Chapter 10
Nagtataka si Maya kung bakit parang ang laki naman ng tindahan na pinagagawa ng Tatay niya. Hindi na makatiis si Maya kaya kinausap niya at tinanong ang Tatay niya.
“Tay, bakit parang ang laki naman po ng tindahan na pinagagawa ninyo? Konti lang naman ang ilalaman natin dyan at konti na lang naman ang natitirang pera.”
“Syempre anak pinalakihan ko na kasi dyan ako matutulog sa loob ng tindahan mahirap na baka pasukin tayo ng magnanakaw.” Wika naman ng Tatay niya na hindi makatingin kay Maya ng diretso.
“Ah, ganun po ba, cge po bahala na kayo dyan at magliligpit lang po ako sa loob dami pa pong ligpitin, at saka magluluto na ako ng almusal natin.”
“Cge, anak.”
Makalipas ng tatlong araw natapos din ang tindahan na pinagagawa ng Tatay niya. Kinabukasan habang nasa eskwelahan sila ni Cho ay may dumating na isang delivery van na ang laman ay puro grocery na ilalaman sa tindahan nila. Matapos pirmahan ng Tatay niya ang delivery receipt ay unti-unti ng inayos ng Tatay niya mga ang paninda mula sa mga de Lata, bigas, softdrinks, alak at kung ano-ano pang dapat na ilaman sa kanilang tindahan.
————
“IT’S involve a big money, Richard. But I’m certain we’ll benefit with it.”
Kanina pa abala si Charlie sa pagdi-discuss ng new business strategy pero hindi iyon pumasok sa isip niya. Si Maya ang nasa isip niya at ang sinabi niya rito.
“All we have to do is to invest half of our savings ang then wait till the consumers starve for it and…” Tumigil ito sa pagsasalita. “Are you listening?”
“I’m sorry.” Ipinaulit niya ang paliwanag nito.
“Jesus.” Inulit nito pero parang hindi niya pa rin na-absorb.
“What can you say, Richard?”
“I think we have to discuss it again some other time.”
“For Christ sake this is business.” Kailan pa siya napapagod na pag-usapan ang ganoong bagay? It was his life before.
“I’m not feeling well. I need to rest.”
“What do you see in her?”
“What?”
“You are in love, right? I’m your confidant. Go ahead tell me.”
“I’ll see you tomorrow or maybe next day.”
“Napunta ba sa ibang planeta ang totoong Richard? Alien ka ba?”
Nagbuntung-hininga siya. “I’m not really in the mood to talk.”
Nagpaalam na ito.
Naiwan siyang lumapaypay. Nakipagdiskusyon siya sa kanyang sarili. Bakit ba siya nagkaganoon? Andami namang babae sa mundo. Women were everywhere. Pero iba si Maya. Dahil ito ang kanyang guardian angel. Habang siya ay nag-iisip biglang tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello, Liza?”
“Yes, Sir, nai-deliver na daw po sabi ng contact natin.”
“Good, Thank you.”
Matapos ang pag-uusap nila ng secratarya niya biglang kinabahan si Richard kasi nag-aalala siya kay Maya na baka magalit ito sa ginawa niya at pati sa Tatay niya.
Pauwi na si Maya galing sa eskwelahan ng makasalubong niya si Simon.
“Maya,” bati sa kanya ni Simon.
“Simon, kamusta ka na?”
“Ako nga dapat ang mangamusta sa iyo.” Habang titig na titig kay Maya.
“Okay naman ako Simon, pati sila Tatay at Cho.”
“Hatid na kita sa inyo.”
“Naku, huwag na medyo malayo rin yung sa inyo gagabihin kang masyado.”
“Wag kang mag-alala Maya, tanggap ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin.”
“Salamat, Simon. Makakahanap ka rin ng tamang babae na susuklian ng tama ang pagmamahal mo.”
“Sana nga Maya.”
“Ang gwapo ni Mr. Lim at mukhang ang bait niya.” Halatang nagseselos ito.
“Ano?”
“Sabi ko gwapo si Mr. Lim at mukhang ang bait-bait niya, nanliligaw ba sya sa iyo?”
“Hindi ko alam.”
“Anong hindi mo alam?”
“Hindi ko alam kung nanliligaw siya pero nagtapat siya na in love daw siya sa akin.”
“Tapos?”
“Anong tapos?”
“I mean sinagot mo na ba siya?”
“Hindi.”
“Bakit hindi? Halata naman sa iyo na gusto mo sya.”
“Ganun na ba ako ka-obvious Simon?”
“Oo, kasi iba ang aura mo at halatang blooming na blooming ka nitong mga nagdaang Linggo.”
Nangiti si Maya.
“Hay Naku Simon, ang hirap ng katayuan ko ngayon.”
“Alam mo hindi kita maintindihan.”
“Basta Simon, mahirap ang sitwasyon.”
Magsasalita na sana si Simon ng biglang may dumating na jeep sa harapan nila at sumakay na si Maya.
“Bye, Simon, ingat sa pag-uwi.” At kumaway na si Maya sa kanya.
Naiwan si Simon na iiling-iling. Mahal na mahal kita Maya kaya lang alam kong hindi ako ang mahal mo. Usal ni simon sa sarili.
Nang makauwi si Maya sa kanila, nagulat siya dahil maliwanag na sa loob ng tindahan nila at punong-puno ng laman.
“Maya anak, dumating ka na pala pasensya ka na hindi kita agad napansin busy kasi ako dito sa tindahan natin.” Tuwang-tuwa habang nagbebenta.
“Tay, ang dami pong laman niyang tindahan at bakit punong-puno po? May bigas pa po at hindi lang po basta tindahan ito mini-grocery.”
“Oo anak, madami nga may mga stock pa sa loob ng bahay natin kasi hindi na kasya dito sa loob.”
Teka lang po ‘Tay, saan kayo kumuha ng puhunan dito?”
“Mamaya na tayo mag-usap madaming bumibili, tulungan mo na lang ako.”
“Cge po tutulungan ko kayo at mamaya mag-uusap tayo.”
Hindi na kumibo ang Tatay nila.
Pumasok na si Maya sa loob ng bahay nila at nakita nga na may mga kahon na ng grocery na hindi pa nabubuksan kasi hindi na kasya sa loob ng tindahan.
“Ate, dumating ka na pala, kanina pa kita hinihintay.” Wika ni Cho.
“Bakit? Alam ko na dahil sa tindahan, ano?”
“Oo ate, ang daming laman yayaman na tayo.”
“Hay naku Cho, tumigil ka nga dyan, hindi tayo mayaman.” At pumasok na sa kwarto niya para magbihis ng pambahay at para makapagluto na ng hapunan nila.
Habang nasa kwarto si Maya nag-iisip siya kung saan kumuha ang Tatay niya ng puhunan para sa mini grocery nila. Biglang pumasok sa isip niya si Richard. Dali-dali siyang lumabas at pumunta sa loob ng tindahan nila at saglit na tinanong niya ang Tatay niya.
“Tay, kay Richard po ba galing yung puhunan dyan sa tindahan?”
Dinedma naman ng Tatay niya ang tanong niya.
“Mamaya na tayo mag-usap madami pang bumibili.”
Lumabas na lang si Maya na nakasimangot at pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina para magluto. Matapos magluto at naghahain na si Maya para sa kanilang hapunan nang ipatawag ni Maya ang Tatay nila kay Cho para kumain na sila, mabilis naman na kumilos si Cho at ng bumalik ay sinabi na mamaya na daw kakain ang Tatay nila kasi wala daw tatao sa tindahan, hindi na kumibo si Maya at kumain na sila ni Cho.
Nagliligpit si Maya sa loob ng bahay nila ng pumasok si Mang Arturo.
“Tay, sinara mo na po ba yung tindahan?”
“Oo, sarado na.”
“Baka naman po pwede na tayong mag-usap?”
“Cge mag-usap na tayo, yung tanong mo kanina na kung kay Richard galing iyan, tama kay Richard nga galing lahat iyan pinadeliver niya kanina.
Matapos ipaliwanag ni Mang Arturo kay Maya hindi na siya kumibo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya at nararamdaman kay Richard kung naiinis ba siya o natutuwa. Pero natutuwa siya dahil kapakanan niya ang nasa isip nito.
“Anak, magpasalamat na lang tayo sa Prince Charming mo, dahil hanggang sa ngayon tumulong pa rin siya sa atin.” Wika naman ni Mang Arturo.
Tumango na lang siya. Matapos ang pag-uusap nila ng Tatay niya pumasok na sya sa kwarto niya at nahiga, ngunit hindi sya makatulog iniisip niya si Richard kung nasan na kaya siya, kung ano ang ginagawa niya at syempre kung iniisip din kaya siya nito. Hanggang sa makatulog sya ng pasado ala-una na ng madaling araw.
to be cont…..