Chapter 9
NAKANGITING pinagmamasdan ni Maya ang isang mataas at matayog na gusali. Ang gusaling iyon ang unang malaking proyekto nina Richard at Charlie mula nang maging inhinyero ang mga ito. Mahigit isang linggo na lang ay kasal na nila kaya naisipan niyang dumalaw muna sa Cebu sa pagsisimula ng isang buwang leave niya sa ospital. Kasama niya si Charlie sa halip na si Richard sapagkat may inaasikaso pa ang fiancé niya.
Nilibot nila ang buong gusali na isa na ngayong tanyag na commercial building. Maganda at hindi karaniwan ang desenyo ng gusali. Malapit na nilang matapos ang paglilibot nang may makita siya na dingding ng building. It was a plaque recognizing the work of the people who headed the construction of the building.
Engr. Richard Lim
Engr. Charlie Ramirez
Arch. Alexandra Santos
“Cool. Wala pa akong nakikilalang babaeng architect,” masayang komento niya habang binabasa ang mga pangalan na naroroon.
Marahang tawa lang ang itinugon ni Charlie.
“Magkakaibigan kayo?” usisa niya rito. Bigla ay parang nais niyang ang babaeng architect na iyon ang magdisenyo ng bahay na ipapatayo nila ni Richard.
“Who, Alex?” tanong nito. Tumango siya. “Yeah. Batchmates kaming tatlo nina Richard.” Saad nito. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang lungkot sa tinig nito nang sabihin iyon. Nagtataka man ay hindi na niya pinansin iyon.
“Great! Do you think I can meet her? Kasi parang gusto kong sa kanya magpadesenyo ng bahay namin ni Richard.”
Umiling ito. “You can’t,” anito at bigla na lang nagpatiuna sa paglalakad sa labis na pagtataka niya.
Samut-saring ideya ang naglalaro sa isip niya kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Charlie sa sinabi niya. Maaaring nagkaroon ng relasyon si Richard sa Alexandra na iyon dati at hindi naging maganda ang pagtatapos niyon. Dahil sa naisip ay lalong napukaw ang kuryosidad niya sa nakaraang pag-ibig ng kanyang mapapangasawa na hanggang ngayon ay hindi pa nito naikukuwento sa kanya.
“Charlie, may relasyon ba dati si Richard sa Architect n’yo?” mayamaya ay tanong niya rito.
Ilang saglit na nag-isip muna ito bago sumagot. “Yes,” tila wala sa sariling sagot nito. “I’m sorry, Maya, I shouldn’t have—-“
“It’s okay,” putol niya sa sinasabi nito.
Bumuntong-hininga na lang siya. Kahit nais niyang malaman kung ano ang nangyari sa dalawa hindi na siya nag-usisa. Tahimik silang bumalik ni Charlie sa opisina dahil may gagawin pa ito. Mag-isa siyang pumasok sa opisina ni Richard. Napasukan niya itong nakatulala at may hawak na kung ano na ipinapaikot nito sa kamay. “Sweetheart!” gulat na sambit nito nang marahil ay maramdaman ang presensya niya.
Isang masuyong halik sa mga labi ang ibinigay niya rito sabay kandong dito. Masigla itong nakipag-usap sa kanya ngunit napansin niya na distracted ito, nais niyang taningin ito, pero naisip niyang magsasabi rin ito kapag handa na ito.
Noon niya napansin ang isang maliit na bagay sa mesa nito. Dinampot niya iyon at pinagmasdang mabuti. Then she realized it was a miniature of the building she went to earlier. Nakakaaliw tingnan iyon. Ang ngiti niya ay biglang naglaho nang maalala ang naganap kanina lang. Napukaw uli ang kuryosidad niya. “Sweetheart, Charlie sort of admitted something to me earlier. And……. well, I learned that you were together with the architect who designed this building.”
“Ah, yes, he’s right,” alanganing sagot nito.
“Pwede ko bang marinig nag kwento n’yo?” naglalambing na tanong niya. “Just teensy bit—“
“Just because you’re my fiancé, Maya, doesn’t mean you have every right to dig up my past!” he said in the loudest, most demeaning voice he ever used on her.
Sa pagkagulat niya sa naging reaksyon nito ay napatayo siya mula sa pagkakakandong dito. She had the strong urge to cry ang throw a fit but she held herself together.
“A ‘no’ would’ve been enough, Richard,” wika niya sa kalmadong tinig. Dulot ng sama ng loob sa panininghal nito, tumalikod agad siya rito at dire-diretsong lumabas ng opisina bitbit ang kanyang bag.
Sa loob ng ilang oras ay nagpaikot-ikot lang siya sa mall na hinintuan niya pagkatapos niyang mag-walkout kay Richard. She tried to enjoy herself to forget she was hurt. Pabalik na siya ng hotel nang marinig niyang nagr-ring ang cell phone niya. Nang nakita niyang si Richard ang tumatawag, inignora niya iyon.
Naglalakad siya sa hallway patungo sa hotel room niya nang matanawan niya si Richard na nakatayo sa tapat ng room niya. Nais sana niyang umalis uli at iwan ito nguunit walang saysay iyon. Kaya lumapit na siya rito subalit hindi niya ito pinansin.
“C-can I come in?” nag-aalangang tanong nito nang mabuksan niya ang into. Isang tango lang ang isinagot niya. Dahil wala siyang balak magukas ng usapan ay hinayaan lang niya itong nakatayo sa isang tabi, while she tried to look busy and indifferent.
“Pasensya ka na sa inasal ko kanina.”
Kibit-balikat lang ang isinagot niya rito. She knew it was inappropriate but she couldn’t help it when an overwhelming pain was slowly eating her up.
Tumikhim ito. “Alex and I were collage sweethearts. We were together for almost six years.” Pagkukuwento nito. “Say something, Maya.”
“Hindi mo kailangang magkuwento. Kalimutan na natin ‘yon.”
“Gusto kong magkuwento. Mahihirapan siguro ako. But I’m ready now.”
“Okay,” nalilitong sabi niya saka siya umupo sa kama. Ito naman ay umupo sa sofa. They were almost in front of each other but were still few feet apart. Along with the dimmed lights, it would’ve been a romantic setting except they were about to talk about a past love affair. A love affair she sincerely hoped had no dark ghosts.
“Hills building was our first big project. Hindi lang natupad ang kanya-kanya naming pangarap nina Charlie at Alex na maging inhinyero at arkitekto, natupad din sa Hills project ang pangarap naming magkasama-samang tatlo sa iisang proyekto. Close na kaming tatlo mula elementary. But Alex and I were much closer since, aside from being friends, we also had an intimate relationship.” Matagal bago ito muling nagsalita. Tila binabalikan nito sa isip ang nakaraan. “Sobrang dedikasyon ang inilaan naming sa proyektong iyon. Hindi lang naming alintana ang pagod at puyat,” napapangiting sabi nito na tila sinasariwa ang saya na dala ng ala-alang binabalikan nito.
Habang tahimik ito, samut-saring emosyon ang bumukas sa mukha nito. May tuwa at may lungkot. Somehow, it hurt her seing that whatever happened years ago still caused him pain now.
“But Alex didn’t even get to see the building; she didn’t even get to step inside it.”
“Why?” tanong niya.
“Brain tumor. It was really late when it was diagnosed. It seemed everything happened in a snap. One moment we were laughing while cooking her favorite pancakes, the next thing i knew, I was looking at her through a glass window, with her on the bed, a bunch of machine keeping her alive.”
“I was the only one who refused to believe what the doctors said. I badly wanted her to live. I even reached the point where I wanted to offer my soul to devil just so Alex could live again. I asked her, almost begged her to live for us, for me. Sinabi ko sa kanyang dadalo pa kami sa inauguration ng Hills, itatayo pa naming ang longest flyover. But she said during one time na gumising siya. ‘How can I still do that? Kung mas mabilis pa sa pagguho ng ginigibang building ang pagguho ng katawan ko.’
Mapait itong ngumiti. “Minsan, kapag nagbiro ang tadhana, talagang sobrang saklap. I felt so cheated. She was just starting to really live life. Tapos, biglang oras na niya. Sometimes, i wish na sana ay may nakapagsabi man lang sa akin na ‘Time’s up. Mawawala na si Alex.’ But what can we do, right?”
Ilang sandali na namayani sa kanila ang katahimikan. Siya ang unang bumasag niyon. “I’m so sorry I made you go through that again.” saad niya. Hindi niya alam kung ano ang eksangtong nararamdaman niya. Was it guilt, sympathy or jealousy? Kaya pala ganoon na lang reaksyon nito nang manood sila ng A Walk To Remember. He had firsthand experience. Lumapit siya rito at niyakap ito nang mahigpit.
“I’m sorry nasigawan kita,” bulong nito.
“It’s okay. Late na, matulog na tayo.”
They cleaned up and crawled into bed silently ang hugged each other tightly. Now that his past was out in the open, all she could do was silently pray that Richard, like her, was over his past.
Tbc……