CHAPTER 20
RICHARD needed a perfect plan so he could marry Maya. Masaya na sila. He could say they were together again. Iyon nga lang, nag-set na ito ng limitasyon sa relasyon nila. They were committed to each other but they were never to talk about marriage ang anything that sounded it. Kaya ang labo ng relasyon nila. Ngunit naiintindihan naman niya ito. she was just badly traumatized because of him.
Sinabi pa nito minsan nang igiit niyang magpakasal sila, na kung sakaling gusto na talaga niyang magpakasal, she would be willing to let him go so he could marry someone else. Nasaktan siiya sa sinabi nito. How could he marry another woman when it was she that he loved?
Kung hindi nila pag-uusapan ang kasal ay okay sila. They were one big happy family. Palagi na siyang umuuwi sa Baguio. Wala namang sinasabi ang mga magulang nila sa setup nila.
Kung titingnan niya si Maya, parang okay lang dito ang lahat. Sa mata ng Diyos at ng mga tao mali ang ginagawa nilang pagsasama, ngunit wala pa siyang magawa sa ngayon. Marami na siyang planong naisip na sa huli ay ibinabasura niya. Mahihirapan siyang gawin ang mga iyon nang walang tulong.
Batid niyang walang gustong tumulong sa kanya. Sinabi ng mga magulang niyang tutulong lang daw ang mga itong planuhin ang kasal nila ni Maya kung iyon ang una. Ganoon din ang sinabi ni Charlie. Maging sina Dr. Go, Dra. Calandra at Dra. Buenaflor, ganoon din ang sinabi. Alam na ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Maya. Even his own brother didn’t bother to help him out. Nilapitan na rin niya si Rafi.
“Im only tolerating your relationship with her because I can see she is happy ang my godchildred are happy. But I won’t help you plan a wedding she doesn’t want. Who knows? Baka mauntog ka na namanat maisipan mong huwag sumipot? I don’t want to be an accessory to what will hurt my friend,” Rafi said.
He needed help since he wanted a grand wedding for Maya. Iyon nga lang, wala itong alam na pinaplano na niya ang kasal. Alam niyang ang tanging rason kung bakit ayaw nitong magpakasal ay natatakot itong hindi siya sumipot uli. Kung anong pag-a-assure ang sabihin niya rito ay hindi niya ito makumbinsi na hindi na uli mangyayari iyon.
Napu-frustrate na siya sa mga tao sa paligid niya. He was worse than the boy who cried wolf. Ang mga all-time supporters lang niya ay ang mga anak. But what could kids do? Then he remembered one people, who could actually help him. Dinampot niya ang telepono para tawagan si Nikki.
“Nikki, have you really forgiven me for what I dis to Maya before? I mean, how you really forgiven me, enough to help me with my plans? Bungad niya sa kapatid nang sagutin nito ang tawag.
“Hmmmm……. Well…….”
“Nik-nik, pati ba naman ikaw?” aniya sa pet name niya rito.
“well, I liked Ate Maya so much and you know that. But anyway ano ba ‘yon?”
“Help me plan our wedding, pero syempre tayo lang muna ang makakaalam.”
Matagal bago ito sumagot. “I don’t know,” anito mayamaya.
Bumuntong-hininga siya. “Nik-nik, please. I’ll let you design her dress and that of the whole entourage.” Sana lang ay mag-work ang bribe niya rito.
“Really?” patiling tanong nito.
Napangiti siya. It’s working. “Yes,”
“no budget limit? Don’t worry, sa dress lang naman, wala akong paki sa iba,” ungot nito.
“Okay.”
“Deal!”
He smiled. Finally, one surprise wedding coming up.
Tbc….