MY GUARDIAN ANGEL 20

Chapter 20 (Finale)

“MAGKITA TAYO, Maya. Don’t say no,” ang mariing wika ni Richard nang tawagan siya nito. Inisip niya na iyon ay dahil sa eskandalo. Nalathala sa mga news paper at lumabas sa TV ang eksenang na lumabas siya mula sa bahay ni James Ventura. Magulo ang buhok at dinagdagan pa iyon ng malisya ng mga reporters.

“Sinabi ko na sa iyo na wala akong pakiaalam sa kahit ano mang sabihin mo sa korte.”

“Damn it!” mura nito. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig nya itong magmura. “Hindi ito dahil doon. We have to talk dahil gusto kong marinig ang paliwanag mo.”

“Dahil ba ‘yan sa nabalitaan mo sa amin ni James?”

“You are still my wife!” ang mariin nitong wika. “Bakit hindi mo hinintay na ma-annul ang kasal natin?”

“I thought you did’nt care,” wika niya sa halip na protektahan ang kanyang sarili.

“Of course I care,” matigas nitong wika. “You have to meet me. Dito sa bahay ko. Do you still remember the address?”

“Syempre. We supposed to live there. Nandiyan ka ba ngayon?”

“Yeah. I’m here. Anong oras ka makakarating?”

“I’m on my way.” Naisip niya na sabihin ang lahat ng mga sama ng loob niya. Afterall ay maghihiwalay na rin naman sila.

“WINE?”

“No,” iling ni Maya na matamang nakatitig kay Richard. Inabutan niya itong umiinom ng alak. Nakapambahay, shorts at T-shirt ang suot at walang sapin sa paa.

“Ngayon ay ano ang mga sasabihin mo?” tanong niya.

“May nangyari bas a inyo ni James Ventura?”

Gusto niyang itanim sa isip nito na mayroon. Dahil umaasa siya na may pag-asa pa sa kanilang pagitan. Gusto niyang marinig kung ano ang sasabihin nito.

“Answer me!” mataas ang boses nito.

“Hindi pa ba sapat ang nabalitaan mo?”

Sukat sa kanyang sinabi ay nilapitan siya nito. He cuped her chin ang kissed her forcefully. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Parang iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya. Marahas ang sumunod nitong pagkilos. Dami niya na dala iyon ng galit. Pero parang wala siyang balak na pigilan ito.

“You’re still mine. Dala mo pa rin ang apelyido ko. Asawa pa rin kita,” wika nito bilang pagbibigay ng justification sa mga ginawa nito. He slipped his hand inside her. Exploring her body, kissing her lips, visiting every part. It was like the first time they made love love. She felt the familiar pain when she felt him inside her.

 

“ARE YOU all right?” masuyong tanong ni Richard kay Maya nang magising siya. Wala na sila sa sala. Nasa loob na sila ng silid at nakahiga sa malambot na kama.

Tumitig lang siya rito,

“Why you did’nt tell me?”

Nagtatanong ang mga mata niyang tumitig dito.

“It was like the first time we made love. I’m sure there was…. there is no other man in your life.”

“Because you are the only man for me.”

“Then why you made me believe that you don’t love me anymore?”

Nag-init ang magkabilang gilid na mga mata niya. “Dahil hindi mo na ako mahal.”

“Did I tell you that?”

“Iyon ang alam ko….”

“I never stop loving you,” sincere nitong wika. “I left to give you space…. inamin ko noon na naging makasarili ako. Hindi kita binigyan ng pagkakataon na makapamili ng mundo na gusto.”

“Pinagsisihan ko rin naman na nakipaghiwalay ako sa iyo.” Tuluyan na siyang napaluha. “Nami-miss kita nang husto,” hikbi niya.

Niyakap siya nito nang mahigpit. “So do I.”

“Pero binalikan mo si Catherine.”

“Hindi ko binalikan si Catherine. It was just a friendly date.”

“Then bakit ipapa-annul mo ang kasal natin? Lalo siyang umiyak.

“Dahil akala ko ay hindi mo na ako mahal. Akala ko ay kailangan mong maging ganap na malaya. Tutol sa loob ko ang annulment. Kaya nga hindi ko pa ipin-file. I thought lots of excuse para tumagal. It took me pain, much pain. Pero kaya kong magtiis alang-alang sa kaligayahan mo.”

“Ikaw lang nag makapagpapaligaya sa akin.” Sumubsob siya sa dibdib nito. “Huwag mo ng ituloy ang annulment. Magsasama uli tayo. Hindi na ako mag-aartista. Pagsisilbihan kita.”

“Sigurado ka na ayaw mo ng mag-artista?”

Sunod-sunod ang pagtango niya. “All I need is you.”

“Kung gano’n ay withdraw-hin ko na ang perang in-invest ko sa mga producer mo.”

Gulat na nag-angat siya ng mukha rito.

“I did it for you. Ayoko na sa ibang producer ka mapunta at mababoy lang. Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng artista ay ikaw lang ang hindi binigyan ng love scene at kissing scene?”

Hindi niya iyon pinagtakhan noon, ngayon lang.

“Ikaw pala ang nasa likod ng lahat ng iyon?” Kinurot niya ito. “My dearest husband…. my benefactor. Kailangan ay makabawi ako sa iyo. Pagsisilbihan kita ng parang Mahal na hari.”

“I’ll make you a princess then.” He moved inside her for the second time in a very tender and gentle way.

“I’m really your princess,” wika niya pagkatapos. She kissed him on the cheek and he kissed her on the forehead in return.

“I love you.”

“I love you more my guardian angel.”

-The End-

 

     PS:

Kalma muna, may epilogue pa po ito.

Gagawin ko pa lang.

(alam ko pong magre-react kayo)

 

MY GUARDIAN ANGEL -19

Chapter 19 

“KAILANGAN pa ba na kausapin ako ng abogado mo?” nagpo-protestang tanong ni Maya nang tawagan siya n Richard. Kailangan daw na magkita silang tatlo ng abogado nito.

“Kailangan iyon. Siya ang magpapaliwanag kung ano ang mga dapat kong sabihin sa korte.”

“Oo nga pero kailangan na marinig mo ang mga sasabihin ng lawyer para alam mo kung bakit kailangan kong sabihin ang mga bagay na iyon.”

Hindi siya nagsalita. Masisira ba ang pangalan niya? Alam niya na kailangan ang ground para ma-aprobahan ang ihahain nitong annulment.

“I’ll explain it very clearly, Maya, I’m sure you were clearly understood.”

Nagbuntung-hininga siya. “I don’t care whatever you say against me. Just do it, Richard. Tapusin mo na ito and get out of my life!”

“I’m not in your life.”

Napahiya siya.

“May shooting ako, male-late na ako.”

“Please meet us. I’ll be comfortable if you heard it all.’

“I’m afraid I could’nt give a time. I’m very busy, Richard. You know that.”

“This is a very important matter, Maya. This is all about us.”

“Para ba sa atin? O para sa iyo? I can’t come.” Tinapos na niya ang kanilang pag-uusap.

 

“CAN I invite you for dinner?” tanong kay Maya ni James Ventura nang matapos ang shooting. Tatlong eksena ang natapos nila ng araw na iyon. Intimate scene ang mga iyon pero walang kissing scene. Bin-buil-up siya a wholesome actress. No love scene ang kissing scene para mai-maintain ang kanyang image.

Ayaw niya sanang maging attached dito dahil ang totoo ay hindi magaan ang loob niya rito. Trabaho lang ang gusto niya, no personal involvement. Pero masamang-masama ang loob niya kay Richard kaya pinagbigyan niya ito.

Sa malas naman ay sa isang restaurant na naroon sila Richard at Catherine siya dinala ni James Ventura. First time niya iyong lumabas na kasama ang isang lalaki. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanila.

“Let’s get out of here,” wika niya. “Sa ibang restaurant na lang tayo kumain.”

“Okay. You’re the boss. Gusto mo sa Fortune na lang?”

“Go.”

Sa Fortune ay tinanong siya nang tinanong ni James Ventura tungkol sa marriage nila ni Richard. Dahil sa tumitinding sama ng loob ay sinabi niya rito ang lahat-lahat.

“May God, ang tagal mo na pala na lonely ka. Mabuti naman at nakaya mo ang ganoon katagal na walang lalaki sa buhay mo.”

“I was busy….. always busy.”

“Pero alam mo? Dapat pa rin na bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na sumaya. You need someone to take care of you. Someone who will cuddle you at night.”

Tiningnan lang niya ito. Pakiramdam niya ay may kalakip na malisya ang mga titig nito sa kanya. Pero in-ignore niya iyon. Kung magagalit siya rito ay madadagdagan ang pagkasira ng araw niya.

Um-order ito ng maiinom at nakumbinse siyang uminom. Tinamaan siya dahil hindi naman siya sanay uminom. Ang huli niyang natandaan ay inalalayan siya nito sa pagsakay sa kotse nito. Ang sumunod niyon ay nagising siya sa loob ng isang silid, tipsy pa rin siya pero nakakapag-isip na.

“Nasaan ako?” bulong niya sa hangin. Wala siya sa kanyang silid, sigurado siya sa bagay na iyon. Walang sariling banyo ang kwarto niya. Samantalang ang silid na kinaroroonan niya ay may banyo. Nang bumukas iyon ay nagulat siya.

“James?” Nakatapis lang ito ng makitid ng tuwalya, basa ang buhok.

Pilyo ang ngiti nito nang lapitan siya. Hinawakan agad siya sa mukha. Umiwas siya at nang muli nitong tangkain na hawakan siya ay sinampal na niya ito.

“Walanghiya ka!” galit na wika niya. “Nasaan tayo? Kaninong bahay ito?”

“Sa akin. Bakit? Hindi ba ito ng gusto mo?” puno ng sarkastikong wika nito. “Huwag ka nang magpa-hard to get pa. Alam ko naman na kailangan mong madiligan.”

Nagtagis ang mga bagang niya. Sinampal niya ulit ito ng mas malakas. Pagkatapos ay tinungo niya ang pinto. Nagawa naman niyang makalabas ng bahay dahil hindi siya hinabol ni James. Pero sa buong pagkagulat niya ay sinalubong siya ng mga reporters sa labas.

To be cont….

MY GUARDIAN ANGEL -18

Chapter 18

SA ISANG noon time show ay nag-guest siya at nagulat sa naging tanong ng host sa kanya. Tinanong siya nito kung bakit niya itinago na may asawa na siya.

“Are’nt you proud being a member of a Lim Family?” ang tanong nito.

Normal lang sa kanya ang ma-interview. Hindi kailan man siya na-tense. Pero nang mga sandaling iyon ay damang-dama niya ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.

“I-I we’re not living together….” ang wika niya sa tensiyunadong tinig. “He is out of the country.”

“For how long?”

“Two and a half years.”

“Bakit ba kayo nagkahiwalay, Maya?”

“Bata pa ako noon at marami akong mga bagay na hindi napaghandaan.” Gusto na niyang mag-walk-out. Hindi niya kayang i-handle ang discomfort na kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay na-humiliate siya nang mga sandaling iyon.

Maraming itinanong sa kanya ang host na hindi niya sinagot. Umuwi siyang wala sa mood. Wala siyang kinausap maski isa sa pamilya niya. Nagkulong siya sa kanyang silid.

 

“RICHARD?”

“I-ve been home for two weeks,” wika nito sa kanya.

“Kamusta ka na?” Hindi niya mapigil ang sarili na huwag itong hagurin ng tingin. Nag-mattured ito sa tingin niya. Bagay na lalo lamang nakadagdag sa taglay nitong sex appeal. Very dignified itong tingnan.

“I’m doing well,”

“Ikaw, kamusta ka na?”

`               “Tuloy ka.”

Wala ang Tatay niya at si Cho nagpunta sa mall.

“Eto nakagraduate na din sa wakas.”

“and?”

“And what?” tanong ni Maya.

“Balita ko magna-cumlaude ka daw…..”

“Oo.”

“I’m happy for you and proud.”

“Thank you.”

“Can I offer you something?” tanong niya. Ang asawa niya ay parang stranger na sa kanya. Ganoon siguro talaga kapag matagal na hindi nagkita.

“Water please.”

Binigyan nya ito ng tubig. Sa tingin nya ay tense ito.

“My purpose of coming here is…. we have to clear things between us, Maya.”

Kinabahan siya.

“Naisip ko kasi na baka makasira lang sa career mo ang kasal natin kaya kailangan siguro na mapawalang bisa.”

Ang totoo ay parang dumagan sa kanya ang mundo nang mga sandaling iyon. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari.

“Actually ay noon pa natin dapat ginawa ang bagay na ‘yan.” Wika niya pamaya-maya. Nagpe-pretend na iyon din ang gusto niyang mangyari.

Sinabi nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Pero isa man ay hindi pumasok sa kanyang isip. Nang makaalis ito ay umiyak siya nang umiyak. Pakiramdam niya ay matatapos na ang mundo sa kanya.

 

“IT’S NONE of my business,” mariing sagot ni Maya sa reporter na nagsabi sa kanya  na nakita nito ang kanyang asawa sa isang five star hotel na kasama ang isang prominenteng babae. Dama niya na namula ang mukha niya dulot ng iritasyon.

Obvious ang pagkagulat ng reporter dahil kilala siyang cool.

“Wala ho ba kayong message para kay Richard Lim, Maya?”

“Make the best out of it,” wika niya na bahagyang nanginig ang tinig. Ang fairytale na nangyari sa kanya noong makilala niya si Richard ay isa na ngayong bangungot.

“Totoo ho ba iyong nabalitaan ko na ia-annul ni Mr. Lim ang kasal ninyo?”

Another irritating question. Napatiim-bagang siya.

“Kailangan. Dapat ay noon pa nga.”

“Does it way you to James Ventura?

Si James Ventura ang actor na na-link sa kanya dahil sa pelikulang kanilang pinagtambalan na kasalukuyan pa rin nilang ginagawa.

“No comment.” Iniwan niya ang reporter at bumalik sa set. He got in to her nerves… the irritating questions.

 

“JUST LEAVE me alone.” Mataas na boses ni Maya nang sabihin niya iyon. Kinatatakutan na niya ang mga reporters na lumalapit sa kanya dahil wala na itong ibang itinatanong kundi ang tungkol kay Richard at James Ventura. Involved din lagi ang prominenteng babae na si Catherine pala. In-inject sa kanya ng mga reporters na kapag annulled na ang kasal nila ni Richard ay pakakasalan nito si Catherine Ramirez.

“We just wanted to get your opinion, Maya.”

“Wala akong gustong sabihin.” Sinundan niya iyon ng pag-walk-out.

Ang image niyang cool, submissive at pasensiyosa ay napalitan ng pangit na impresyon. Tinawag siyang monster ng mga taong nasasaktan niya ng hindi niya sinasadya. It was her temper. Wala siyang magagawa dahil reaksyon niya iyon.

“Hindi ko magawa na ngumiti kapag nagagalit ako,” wika niya sa isang noon time show.

“Ibig mong sabihin, Maya ay lately ka lang nakakatanggap ng mga tanong na nakakagalit sa iyo?”

“Ayaw na ayaw ko kasi na ma-involved ang asa….. si Richard Lim,” wika niya. “He’s not in showbiz. Nakakahiya naman sa kanya.”

“Are you proteting his interest then?”

“Something like that.”

Pumikit siya. Wala na siyang kapayapaan sa isip. Pinagsisihan niya na bumalik ng Pilipinas si Richard. Sana ay nanatili na lamang ito sa ibang bansa. Sana ay pinakasalan na lamang nito doon si Catherine. Pwede naman iyon sa pagkakaalam niya. Marami naman siyang naririnig na nagpakasal ng maraming beses. Hindi naman ito makakasuhan kasi hindi naman siya maghahabol.

To be cont…..

MY GUARDIAN ANGEL -17

Chapter 17

“LUMALAKI na raw ang ulo mo,  Ate,” bungad ni Cho kay Maya nang lumabas siya ng kanyang silid. Nakabihis na siya para pumunta sa kanyang shooting.

“Sino ang nagsabi niyan?”

“Kanina sa TV. Sabi ni Mommy Rose,”

May kumukuha sa kanyang producer para gumawa ng sexy film pero tumanggi siya. Nagkaroon sila ng pagtatalo ni Mommy Rose sa bagay sa iyon pero ang alam niya ay naayos na iyon.

“Sigurado ka, Cho? Sinabi iyon ni Mommy Rose?”

“Sinabi nga niya, Ate. Ang arte-arte mo raw. Andami mo na raw agad ayaw gawin. Feeling mo raw ay superstar ka na.”

Hindi niya mapapalampas ang ganoon. Tinawagan niya si Mommy Rose sa cellphone nito.

“Opinyon ko lang naman iyon,” ang wika nito. “Paano  kasi lumaki na agad ang ulo mo. Naka-tatlong labas ka pa nga lang sa pelikula ay ganyan ka na. Mabuti sana kung ikaw ang bida niyon.”

“May karapatan po akong mamili ng trabaho, Mommy Rose,” ang kalmanteng wika niya. Ayaw niyang magkasira sila nito. Marami ang manager na gustong sumulot sa kanya pero ayaw niya. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

“Pumunta ka na lang sa shooting at baka ako pa ang masita ni Derek. Male-late ka na.”

Wala siya sa mood. Ganoon man ay sinikap niya na huwag maapektuhan ang kanyang trabaho. Tumawag siya sa Director at nagsabi na baka ma-late siya ng ilang minuto. Pinadaan niya ang taxi na sinakyan sa isang bakeshop at bumili ng cake para kay Direk. Kaya nang dumating siya na late ay hindi ito nagalit. Hindi niya itinuturing na pagsisipsip ang ganoon. Pin-please lang niya ito.

Matapos ang shooting ay pinuntahan niya sa bahay si Mommy Rose at dinalhan ng flowers at chocolate. Nag-sorry siya rito. Sinabi niya na pagpasensyahan nito kung na-offend man niya ito sa kanyang pagtanggi sa offer nito.

Kinabukasan ay may lumabas na article na pumupuri sa kanya. Napaka-down to earth daw niyang tao. Nag-sorry si Mommy Rose sa nauna nitong pahayag sa TV interview.

Ganoon ang pag-handle ni Maya sa mga taong nakakasamaan niya ng loob kaya naging paborito siya ng lahat. Sunod-sunod ang offer sa kanya ng mga pelikula at lahat iyon ay may kalidad. Mayaman ang kadalasan niyang role, supporting sa mga bida. Nakatanggap siya ng award bilang best supporting actress sa ilang pelikula na ang ginampanan niyang role ay pipi at anak ng isang fishing magnet.

 

“ANAK, very proud ako sa iyo. Sino ang mag-aakala na maging mapakalinis ng pangalan mo sa showbiz. Samantalang mahirap lang naman tayo,” grateful na wika ng tatay niya habang nag-a-almusal sila. Kahit na madaling araw pa siya umuuwi ng bahay ay pinipilit niyang bumangon sa oras ng almusal para magkasalo sila.

“Blessings ito sa atin ni Lord, ‘tay, wika niya. Marami siyang nakakatrabahong mga artista, director o mga staff ng pelikula na mahirap pakisamahan. Pero nagagawa niya pa ring i-please ang mga ito. Parang naging expertise na niya ang ganoon. Hindi naman naging plastic ang dating dahil never siyang nagsasalita ng against kahit kanino kapag in-interview siya. Iniiwasan din niyang makipag-tsismisan.

 

MATULING lumipas ang mga araw at buwan nasa huling sem na ng kanyang pag-aaral si Maya at ngayon ay tatlong linggo na lang ay graduation na niya.

“Tay, malapit na po ang graduation ko, balita po sa school namin ay candidate daw po ako bilang magna-cumlaude, pero hindi pa po sigurado kasi hindi pa po ina-anounce ng dean namin.” Wika ni Maya habang kumakain sila ng hapunan.

“Talaga anak?” wika nito na gulat na gulat sa sinabi ni Maya.

“Bakit ganyan ang reaksyon mo Tay?”

“Anak, hindi naman nagulat lang ako kasi hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa iyo, halos wala ka na ngang pahinga sa mga shooting mo, tapos pag-uwi mo dito pagod na pagod ka hindi ko alam kung nakakapag-aral ka pa bang mabuti.” Wika ng tatay niya na nababakas sa mukha nito ang pagmamalaki sa tagumpay ng anak niya.

“Hindi ko naman po pinababayaan ang pag-aaral ko, pagtapos po ang klase ko sa school sa library po ako nagrereview.”

“Ganoon ba anak, kung nabubuhay lang sana ang Nanay mo wala sigurong pagsidlan ng kaligayahan niya.” Malungkot na pahayag ng tatay niya.

“Ayan na naman kayo, nagse-senti na naman kayo, parang hindi bagay sa iyo.” Natatawang pahayag ni Maya.

“Kamusta ka naman, anak? Hindi na ba ulit kayo nagkausap ni Richard mula noong tumawag siya sa iyo? Siguradong matutuwa iyon pag nalaman niyang ga-graduate ka na.”

Hindi kumibo si Maya sa tinuran ng tatay niya.

“Wag na po nating pag-usapan si Richard, masaya na po siya kay Catherine ngayon.” Malungkot na pahayag ni Maya.

“Sigurado ka ba na nagkabalikan sila?”

“Sigurado po iyon ‘tay,”

“Bakit hindi mo itinanong nung nag-usap kayo?

“Ayoko pong marinig ang sagot niya kung sakaling tinanong ko sya.”

“Ganoon ba, nanghihinayang lang ako sa inyo ni Richard, anak.” “ Alam ko namang mahal na mahal mo pa rin si Richard kahit hindi….”

“Tay, tama na po bumabalik lang po yung sakit, pag pinapaalala nyo po sya sa akin, siguro po kailangan ko ng mag-move-on.” Malungkot na pahayag niya.

Hindi na kumibo ang Tatay niya.

 

SUMAPIT na ang araw ng kanyang graduation, masayang-masaya siya sa kanyang tagumpay hinirang siya bilang magna-cumlaude. Hindi maiwasang maiyak siya at ang mga kapwa nya estudyante sa mga binitawan niyang salita sa kanyang graduation speech lahat ay humanga sa kanya maging ang kanyang mga professor lahat ay nagpalakpakan matapos ang kanyang speech. Pagkatapos ng kanyang graduation ay nagcelebrate sila sa isang restaurant, inimbitahan nya ang kanyang mga professor at ang kanyang Dean, pumunta din ang mga piling director at ang kanyang manager.

“Maya, ano ba ang plano mo sa ngayon? Wika ni Derek Wen sa kanya.

“Derek, tatapusin ko po muna yung mga nabitin kong pelikula bago po ako sumabak sa board exam, kasi po pag nag-rereview na po ako baka po hindi muna ako tatanggap muna ng mga bagong projects. Magco-concentrate po muna ako sa board exam.” Sagot ni Maya.

“Naku, Maya, dapat pala bilisan na natin ang mga shooting para umabot ka sa umpisa ng review class mo.”

“Kelan nga pala Maya ang start ng review class mo?” tanong ni Mommy Rose.

“First week po ng July, tapos po ang board exam po ay sa November.”

“Tamang-tama lang pala dahil may tatlong buwan pa tayo para tapusin  yung pelikula na pinirmahan natin nung isang buwan.” Wika ni Mommy Rose.

Matapos ang kanyang graduation ay sumabak na siya sa mga shooting halos wala na siyang pahinga sa sobrang busy niya. Makalipas ng dalawang buwan ay natapos na niya ang pelikula na pinapaniwalaang lalong nagpaangat sa carrer niya ang lumikha ng intriga sa kanya. Na-link kasi siya sa leading man niya na si James Ventura. At dahil doon ay naungkat na may asawa na siya.

 

To be cont….

MY GUARDIAN ANGEL – 16

Chapter 16

PINAGALITAN  si Maya ng manager niya nang pumasok ng araw na iyon dahil sa sunod na sunod na pag-absent niya sa kanyang part time job sa hotel. Sinabihan na sila sa orientation na kapag um-absent ay magpaalam one week before. Pero nakaligtaan niya iyon dahil nag-enjoy siya sa pagpa-practice para sa nalalapit na elimination round ng Pinoy Got Talent.

“Mag-submit ka ng letter sa akin kung bakit ka um-absent. Two consecutive days pa,” ang wika nito.

Sinabi niya rito ang totoong dahilan.

“O? Talaga? Artista ka na?” Parang nawala ang galit nito.

“Nakatuwaan ko lang po na um-extra tapos pinasali ako ng talent manager sa Pinoy Got Talent contest. One hundred contestant po kasi kami at twelve finalist lang ang kukunin.”

“Gano’n ba? Sana manalo ka para maging proud kami sa iyo.”

“Kaso lang po maapektuhan ang trabaho ko.”

Pinag-resign siya nito dahil sa haba ng hindi niya ipapasok sa trabaho. Mag-apply na lang daw uli siya.

Okay lang iyon sa kanya dahil hindi naman siya hirap masyado sa pera. Marunong humawak ng pera ang kanyang Tatay unti-unting lumalago ang kanilang tindahan, naglagay din kasi ang Tatay niya ng mga lutong ulam kung tutuusin nga kaya na siyang pag-aralin ng Tatay niya kaya lang siya ang nagpilit na mag-apply sa hotel para hindi na siya iniintindi ng Tatay niya sa kanyang allowance at iba pang gastusin sa pag-aaral.

“ATE, ang galing-galing mo!” wika ni Cho nang puntahan siya nito sa backstage. Kasama nito ang kanyang Tatay, pinapanood siya.

“Talaga, Cho? Nagalingan ka sa akin? Kaya lang ay baka matanggal agad ako.” Noong makapasok siya sa twelve finalist ay nagsimula na siyang kabahan. Hindi na iyon basta katuwaan lang. Dibdiban na ang labanan.

“Marami kang Fans, ate,” wika ni Cho.

“Andaming pumalakapak kanina nang matapos ang performance mo.”

“Lahat naman ay pinalakpakan.” Totoo iyon. Pkiramdam niya ay pareho lang ang lakas nang palakpak na matatanggap ng bawat contestant.

“Pero ang ganda naman ng dating ng mukha mo sa screen, ate,” giit naman ni Cho. Plus points iyon. Andami ngang nagsabi na mukha ka raw manika. Ang amo raw ng mukha mo. Pang-bida raw ang aura mo, Ate.”

“Ang taba na ng puso ko, Cho.”

Lumabas ang resulta. Hindi siya nalaglag dahil walang nalaglag isa man sa mga contestant ng gabing iyon.

“Ang galing-galing mo, ate!” bulalas ni Cho.

“Wala namang natanggal, eh,” wika niya.

“Okay naman iyon, ate, basta magaling ka.”

Sumapit ang pangalawang gabi ng elimination round for twelve finalist. Walang natanggal maging sa third, forth at fifth round. Ganoon man ay lalo lamang kinabahan ang mga contestant.

Sa six day ng elimination round ay nakatanggap ng tawag si Maya buhat kay Richard sa ibang bansa.

“I wish you luck,” ang wika nito sa kanya.

“Salamat.” Touched na touched siya na naalala siya nito. “Umaabot pala diyan ang Channel 2?”

“Yup, may TFC dito. Napakaganda mo sa screen.”

Pinigil niya ang sarili na huwag itong pauwiin.

“Hindi mo nabanggit sa akin na gusto mo palang mag-artista,” wika nito.

“Actually, katuwaan ko lang ito noong una, napasubo na ako kaya hindi na ako makaatras.”

“I see, I still wish you will win.”

“I hope you are here. Naisaloob niya. Na-realized niya na nami-miss niya ito nang husto. Pero hindi niya iyon sinabi. Natapos ang pag-uusap nila na hindi nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Napaisip tuloy si Maya at pinakikiramdaman niya ang kanyang sarili pero wala siya makapang ng sama ng loob sa asawa.

ITINAKIP ni Maya ang magkabilang palad sa mukha nang sabihin ng host na kabilang siya sa anim na contestant na natanggal. Naisip niya si Richard na nanonood sa kanya sa ibang bansa. Nakakahiya rito.

“Okay lang iyon, Maya, tutal ay may producer naman agad na gustong kumuha sa iyo.” Wika sa kanya ni Mommy Rose nang puntahan siya sa dressing room.

“Talaga po?”

“Oo. Bukas nga ay gusto niya na magkausap kayo sa opisina niya. Sasamahan kita roon. Pag-uusapan nating tatlo ang talent fee mo.”

Naglaho ang disappointment niya.

Umuwi siyang masaya kasama ang Tatay niya at si Cho. Wala siyang masabi sa mga ito pagdating sa pagsuporta sa kanya.

“Paano ‘yan, e, di magkakaroon ako ng anak na artista,” wika ng itay niya na parang na-overwhelmed.

“Titingnan ko pa po kung ano ang mangyayari bukas, ‘Tay,” wika niya. Ang totoo ay hindi na siya makapaghintay. Gusto na agad nyang dumating ang bukas.

“MOMMY Rose, thank you talaga,” wika niya rito matapos niyang pirmahan ang kontrata na nihain para sa kanya. Nakahanda na iyon nang dumating sila sa opisina ng producer.

“Walang anuman. Pareho tayong makikinabang dito. Kilala kita, kikita ako at kikita ang producer.”

“That’s business,” wika ng producer at director na si Wen Deramas. Marami na itong naipalabas na pelikula at ang alam niya ay magaling itong director. Laging nakakatanggap ng award ang mga pelikulang pino-produce nito.

“May ipapaki-usap lang po ako sa inyo Mommy Rose, Direk,  alam nyo naman po di ba na nag-aaral po ako, sana po hindi maapektuhan ang schedule ko sa pag-aartista at ang schedule ko sa pag-aaral, dalawang sem na lang po at matatapos na ako ayoko naman pong masayang ang pag-aaral ko ng dahil po dito kasi po kung papipiliin nyo po ako mas pipiliin ko po ang pag-aaral ko kaysa sa pag-aartista iyon po kasi ang pangarap ko ang makatapos ng pag-aaral.

“Ilang araw ba ang pasok mo sa isang Linggo? Tanong ni Derek.

“Tatlong araw na lang ang pasok ko MWF po,  konti na lang po ang load kong subject  nagsu-summer po ako pag bakasyon mga minor subjects,  sa ngayon po apat na major subjects po ang tinatapos ko pero kaya  ko naman po, ang pasok ko po sa eskwela ay alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali tapos po nasa library po ako mula ala una hanggang alas singko ng hapon.” Paliwanag ni Maya.

Humanga sa kanya si Wen Deramas sa kanyang mga sinabi, nakita sa kanya ang diterminasyong matupad ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

“Pinahanga mo ako Maya, sa dami ng mga  artistang kilala ko na nag-aaral bihira sa kanila ang nakatapos,  isinantabi muna nila ang pag-aaral at mas pinipili nila ang maging artista at tanyag. Ikaw mas pipiliin mong makatapos ka,  pero sa tingin ko naman ay hindi ito magiging sagabal sa schedule mo  bilang artista  bibigyan kita ng magaang schedule para sa mga shootings natin.

“Maraming salamat po Direk, Mommy Rose at naiintindihan nyo po ako.” Maluha-luhang wika ni Maya.

Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Malaking role ang agad na ginampanan ni maya sa pelikulang pinagtambalan ng mga batikang artista. Other woman siya ng award winner actor. Naging blockbuster ang pelikulang iyon at kahit hindi siya ang bida ay proud na proud siya. May lumabas na press release sa kanya. Sinasabi roon na siya na ang susunod sa mga yapak ng bida ng naturang pelikula.

The looks, the talent, star material talaga, ang nakasulat sa press release na hindi niya makakalimutan. Naghatid iyon sa kanya ng self-confidence.

To be cont….

MY GUARDIAN ANGEL – 15

Chapter 15

“PATAWARIN, mo ako anak. Hindi ko naisip noon ang mga konsekwensiyang haharapin mo sa piling ni Richard. Ang nasa isip ko lang noon ay ang katuparan ng mga pangarap  ko para sa iyo.” Wika ng kanyang ama nang makaalis si Richard. Malungkot na malungkot ito dahil sinabi niya ang tapos na ang pagsasama nila ni Richard.

“Desisyon ko  po iyon, “Tay. Wala kayong kasalanan. Nagkakamali talaga ang tao.” Hindi niya kailangang mamuhay sa pagsisisi. Bata pa siya. Marami pa ang maaaring mangyari sa kanya. Ipapakita niya sa ama ni Richard at sa lahat ng tao na nanlait sa kanya na hindi habam-buhay ay nasa ibaba siya.

Hinyaan niyang lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na hindi nag-attempt na makipagkita kay Richard. Ni hindi niya ito tinatawagan. Tinupad nito ang sinabi. Hindi siya binalikan. Walang communication. Hanggang sa mabalitaan na lang niyang nasa China na ito at pinamahalan ang isa sa mga negosyo nila doon. It broke her heart. Halos isang linggo din niyang iniyakan ang pag-alis ni Richard ng bansa. Hindi niya matanggap na umalis si Richard ng hindi man lang nagpaalam sa kanya. Inalis na siguro siya nito sa puso at isipan nito.

“Maganda ang registration mo sa camera, Ms. Dela Rosa,” wika sa kanya ng manager ng hotel na pinagtatrabahuhan nya.Nasabi nito iyon dahil may camera sa hallway ng mga hotel room. Chambermaid sya roon, nag-apply sya bilang part time job sa isang hotel sa Quezon City pangtustos nya sa kanyang pag-aaral yun ang ipinalit niyang trabaho sa ngayon dahil ayaw na ng Tatay nya na magtinda pa siya ng bulaklak, at iasa sa tindahan nila ang kanyang pag-aaral, pinadadalhan naman siya ng pang-gastos ni Richard pero hindi niya tinatanggap kahit ilang beses ng pabalik-balik si Sonny iyun daw ang utos sa kanya at ilang beses rin niyang tinanggihan hanggang sa napagod na si Sonny at hindi na bumalik. Ayaw na niyang magkaroon pa ng communication kay Richard at sa Papa nya. Masyado niyang dinibdib ang pag-alis ni Richard ng hindi man lang nagpaalam sa kanya kahit na sana ipasabi lang or kahit tawagan lang sya. Kaya nangako siya sa sarili niya na tutuparin muna niya ang kanyang pangarap na makapagtapos at maging isang ganap na CPA para naman kahit papaano ay hindi na niya danasin ang mga panlalait at hindi magandang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanila  at sa pamilya ni Richard.

“Napakalakas ng dating mo. Bagay sa iyo ang mag-artista.”

“Ho?” Natawa sya roon. Hindi kasi iyon pumapasok sa isip niya.

“Totoo ang sinasabi ko. Napakaganda mo sa camera, napakamasayahin mo.”

“Ewan niya kung nagkataon lang. Nang sumunod na araw ay may nag-shooting sa hotel na kanyang pinagtatrabahuhan. May nakilala siyang talent manager na interesadong i-build-up siya.

“Wala ho akong talent.” Wika niya. Iniisip niya na siyempre kapag artista na siya ay kailangang marunong sumayaw at kumanta. At saka hindi rin niya alam kung kaya niya bang umarte.

“Titingnan natin,” wika nito at saka siya binigyan ng calling card. “Lahat ng mga cast sa movie na ito ay mga alaga ko.” Pagmamalaki nito. “pati na mga extra. Ako lang ang talent coordinator na contact ng production na ito.”

“Ang galing ninyo po pala.”

“Tawagan mo ako bukas,” wika nito.

Kinabukasan ay holiday wala siyang pasok sa eskwela at day-off niya sa kanyang trabaho. Wala siyang maisip gawin ng araw na iyon. Out of curiosity lang ay tinawagan niya ang talent manager na si Mommy Rose.

“Mabuti at tumawag ka, Maya,” reaksyon nito. “May shooting mamaya sa bahay. Pumunta ka. Um-extra ka. Three hundred ang bayad.”

“Anong oras po mamaya?”

“Alas dos.”

Pumunta siya dahil nga lang sa curiosity. Maraming talent siyang nakilala. Mga babae at lalaki. Karamihan ay mga kapwa estudyante na nagsa-sideline sa pag-e-extra.

“Nineteen ka na pala? Mukha ka lang sixteen years old,” komento ng mga nakakausap niya.

“Actually po, magtu-twenty na po ako next month.” Nakangiting wika nya.

Flattered  naman siya roon. Naisip niya na lalo sigurong magugulat ang mga ito kapag nalaman na may asawa na siya.

Background lang sila lagi sa mga cast. Pero may eksena na kailangang kunan ng close-up ang bawat isa sa kanila. Napapansin niya na nagtagal sa mukha niya ang camera.

 

“TUMAWAG iyong talent manager na si Mommy Rose, anak,” wika ng Tatay niya nang dumating siya mula sa trabaho. Madaling araw na siyang nakauwi noong nakaraang linggo at hinintay siya nito. Ikinuwento niya ang lahat ng event sa shooting. Sinabi niyang exciting iyon at nag-e-enjoy siya.

“Baka may shooting na naman at kukunin na naman akong extra,” excited na wika niya.

“Siguro nga. Ang sabi ay tumawag ka raw agad sa kanya. Importante raw.”

Tumawag agad siya kay Mommy Rose.

“Magkita tayo sa channel-2,” bungad nito sa kanya. “Alam mo ba kung saan iyon?” Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Binigyan siya nito ng direksyon. “Come on time. Ipapa-register kita sa contest doon.”

“Anong contest ho iyon, Mommy Rose?”

“Pinoy Got Talent.”

“Ano pong gagawin doon?”

“Umarte, kumanta, at sumayaw.”

Pumayag agad siya. Ang nasa isip niya ay katuwaan lang. Gusto lang niyang ma-experience ang ganoon.

Inagahan niya ang pagdating sa studio. Mas nauna pa siya kay Mommy Rose. Ipina-register agad siya nito nang dumating ito. Pagkatapos ay isinaman siya sa bahay nito. Pinaturuan siyang sumayaw, kumanta at um-arte. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niyang iyon. Magaan ang kanyang pakiramdam. Sabi ng nagturo sa kanya ay star material daw siya.

“Iyan ang mag-a-artista, relax.”

Naisip niya na kaya hindi siya pressured ay dahil hindi naman talaga niya ambisyon na maging artista. Iba ang dating kapag katuwaan lang ang isang bagay. Mas priority pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Gabi na ng makauwi siya sa kanilang bahay, nagpalit lang siya ng damit at nagreview na sya para sa kanyang exam kinabukasan, hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang pag-aaral nahihirapan man siya pero kailangang kayanin niya at para na rin malibang siya at hindi na magmukmok sa loob ng kanyang silid.

to be cont……

MY GUARDIAN ANGEL 14

Chapter 14 

PABAGSAK na nahiga si Maya sa kama. Galing siya sa school kung saan siya kumukuha ng personal development. Hindi siya interesado sa mga itinuturo roon. Hindi niya masabi kung bakit. May ganoong subject din naman sa course niya.

Nakatulog siya ng hindi niya binalak. Paggsising niya ay nakatayo si Richard sa paanan ng kama, nakatitig sa kanya.

“Are you all right?” tanong nito.

“Ayoko ng pumasok doon.”

“Why? It will help you a lot.”

“Alam ko naman ang mga tamang pagkilos. Mahirap lang talagang baguhin ang nakasanayan. Puro arte lang naman iyon. Wala namang talagang standard sa pagkilos.”

“Are you mad at me?”

“Lagi kang nag-e-english. Pakiramdam ko tuloy ay hindi tayo talagang nagkakaintindihan. Magkaibang-magkaiba tayo.” Sa tono niya ay parang sinisisi niya ito kung bakit siya pinakasalan.

“Nasasakal ka ba sa relasyon na ito?”

Siguro ay naging paranoid na siya dahil sa dami ng mga pintas na naririnig niya. Wala ni isa mang tao sa bahay na iyon ang nakagaanan niya ng loob. Pag uwi niya galing sa school wala pa si Richard nasa office pa, nagkukulong lang siya sa kwarto nila, pagdating naman ng hapunan kadalasan kumain na ito galing sa dinner meeting kaya mag-isa lang siya na kumakain,  kaya minsan sa labas na lang siya kumakain kasi palagi naman wala siyang kasalo sa hapunan, maging ang Papa niya mabibilang lang niya sa daliri niya na nakasalo nila sa hapunan mula ng makasal sila sa loob ng limang buwan hindi niya alam kung umiiwas ito sa kanya at ayaw siyang kasalo or talagang busy lang ito. Maging ang mga maid ay hindi niya feel dahil palagi niyang nahuhuli at naririnig na pinagti-tsismisan siya ng mga ito.” Pakiramdam niya ay isa siyang estranghero na pilit na tumira sa bahay na iyon. Kagaya noon isang Linggo inaya niya si Richard na umuwi sila sa bahay nila ngunit ang sabi ni Richard ay may laro daw siya ng golf at isasama siya at nangakong pagkatapos ng laro ay pupunta sila ngunit ginabi na sila at hindi na nakapunta sa bahay nila. Masamang masama ang loob niya kay Richard ngunit hindi niya maisatinig ang mga iyon. Hanggang sa umiyak na lang siya ng palihim habang tulog si Richard. Hanggang sa isang araw ay hindi na niya kinaya ang sitwasyon niya.

“Uuwi muna ako sa amin.”

“You can’t do that. You belong to me. You are my wife.”

“Hindi ko na kayang mamuhay sa ganito. Mababaliw ako.” Bumangon siya at tinungo ang closet. Mabilis siyang nag-empake.

“Try to think first before you leave……”

“Nag-iisip ako. Hindi nga lang umabot sa standard ng pag-iisip ninyong mga mayayaman.”

“Bakit nag-aaway na tayo?”

“Ewan ko.” Nangilid ang mga luha niya. “Kasalanan ko ito. Hindi ko inisip nang husto na ganito ang magiging buhay ko. Hindi ako dapat nagpakasal sa iyo.” Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang kirot na sumungaw sa mga mata nito. In-ignore niya iyon. Binitbit na niya ang maleta at lumabas ng pinto.

 

“THE end,” wika ng papa ni Richard nang malamang umalis si Maya. “Pinagbigyan kita. Binigyan ko ng chance ang babaeng iyon pero ingrata. Ito pa ang iginanti.”

“Naninibago lang siya sa sitwasyon.”

“Ilang buwan na kayong kasal,” mariing wika nito. “Now you learned your lesson.”

“Kailangan lang niya ng space.”

“Huwag mo siyang susunduin. You will just spoiled her.”

“Papa, She is my wife.”

“That is the point. She is your wife. She must be at your side to support you. Pero sa nakikita ko ay lagi mo na lang siyang ipini-please.”

Sinapo niya ang kanyang ulo. What else can he do? Ang alam niya ay ibinibigay niya kay Maya ang lahat ng bagay na makakabuti rito.

“Magrelax ka.” Tinapik ng kanyang papa ang balikat niya. “Na-pressured ka nang husto. I knew what is happening to the stock market. The competition is really stiff.”

Iyon ang dahilan kung bakit lagi siyang naghahabol ng oras. Pero hindi niya idini-discuss kay Maya ang tungkol doon. Ayaw niyang isipin pa nito ang bagay na iyon. Ngayon ay iniisip niya kung nagkamali ba siya sa bagay na iyon.

 

NANG makita ni Maya ang pagdating ni Richard sa may bintana ng kanyang silid ay iisa lang ang nasa isip niya. Hindi siya sasama rito. Nagkamali siya nang agad na nagpakasal rito. Ayaw niya iyon pakiramdam na nakadepende siya rito sa lahat ng bagay. Totoong nasasakal siya. Gusto niya ng kalayaan.

Kinatok siya ng Tatay niya para harapin ang kanyang asawa.

Hinarap naman niya si Richard. Pero firm ang mukha niyang nakatitig dito.

“Hindi ako sasama sa iyo,” matatag niyang wika.

“You are my wife,” ang wika nito. “You have to come with me, Maya”

“Hindi na ako masaya sa pagsasama natin. O mas tama sigurong sabihin na hindi ako naging masaya kahit kailan.”

Nakita niya ang pagkislot ng mukha nito.

“I’m sorry, Richard. Hindi ako dapat nagpadalus-dalos ng desisyon. Nagkamali ako.”

Hindi na ito nagsalita, nakabalatay lang sa mukha ang sakit at kirot ng kanyang sinabi.

“Kailangan ko munang buuhin ang sarili ko para matanggap ako ng lipunan bilang asawa mo.”

“It’s our business, Maya.”

“Alam mo ba ang nararamdaman ko sa tuwing pinupulaan ako ng mga tao? Hindi mo lang alam kung gaano ako nasasaktan. Wala kang alam.”

“Bakit mo sila pinapansin, Maya? This is our life.”

“Umalis ka na. Hindi ako sasama sa iyo.”

“Maya, kapag umalis ako rito na hindi kita kasama ay hindi na ako babalik kahit kalian.”

Sa loob ng ilang sandali ay nagdadalawang isip siya. Pero sa bandang huli ay nangibabaw ang kanyang katatagan. Ano kung hindi na siya nito babalikan? Marahil nga ay hindi sila ang bagay sa isa’t-isa. Marami itong pera. Kaya nitong ipa-annull ang kanilang kasal ng ganoon-gano’n lang. Mas mabuti nga sigurong ganoon na lang kaysa ipagsiksikan niya ang sarili sa mundo na hindi para sa kanya.

“Good bye.”

 

To be cont…..

MY GUARDIAN ANGEL -13

Chapter 13

“WHY are you crying?”

Huli na para itago ni Maya ang mga luha niya kay Richard. Nakita na nito iyon.

“This is our honeymoon, bakit umiiyak ka.” Naupo ito sa tabi niya at inakbayan siya.

Sa reception kanina ay nagkita sila ni Catherine. Hindi niya expected na darating ito kahit pinadalhan nila ng invitation card. Formalitty lamang iyon ayon sa wedding coordinator. Pero dumating nga si Catherine at maraming masasakit na salitang sinabi sa kanya. Nakarinig din siya ng mga usap-usapan mula sa mga guest, kinukutya siya.

“Sumasakit kasi ang ulo ko,” dahilan niya. Ayaw niyang sirain ang mood nito. Kapag sinabi niya ang totoong dahilan ng pag-iyak niya at tiyak na maapektuhan ito nang husto.

“Siguro napagod ka nang husto sa pag-estima sa mga bisita.” Hinilot nito ang noo niya. “Mahiga ka muna at mamasahiin kita. I won’t advice you to take a medicine. Ayokong maging dependent ka sa gamot.”

“Hindi mo na ako kailangang masahiin. Pagod ka rin naman. Magpahinga na lang tayong pareho.”

“We’re not supposed to rest,” pilyong wika nito. He cupped her chin and gently brushed his lips to hers. Akala niya ay exaggerated ang kissing scene na nakikita niya sa mga palabas. Pero ang totoo pala na matagal matapos ang halik. At totoo rin ang mga isinasaad na mga nababasa niyang romance pocketbook na nagdudulot iyon ng hindi mawaring kaligayahan.

“Are you feeling better now?” masuyong tanong ni Richard nang pagkaroon ng pagitan ang kanilang mga labi.

Nahihiya siyang tumango.

“Hold on, guardian angel. I’ll show you everything.” He undressed her slowly whil kissing her lips. Hindi niya halos namalayan ang mga sumunod na nangyari. She felt the incredible pleasure when he moved inside her.

 

“AKALA ko may sariling bahay ka,” wika ni Maya nang mag-empake sila ni Richard ng kanilang mga gamit. Tapos na ang isang linggo na honemoon nila sa isang five star hotel kung saan ginanap ang reception ng kanilang kasal. Kung siya ang tatanungin ay hindi na kailangang gumastos sila para sa kanilang honeymoon. Pero ganoon daw talaga iyon.

“Oo. Pero mag-isa lang naman si Papa sa bahay kaya doon na muna tayo titira.”

Ayaw niya sa totoo lang. Ang pagkakamali lang niya ay hindi niya nilinaw ang bagay na iyon noon. In-assume niya na por que may bahay itong sarili ay doon sila titira.

“Why? Hindi ka ba comfortable kay Papa?”

Hindi siya makailing.

“You have to get use of his presence, Maya,” wika ni Richard. “Ama mo na rin siya. You have to love him too.”

Alam naman niya iyon. Ang hindi lang niya masabi rito ay narinig niyang sinabi ng ama nito sa mga pulitikong um-attend sakasal nila noon. :My son’s marriage has something to do my political career.”

Paano niya mamahalin ang ganoong klase ng tao na ang tingin sa bawat bagay ay negosyo?

“Is there something wrong?” untag sa kanya ni Richard. Hindi kasi siya nagsalita.

“Papasok na ako bukas sa school.”

“Cge, pero ayoko na nagco-commute ka, ikukuha kita ng sarili mong driver marami namang sasakyan dyan mamili ka na lang.”

“Naku hindi ko na kailangan ng driver at sasakyan sanay akong magcommute.”

“I insist, It’s for your own good.”

Hindi na kumibo si Maya. Napupuna niya na parang iyon at iyon na lamang ang lagging sinasabi ni Richard sa kanya.

“ANO po ang gusto ninyong almusal, ma’am?” tanong kay Maya ng maid na kumatok sa silid nila ni Richard. Nasa banyo ang asaw niya at naliligo.

“Kung ano ang meron.”

“Ganoon po talaga rito, ma’am. Hindi kami basta basta nagluluto ng hindi order ng mga amo.”

Alas otso pasado na. Gutom na siya. Sa kanilang bahay ay kumakain na sila bago mag-alas siyete ng umaga. Parang nakakainis iyong itatanong pa kung ano ang gusto nilang kainin.

“Hindi ako mapili sa pagkain. Si Richard na lang ang tanungin mo mamaya.”

“Hindi ba mahirap para sa mga maid ang gano’n? Bungad niya kay Richard nang lumabas ito sa banyo. “Kailanagn pang itanong sa inyo kung ano an kakainin ninyo sa bawat oras ng pagkain?”

“We get used of it,” walang anumang wika nito. “I want cereal ang sandwich with ham and egg in it.”

Sasabihin ko sa maid.” Pumunta siya sa kusina at narinig niyang panagtitsismisan siya ng mga maid. Pinag-uusapan ang buhay na pinagmulan niya.

Hindi siya nagpakita sa mga ito. Parang siya ang mas m=mahihiya kapag nalaman ng mga ito na narinig niya ang usapang iyon. Puunta siya sa sala upang magpalipas ng ilang minute bago bumalik sa kusina. Pero bumaba na ng hagdan si Richard at itinanong kung nakahanda na ang almusal nito.

“Hindi ko pa nasasabi sa kanila….”

“What? Umiling ito at sinapo ang ulo. I’m in a hurry,” wika nito. “I have an appointment to meet before nine. I don’t want to be late.

At umalis na si Richard na hindi man lang siya nilingon halatang uminit ang ulo. Kasalanan niya pa kung bakit umalis ito ng hindi na nakapag-almusal. Napakagat labi na lang si Maya habang tinitingnan si Richard palabas ng pinto.

to be cont….

MY GUARDIAN ANGEL -12

Chapter 12

“YOU are killing me, Richard,” ang wika ng kanyang ama na humihingal sag alit matapos niyang sabihin na gusto na niyang mag-asawa.

“How could you marry a nobody?”

“There is love.”

“Don’t give me that bullshit!” mura nito. “Hindi ka pakakasal sa babaeng iyon…. hindi ako papayag.”

“I heard that you are planning to get into politics.”

Natigilan ito. “What about it? Tanong nito pamaya-maya.

“Ninety nine percent of voters are poor….”

“Are you trying to convince me taht she is a big help?”

“She is belong to the ninety  nine percent.”

“Hindi pa rin ako papayag na siya ang maging asawa mo.”

“I’ll marry her under all circumstances…”

“You are insane, Richard. Kung nabubuhay ang mama mo ay tiyak na maghisterya iyon. Kung gusto mo na talagang mag-asaw ay bakit hindi na lang si Catherine. She is famous, trained. May breeding. Plus she is a senator’s daughter.”

“There is no love.”

“It got in to my nerves.” Iniwan siya nito. Huminga siya nang malalim. Walang pakialam ang papa niya noon sa mga naging karelasyon niya. At iyon ay dahil kabilang sa alta sosyedad ang mga nakaraan niyang nobya.

“ANO ba ang dahilan para kabahan ka. Anak?” al okay Maya ng Tatay niya. Mas excited pa ito kaysa kanya nang malaman ang proposal ni Richard. “Tiyak naman na hindi ka ititira ni Richard sa bahay ng mga magulang niya. May sarili tiyak siyang bahay. Gano’n ang mga mayayaman.”

“Ang iniisip ko “Tay ay kung matatanggap ako ng mundong ginagalawan niya.”

“Huwag mo na iyong isipin, anak. Ang isipin mo na lang ay mapalad ka. Kalahi mo si Cinderella.”

Kung si Richard lang ang iisipin niya ay madali lang ang lahat. Pero hindi lang si Richard ang makakasalamuha niya. Naalala niya si Catherine. Hindi na niya ito dapat isipin dahil ayon kay Richard ay hiwalay na ang mga ito. Pero pumapasok pa rin ito sa isip niya. Marahil ay na-insecure siya.

“Kailan ba ang pamamanhikan>” tanong ni Tatay niya.

“Hindi ko pa tinatanggap ang proposal ni Richard, “Tay.”

“Pero hindi mo rin tinanggihan?” Halatang kinabahan ito.

“Hindi.”

“Mabuti naman. Huwag mo ng palagpasin ang pagkakataong ito, anak. Pakasal ka na kay Richard.”

 

“ALAM ko kung anon a naman ang sasabihin mo,” wika kay Richard ng papa niya nang dumating ito sa bahay. Tila hapung-hapo itong tingnan. “Hindi ka mapipigil kaya sumige ka. Pakasalan mo ang babaeng iyon.”

Na-relieve siya. “Thanks, Pa.”

“Wala lang akong choice kaya ako pumayag. Matanda ka na ang you’re not even dependent on me financially. What else can I do? Paano ba ang set-up?”

“I’ll talk to her again ang we’ll go to their place to ask her hands from her father.”

“When?”

“I tell you when.”

Kinamayan siya nito. “Trained her. Maybe she could be a little refine.”

Tumango siya.

“I have a meeting with them.”

Natukoy agad niya kung sino ang mga ka-meeting nito. Ang mga ka-alyansa nito sa pulitika.

“Good luck.”

“I’ll run for senator.”

Hindi siya sigurado kung mananalo ito. Honestly he did’nt care. Marami na itong tagumpay na nakamtan. Politics was more than enough.

 

TAPOS na ang pag-uusap ng ama ni Richard at ang Tatay Arturo ni Maya. Pero parang hindi pa rin mapaniwalaan ni Maya na ikakasal siya sa isang Lim. Para sa kanya ay nangyayari ang lahat sa isang iglap lang.

Sabi sa kanya ni Richard ay maipagpapatuloy niya pa rin ang kanyang pag-aaral kahit kasal na sila. Hindi raw muna sila mag-aanak. Noong i-discuss nito ang bagay na iyon ay parang business ang pinag-uusapan nila.

“Ate, ang swerte mo talaga. Si Kuya Richard ang makakatuluyan mo,” untag sa kanya ni Cho. Na ang hiling sa kanya kapag mag-asawa na sila ay mga material na bagay.

Masuwerte nga naman siya. Hindi madaling makahanap ng isang katulad ni Richard. Ang ilang kapit-bahay na nakaalam katakda nilang kasal ay nainggit sa kanya.

Pero naramdaman niya na may mga bagay siyang haharapin kapag mag-asawa na sila ni Richard. Sabi nga nito sa kanya ay i-enrol siya nito sa isang personal development school. Kailangan niyang matutunan ang tamang pagkilos, pagsasalita at iba pang bagay.

“Don’t get offeded” naalala niyang wika ni Richard. “It is for your own good. It will help you a lot. Believe me.”

Naniniwala siya at na handang baguhin ang sarili niya para maging karapt-dapat kay Richard.

To be cont…..

 

MY GUARDIAN ANGEL -11

Chapter 11

“IT wasn’t enough reason, Richard. Hindi mo siya minahal dahil iniligtas niya ang buhay mo. You love her because you love her. There is no such explanation. I told you that before.”

“I don’t really know how to handle my feelings, Charlie,” pag-amin niya. “She is always in my thoughts. I can’t get her out of my mind.”

“What do you want to do now? Marry her?”

Hindi siya tumango pero hindi rin naman umiling.

“You’re thirty one. It’s about time to get married anyway.”

Unti-unti ay nagkapuwang sa kanya ang mga hadlang. Ang sasabihin ng kanyang ama….. nang mga kamag-anak nila at mga kilala, ng society.

“That is the problem, Richard. There is always a disadvantage in everything we do. It’s a matter of measuring….”

Hindi siya nakikinig kay Charlie. Iniisip niya kung nakahanda ba si Maya na magpakasal sa kanya. At kung iisa ang kanilang nararamdaman. Masaya ito tuwing magkasama sila. Nagba-blush kapag tinititigan niya. Nakikita niya rito ang lahat ng palatandaan na dapat niyang makita. Pero parang may kulang pa rin.

Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay pinuntahan niya si Maya. Kararating lamang nito buhat sa eskwelahan. Nakasuot ng uniform. Mukhang katorse anyos. He felt older than his age.

 

SIGURADO si Maya sa kanyang nararamdaman nang makita si Richard. Natutuwa siya. Pero may kalakip rin iyong tension.

“Hi!” bati nito sa kanya.

Matagal din silang hindi nagkita almost two weeks. Matapos ang paglalahad nito ng nararamdamanay naputol ang kanilang communication.

“Kanina ka pa?”

“Kakadating ko lang.” Titig na titig si Richard sa kanya.

“I miss you.” Wika ni Richard sa kanya at niyakap niya ito.

Ngumiti lang si Maya at yumakap na rin kay Richard.

“How’s your day? And your school?” tanong nito.

“Mabuti naman. Ikaw?”

“May kasalanan ka sa akin.” Wika ni Maya.

“What?”

“Nakalimutan mo na ba yung pina-deliver mong ilalaman sa tindahan namin?” Kaya pala palagi kayong magkausap ni Tatay kasi iyun ang plano nyo.”

“Ah, iyon ba, akala ko naman kung ano yun.” “Well, ayaw mo kasing magpatulong sa akin kaya ayun ang naisip ko.”

“E bakit hindi mo sa akin sinabi?” wika ni Maya

“Kapag ba sinabi ko, tatanggapin mo?”

“Yung totoo? Hindi! Kasi ang dami mo ng naitulong sa akin at sa pamilya ko, ayoko naman abosuhin yung kabaitan mo sa amin.”

“Wala yun.”

“Thank you, nadagdagan na naman ang utang ko sa iyo,”

“Wala nga iyon.”

“Kumin ka na ba? Tanong ni Maya.

“Hmm… actually, hindi pa.”

“Dito ka na kumain, magluluto na nga ako, kaso ang ulam lang namin ay……..”

“Can I invite you for dinner? We have to talk seriously.”

“Sa loob tayo.” Nauna siya ritog pumasok sa kabahayan. Tapos na iyon at desente ng tingnan. May dalawang silid na. Sa kanya yung isa at ang isa pa ay kina Cho at sa Tatay niya. Ang natirang space ay nilagyan ng divider upang magkaroon ng sala, kusina at komedor.”

“Richard, Iho!” masiglang bati rito ng kanyang ama. Tinanong ito kung ano ang gustong inumin.

“Tubig na lang po.”

“Kamusta na po yung tindahan nyo?”

“Naku, Richard, mabili ang tindahan ayos na ayos para sa amin at para makaipon na rin. Hindi ko na pinayagang magtinda si Maya ng bulaklak kahit ayaw nya. Naawa din ako sa anak kong iyon napakasipag, ang gusto ko makapag-concentrate sya sa eskwela niya.”

“Oo nga po.”

“Yun nga rin po ang gusto ko para kay Maya, delikado rin po kasi yun, baka mabastos sya.”

“Yun na nga.”

“Ay Mang Arturo, pwede ko po bang ayain si Maya n lumabas ngayon? May pag-uusapan lang po kami.”

“Abay, Oo naman Iho, at saka Tatay na lang itawag mo sa akin kasi lahat ng kaibaigan ni Maya, Tatay Arturo ang tawag nila sa akin.” Nakangiting salita ni mang Arturo.

“Sige po, Tatay at salamat po sa pagpayag nyo na lumabas kami ni Maya.”

“Cge lang, Richard, alam ko naman na hindi mo pababayaan ang anak ko.”

“Makakaasa po kayo.”

“Salamat naman.”

Habang nag-uusap sila Richard at Tatay Arturo nasa kusina naman si Maya at kumukuha ng inumin para kay Richard.

“Eto, inumin mo, ano nga pala yung pinag-uusapan nyo ni Tatay?”

“Wala naman, pinagpaalam na kita kay Tatay Arturo.”

“Tatay Arturo? Wow! Bago yan ah.”

“Sabi ng Tatay mo Tatay na rin ang itawag ko sa kanya.”

“Ahhh….”

“Sabi mo pinag-paalam mo na ako kay Tatay at pumayag na sya.”

“Yes.”

“Ako ba hindi mo tatanungin kung payag ako na sumama sa iyo?”

Hindi nakakibo si Richard sa sinabi ni Maya.

“Bakit hindi ka na kumibo dyan?”

“Kasi akala ko payag ka na e.”

“Ano ba yung pag-uusapan natin at kailangan pang lumabas tayo?”

Biglang kinabahan si Richard sa tanong ni Maya.

“Dun na lang natin pag-usapan at seryoso ako sa pag-uusapan natin.”

“Ha? Ano ba talaga yun?”

“Basta nga dun na lang.”

Tinitigang mabuti ni Maya si Richard kung talagang seryoso ito.

“Cge magbibihis lang ako.”

Ano kaya ang sasabihin ni Richard na importante mukhang seryoso sya? Sa isip ni Maya.

                “Okay ka na?” wika ni Richard

“San ba tayo pupunta? Tara na para hindi tayo gabihin ng husto.

Ipinagbukas sya ni Richard ng pinto ng kotse sa harapan. Dinala sya ni Richard sa isang restaurant. Pagpasok nila sa restaurant umorder agad si Richard ng pagkain.

“Bakit ang dami naman ng inorder mo? Dalawa lang naman tayong kakain.”

“I’m hungry.” Wika ni Richard.

“Richard, may problema ka ba? Pwede mo akong sabihan ng problema mo.

Bumuntong-hininga  muna si RIchard bago magsalita.

“Ano ba talaga yung sasabihin mo?”

“Maya, maybe this is not the right time, simula nito. You’re young….. but I have to tell this. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habam-buhay. Marry me.”

Matagal siyang hindi nakapagsalita. Nang makabawi ay luhaan ang kanyang mata.

To be cont……