naging katulong ni Richard sa paghahanda ng lahat ng iyon.

Finally, her dad was beside her holding both her hands. “Honestly, I don’t want to give you away anymore, princess. Pero alam kong mahal ka ni Richard. He cried to much when I told him how you suffered after he left. He begged me to entrust you to him again. I know you’ll be in good hands now, my princess. I’m sure of that, I promise,” naluluhang sabi ng daddy niya.

She hugged him tight, the man she first loved long before she understood the word “love.”

Everyone was in place, especially Richard who wore a gray suit and stood beside Charlie, who was smiling widely.

Pumailanlang na sa ere ang wedding march. Everyone in front her started walking. She smiled when she saw he princesses, walking like real princesses.

Here we stand today like we always dreamed starting out our life together, light is in your eye’s love is in our hearts. I can’t believe you’re really mine forever, didn’t rehearse in for this moment in all my life so don’t act surprised if the feeling starts to carry me away……….

            On this day, i promised forever. On this day I surrender my heart. Here I stand take my hand and I will honor every  word that I say on this day……..

Habang naglalakad, kitang-kita niya ang emosyon sa mga mukha ng lahat ng taong naroon. Her mom was crying. Sa katunayan, lahat yata ng babaeng naroon ay umiiyak. The men, macho as they all were, were also teary-eyed. She knew those were all tears of joy.

As she reached the altar, Richard lovingly look her hand ang together they faced the priest. And they both stood before God, as they were about to profess their undying love for each other.

“Maya dela Rosa, do you take this man to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do you part?” tanong ng pari.

With eyes filled with tears, she looked at Richard’s eyes the way she looked at them the first time they met, the same way she will look at them for the next fifty years of life, and said the words to start their forever “I do,” she solemnly said.

The priest asked Richard the same question. And with equal love and emotion, he uttered his answer.

“I do,” he said.

When they said their vows, their voices were breaking. They were both teary-eyed.

Before the priest pronounced them as husband and wife, he gave them a very interesting message.

“ladies and gentlemen, in the many years of my service, ito na siguro ang pinakakakaibang kasal na nasaksihan ko. I didn’t want to do this wedding at first. But the groom persistently asked my grace and he told me your story.

“I was deeply moved by how he showed his love for the bride. To Richard and Maya, what you’ve been through will not be the last storm in your life, you will have more. But your love will surely stand the test of time. Because of that, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Then they shared  their first kiss as husband and wife. Their loved ones cheered. She looked up to him and saw him crying. She was crying, too. It was really true,  so much happiness can also make you cry.

                                                                    ====The End====

“One Night of Enchantment”

Chapter 1

 LAGUNA, isa sa mga hot spring resorts doon.

Lumabas mula sa nirentahang cottage ang magkaibigang Maya at Eds suot ang kani-kanilang bathing suits.

Patungo sila sa pool area na kung saan naroon na ang kanilang mga boyfriends.

Napasipol si James nang matanaw sina Maya at Eds. Parehong seksi at maganda ang dalawa. Subalit higit ang paghangang inukol nito sa kasintahang si Maya.

“Hindi ba kayo maliligo?” tanong ni Eds.

“Oo nga. Bakit hindi pa kayo nagpapalit ng swimming trunks?” susog ni Maya na ang mga mata ay nakatingin sa kasintahang si James.

“Susunod na kami mayamaya, Maya. Uubusin lang naming ni Edward itong beer aming beer. Tig-isang bote lang naman.”

“Hayaan na nga natin ang dalawang iyan, Maya. Let’s go,” apura ni Eds sa kaibigan na nagpauna nang lumakad patungo sa pool.

Nagkibit ng balikat si Maya at sumonod kay Eds na lumusong na sa pool. Naiwan ang dalawang lalake na sinundan sila ng tingin.

“Ano ba pare, laos ka na yata?” ani ni Edward kay James. “Aba’y mag-iisang taon mo nang girlfriend si Maya pero hindi ka pa rin makaiskor.”

“Gusto ko na ngang reypin, eh. Saksakan ng pakipot,” nakangiting sagot ni James na ang mata ay nakatuon pa rin sa dalawang babaeng nasa tubig.

“Si Maya ang pinakamatagal mong girlfriend na hindi ka nakalusot. Pinagtatawanan ka na ng mga barkad, ah.”

“Matigas, pare, hanggang kissing lang ang gusto. Ni hindi ko nga mahawakan ang dibdib nang walang damit, eh,” sumimangot ito, dinala sa bibig ang bote ng beer at uminom.

“Mabuti na lang at nariyan ang mga standby girlfriends mo,” ngising tudyo ni Edward.

“Wag kang maingay dyan, Pare, Hindi alam ni Maya iyon. Ang alam niya ay siya lang ang nag-iisa sa buhay ko,” halata ang inis sa tinig ng binata. “Isa pang sagabal ay iyang syota mo!” dugtong pa nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Edward. “Si Eds? Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi mo ba napapansin na sa tuwing magkakasarilinan kami ni Maya ay bigla na lang sumusulpot si Eds? Tulad noong party kina Bobot, pumayag na itong gamitin ko ang silid niya sa itaas. Tapos noong kinaayag ko na si Maya ay biglang dumating si eds at hindi na humiwalay…” suyang-suyang pagkukuwento ng binata.

“War kasi kami ni Eds noon dahil nga niyaya ko nang lumabas kami. Aba at ang sabi ay hindi nga daw niya pwedeng iwan si Maya,” sagot ni Edward.

“Hindi lang iyon. Maraming pagkakataong foursome tayo ay lagi nang tila nanay ni Maya si Eds,” sabi ni James na initsa sa ere ang mani at sinalo ng bibig.

Ilang sandal munang nag-isip si Edward.

“Bago kayo umuwi mamayang hapon ay tiyakin mong may mangyayari.”

“Papaano?”

“Simple. Medyo mag-antala ka habang paalis kami ni Eds. Kunwari ay may nalimutan ka sa cottage. Bahal ka na sa kasunod. Tiyak walang istorbo sa inyo kahit mga-overnight pa kayo,” malisyosong ngumiti si Edward.

“Hmmnnn….” pinag-isipan ng binata ang sinabi ng kaibigan.

Sa lahat ng mga naging girlfriend ni James, si Maya ang pinaka-reserve. Pakipot ang tawag niya roon dahil alam naman ng binatang mahal siya ng nobya.

Si Maya pa rin ang babaeng tumagal nag ganito na hindi niya napapayag na makipagtalik sa kanya.

Moderna naman ito sa lahat ng bagay. Pati kumilos at manamit. Subalit pag umabot na sila doon sa puntong ipipilit niya ang gusto niya ay hindi natitinag si Maya. Tuloy, nararamdaman niyang hindi niya kayang pag-initin ang kasintahan at naiinsulto ang pagkalalake niya.

Bigyan lang siya ng tsansa ay natitiyak niyang hahanap-hanapin nito ang sarap na ibibigay niya.

Minsan pa nga ay dinala na niya ito sa motel. Pero kahit anong pilit at pakiusap niya ay hindi ito bumaba ng kotse.

Gusto na nga niyang makipag-break kay Maya dahil naiinis na siya. Subalit nagsisilbing hamon ang dalaga. Maliban pa sa talagang namang pinakamaganda at pinakaseksi si Maya sa mga naging girlfriends niya. Habang tinititigan ito ay lalo pa yatang gumaganda.

At gusto niyang mapasakanyang tuluyan ang dalaga. Hindi dahil gusto niyang pakasalan ito. hindi siya ang uring nagpapatali sa matrimonya ng kasal. Kundi dahil masusugatan ang ego niya kung hindi niya ito maaangkin.

tbc……