Chapter 8
“AKALA ko ba you are enjoying the jokes? Bakit very silent ka kanina pa habang panay ang joke namin ni Rafi sa iyo?” sita ni Richard sa kanya.
Nasa isang fine dining restaurant sila na nagsi-serve ng international dishes. Halos bahagya niyang nagalaw ang pagkaing inorder ni Richard para sa kanya.
“Pasensya na kayo. Inaatake ako ng lungkot. Naalala ko si James.”
“Pwede ba kalimutan mo muna siya at kumain ka ng kumain. Ang mamahal pa naman nitong inorder ni Richard tapos sasayangin lang natin.”
“Kumakain naman ako, ah.”
“Para kang ipis, Maya. Ang liit niyang kinakain mo.”
“Hindi ko magawang kumain ng marami, eh.”
“Hay naku. Naalala mo naman talaga ‘yang boyfriend mong may sayad! Ooppps sorry, matino pala!”
“Wag mo naman tawaging may sayad. Nasasaktan ako, Rafi.”
“Pasensya ka na. Naiinis lang talaga ako sa mga ginagawa ng lalaking iyan sa iyo, eh.”
Wari ay sinamaan ng pakiramdam si Rafi sa pagkakabanggit kay James at nagpaalam ito para magtungo sa restroom at mapagsolo sila ni Richard.
“Talaga bang hindi mo magawang sumaya kahit sandasli lang habang kasama mo ako at si Rafi?” wika ni Richard.
“Pasensya ka na. Naalala ko si James. Talagang nalulungkot ako.”
“I understand. Pero huwag mo munang isipin ang problema ninyo ni James. Gusto kong mag-enjoy ka.”
“I’m so sorry. First time lang kasi na mangyari ito kaya mabigat sa dibdib.”
“Relax ka lang. Hindi ka naman siguro matitiis ng lalaking iyon. Babatiin ka rin noon one of these days.
Napailing siya.
“Hindi ganoon kadali. Ngayon lang kami nagkatikisan ng ganitong katagal. Dati-dati, hindi inaabot ng isang araw ang pagtatampuhan naming.”
“Sino bumabati?”
“Kadalasan ako. Nagso-sorry ako sa kanya kapag nagalit siya sa akin.”
“Bakit hindi mo ginawa ngayon?”
Umiling siya.
“Masama ang loob ko. Sobrang sumama ang loob ko sa kanya.”
“Kaya mo bang patigasan ang hindi mo pakikipagbati sa kanya?”
“This time, Oo.”
“Its okay kung kaya mo. Kung hindi, do the first move.”
Umiling uli siya sabay iyak.
“Sobrang possessive niya, Richard. Wla siyang tiwala sa akin. Hindi lang iyon. Lahat ng kilos ko ay binabantayan niya. Ang dami-daming bawal at masyado na akong nasasakal.”
Pagkasabi noon ay napahagulgol na siya sa harapan ni Richard.
“Okay lang na imiyak ka. Maganda nga ‘yan para mai-release mo ang lahat ng sama ng loob mo.”
“Slamat sa pakikinig mo. Kailangan ko talagang mag-unload.”
“Sige lang. Willing pa rin akong making sa iyo.”
Pero natigilan siya.
Noon niya na-realize na ibang tao nga pala itong si Richard. Bale second time lang niya itong nakaharap pero naririto at ginagawa na niya itong sumbungan ng problema niya.
“Hindi ko dapat ginawa ito. Hindi ka dapat madamay sa mga problema ko.”
“I’am willing na madamay sa problema mo. My pleasure na mahingahan mo ako ng mga sama ng loob mo.”
“Ganyan ba talaga ang mga lalaki?”
“What do you mean?”
“Katulad ni James? Masyadong possessive.
“Hindi lahat. Siguro lang sobrang mahal ka niya kaya siya nagkakaganoon. And iyon ang pamantayan niya sa pakikipagrelasyon. Iyon siya, eh. At kung talagang mahal mo siya, you have to accept him for what he is.”
“Kahit na napaka-unreasonable na niya?”
“If you can’t bear to lose him, why not?”
“How I wish hindi siya ganoon…..”
“Sad to say, ganoon na nga siya.”
“Ano gagawin ko? Kailangan ba akong sumuko?”
“No. Hintayin mong siya sng bumsti sa iyo. Siya yata ang lalaki.”
“At saka ayoko talagang mauna. Talagang masama ang loob ko sa kanya.”
“Kung ano ang inaakala mong tama, gawin mo.”
“Nakakahiya talaga sa iyo. Richard. Nadamay ka ng talaga.”
“It’s okay nga diba? Huwag kang mag-alala roon. Willing naman akong damayan ka.”
Noon nagbalik si Rafi buhat sa restroom.
Wish lang niya ay magtagal pa iyon para makapag-usap pa sila ng matagal ni Richard.
“O, malayo nab a ang narrating ng usapan ninyo?” sita nito nang makaupo.
“Si James ang topic naming,” wika ni Richard.
“Utang na loob! Ibahin naman ninyo ang subjest matter, okay? Ayoko nang mapag-usapan ang lalaking iyon.” Nakangiwing wika ni Rafi.
“Huwag kang ganyan, Rafi. Alalahanin mo na mahal ni Maya si James.
“Napakaswerte talaga ni James sa iyo, pero parang ikaw naman ang malas sa kanya.” Bulong naman ni Rafi.
“Ano sabi mo Rafi? Tanong ni Maya sa kanya.
“Ah, wala.” Sabi ko masarap yung food kaya kumain na tyo.
“Parang hindi naman yan ang narinig ko Rafi.”
“Wala nga, change topic na nga tayo.”
“Basta ako kung ano ang desisyon mo suportahan kita. Wika naman ni Richard.
“Suportado naman kita ah. Noong bati pa sya ni Maya. Pero ngayong nagkakalabuan na kayo, for all I care sa kanya! Hindi ko ma-take ang ginagawa niya sa iyo ang I’m happy for you kung magkaka-break na kayo, at least nakawala ka na sa kanya!” sabay kindat kay Richard ni Rafi.
Napangiti naman si Richard kay Rafi.
“Ayokong magka-break kami, Rafi. Gusto ko pa ring mag-hope sa relationship naming.”Nangingilid ang luhang wika niya.
“Hay naku! Hindi na uso ang martir ngayon Maya.”
HInagod naman ni Richard ang likod ni Maya sabay yakap sa kanya at may ibinulong na “Sana ako na lang si James.” At niyakap pa ni Richard ng ito mahigpit.
Unang kumalas si Maya sa kanya at namula silang pareho sa hiya kay Rafi.
“Ay gusto ko yang ganyang ayos nyo!” natatawang wika ni Rafi.
“Walang masamang mag-hope. Habang nararamdaman mo na may-roon pang hope, huwag kang sumuko.” Malungkot na sagot ni Richard.
“Salamat, Richard. Pinapalakas mo ang loob ko.”
“Alam mo awang-awa na kasi ako sa iyo kaya bad shot na sa akin si James,” pagdidiin ni Rafi.
“Ano magagawa ko mahal ko siya, eh.” Sagot naman ni Maya.
“Hindi nag-react si Rafi sa sagot ni Maya. Naiintindihan niya ang damdamin nito. Matagal na rin itong nagpapasensya kay James.
“Teka nga akala ko ba change topic tayo? Masyado tayong serious. Nandito tayo para i-celebrate ang birthday ni Richard hindi magdrama! Let’s continue eating. Kailangang ubusin nating lahat ang mga pagkaing ito.” Wika ni Rafi.
Akmang susubo na si Maya sa pagkain nang matawag ang pansin niya ng isang lalaking papasok ng restaurant at may kasama itong babae.
Si James iyon. Akbay-akbay ang isang babaeng noon lang niya nakita.
Napansin ni Rafi ang pagkabigla niya at sinundan ang direksyon ng kanyang mga tama.
“Omigosh! May babae si Jame?” bulalas ni Rafi.
Kumunot ang noo niya at nagtaasan ang mga kilay niya. Oo, mabait siya. Pasensyosa. Pero palaban rin siya kapag ganitong harap-harapan na siyang niloloko.
Tumayo sita at lumapit sa table na kinaroroonan ni James.
“HINDI MO ba ako ipapakilala sa kasama mo, James?” tawag pansin niya sa katipan.
“Ano ginagawa mo rito?”
Kumunot ang noo nito. Wari ay nabigla na Makita siya sa lugar na iyon. Sa halip na magalit ay pinuntahan siya nito sa…
“Ikaw ang tinatanong ko kung ano ginagawa mo rito?”
“May business meeting ako? This is Olga, Olga si Maya.”
Maya lang? Hindi niya sinabing girlfriend niya ako.
“Hi, Maya. Nice meeting you.” Bati ng babae.
Ngumiti lang siya. Hindi siya nagsabing she is also feeling nice na nakilala niya ito. Ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon ay panibugho.
“Please excuse us, Olga.” Pagkuway wika ni James at hinila siya nito sa isang sulok.
“Huwag kang mag-eskandalo rito, Maya.”
“Do you think, kaya kong gumawa ng eskandalo?”
“Bakit kailangang lumapit ka pa sa amin?”
“Nililinaw ko lang ang mga nakita ko. At may mga kasama rin ako. Hayun ang table naming,” turo pa niya kina Rafi at Richard.
“Mamaya na tayo mag-usap. Tatawagan kita,” wika nito.
“May kasama akong lalaki, James.”
“Kaya nga mamaya tayo mag-usap!” gigil na wika ng lalaki.
“Hindi ka ba magagalit sa akin? Hindi mo ba ako pauuwiin?”
“Please, Maya. Wala akong planong makipag-away sa iyo ngayon.”
“Dahil sa kasama mo?”
“Maya, please… baka makahalata ang kasama ko.”
Tumiim na ang anyo ng lalaki at tinalikuran na lang siya basta.
Para siyang tinarakan sa dibdib. This is the first time na naranasan niyang ma-humiliate ni James. Ipinagpalit siya ng lalaking ito sa babaeng iyon. Binale-wala ang damdamin niya at mas pinaboran ang kasama nito.
Mabigat ang dibdib na bumalik siya sa sariling mesa.
“Ano ang sabi?” Usisa ni Rafi.
“Wala,” matamlay na wika niya.
“Hindi nagalit na nakita si Richard na kasama natin?”
“Hindi lang siguro nagpahalata,” pagsisinungaling niya.
Hindi niya gustong ipahalata sa dalawa ang nagging reaksyon ni James. Ang tila kawalan nito ng interest na makita siyang may kasamang ibang lalaki at bagkus ay mas pinahalagahan nito ang kasamang babae.
And to top it all, hindi siya ipinakilalang girlfriend.
“Umuwi na tayo. Sumasama lang ang pakiramdam ko rito.”
“Sige. Uwi na tayo. I think, hindi makabubuti kay Maya ang kanyang nakikita,” nakakaunawang wika ni Richard.
Tinawag na nito ang waiter at binayaran ang kanilang bill. She was holding her tears. Ayaw niyang umiyak ng mga oras na iyon.
“Ano ba talaga ang sinabi sa iyo ni James?” kulit ni Rafi sa kanya.
Hindi talaga ito mapakali. Kilalang-kilala siya nito at alam niya na nasaktan siya kaya siya nag-ayang umuwi.
“Binale-wala niya si Richard because of that woman.”
“Which is abnormal. Knowing him, tiyak na nagalit na siya pagkakita kay Richard. What seems to be the matter?
“Ayokong mag-isip ng negative. Mag-uusap kami mamaya.”
“Talagang napaka ng James na ‘yan! Kungdi lang maeeskandalo siya ay pag hindi binalikan ko siya at pinagsasampal sa harap ng babaeng iyon!” gali nag alit na wika ni Rafi.
“Huwag mo nang pairalin ang pagka-high-blood mo sa kanya, Rafi. Bababa lang ang pagkatao natin kung papatulan mo siya.” Anya ni Maya.
Punumpuno na nga siya ng sama ng loob ay nakakapag-isip pa rin siya ng maganda para kay James. Sa isip ni Richard.
Actually ay hindi niya nakayanan ang pangdededma ni James sa kanya. Nang makabalik siya sa table nila ay pinagmasdan niya si James. Pero napuna niya na ni minsan ay hindi man lang siya tiningnan nito.
Ang atensyon nito ay palaging nasa kasama lang nitong babae. Sobrang nasaktan siya sa ginawa ni James. Sa tagal ng relasyon nila ay bigla na lang ba siyang babalewalain ng lalaking ito?
Nang mga sandaling iyon ay lukob siya ng matinding pain ang hurts.
And she was sanking into a deep… deep…. Emotional turmoil.
Naging pasensyosa siyang girlfriend. Ang dami niyang isinakripisyo dahil sa pagmamahal biya kay James. Tapos, ito lang ang mapapala niya? Ang I-betray ng lalaking minahal niya ng lubos at buong puso?
Unti-unti siyang nilalamon ng galit at hindi niya alam kung mapapatawad niya si James.
“MAUNA na nating ihatid si Maya,” tawag pansin ni Rafi kay Richard.
“Pero mauuna ang way mo.” Reactg ni Richard.
Gusto niyang sumabad pero hindi na niya magaw. Nanakit ang ulo niya sa kakaisip.
“Okay lang bas a iyo na mauna akong ihatid?” kinalabit siya ni rafi sa unahan.
Tango lang ang isinagot niya.
“Bakit sobrang silent ka? Huwag kang ganyan, ha? Huwag mong pakadibdibin ang nakita mo.” Si Rafi uli.
“I’m fine. Don’t bother.” Anya.
Sa sulok ng kanyang mga mata ay nasisilip niya ang pasulyap-sulyap ni Richard sa kanya. Mukhang concerned pero hindi nagsasalita.
Maybe, naiisip ng lalaki na labas naman ito sa problema nila ni James. At dapat lang naman na hindi ito ma-involve.
Wala na siyang kamalayan sa oras. Hindi na nga niya napapansin kung matagal ba o madali ang pagbibiyahe nila. Hanggang sa sapitin na nila ang apartment ni Rafi.
“Paano, maya. Dito na lang ako.”
Nagbeso-beso sila bago tuluyang bumaba si Rafi.
“Richard, ingatan mo ang pinsan ko, ha? Pag may nangyari diyan ay mananagot ka sa akin! Banta nit okay Richard.
“She is in good hands. Don’t worry,” nakatawang wika ni Richard.
Umandar ang kotse ni Richard.
At dahil wala na ang madaldal na si Rafi, sobrang tahimik na sa loob.
“Magpatugtog tayo ng love songs. Masyadong tahimik.” Parang wala akong kasama dito.
“No. Huwag na.”
“I’m sorry. Hindi ko naisip na….”
“Its okay. Ako nga ang dapt nag-sorry. Nadadamay ka sa lungkot ko.”
Sa pagkabigla niya ginagap ni Richard ang isang kamay niya. Muli niyang naramdaman ang kilabot na naramdaman niya noong una.
“Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap at balikat na iiyakan. I will always be here for you.”
Marahang inalis niya ang kamay nito sa kamay niya.
“Pwede ba ‘yon? Baka magselos ang girlfriend mo.”
“Would you believe, wala pa akong special friend.”
“Maniwala……”
“Totoo ang sinasabi ko. Meron ako dati. Teen-ager pa lang ako. After nun wala nang sumunod.”
“Why? ” wari ay naging interesado siyang alamin ang personal life ni Richard.
“Ayokong magbilang ng girlfriend. Gusto ko kapag nakipag-commit ako ay panghabang-buhay na. ‘Yung eventually ay mauuwi na sa marriage ang relasyon namin.”
“Maganda nag prinsipyo ‘yan.”
“Bakit? Wala bang plano si James na mauwi sa marriage ang relasyon nyo?”
“Meron naman. Kaya lang, ako ang parang nagdadalawang-isip. Lalo na sa nakita ko ngayon.” Nagsimulang mangilid ang kanyang mga luha.
Pero hindi na niya napigil iyon. She bursted into tears. Kanina pa siya nagpipigil umiyak pero hindi na nakaya ng powers niya na pigilan ito ngayon.
Napilitang ihinto ni Richard ang kotse. Nasa tapat sila ng twenty four hour na fastfood restaurant. Pumasok roon si Richard.
“Sige lang. Mas makabubuting iiyak mo ‘yan at nang gumaan ang dibdib mo.”
“I’m terribly hurt, Richard. Bakit niya nagawa ito sa akin. Naging tapat ako sa kanya. Sinunod ko ang lahat ang gusto niya kahit na nga ang pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng karapatan sa sarili ko,” pagbubuhos niya ng kalooban sa lalaki.
Niyakap siya ni Richard sa ikalawang pagkakataon.
“Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong mo but I am hoping na may better or best na nakalaan sa iyo kung kaya nangyayari ito sa buhay mo.”
“Masaki tang dibdib ko. Sobrang sakit.”
Humigpit ang yakap ni Richard sa kanya. Yumakap na rin siya rito. Nang mga sandaling iyon ay para siyang isang batang nalulunod at kailangan ng makakapitan. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib ng lalaki.
Nanatilim itong nakasuporta sa kanya. Hinaplos ang kanyang likod at buhok.
“Calm down, Maya. Everything will be alright.” Pagbibigay nito ng lakas ng loob.
Hindi niya alam kung gaano siyang katagal nakasubsob sa dibdib ni Richard.
Bigla na lang niya itong naitulak nang mahimasmasan.
“I’m sorry, I’m so sorry.”
“Don’t feel sorry about it.”
May trace pa ng mga luha ang mga mata niya. Dumukot ng panyo si Richard at iniabot sa kanya.
“Ang dami ko nang atraso sa iyo. Oras mo, panyo mo. Pati dibdib mo ginawa kong tuyuan ng luha ko.”
“You have nothing to worry. Nagkaroon naman ako ng hope sa mga nangyari. Nakangiting sabi ni Richard.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Wish ko lang ay magdalawang-isp ka pa ng chance sa iabng guy.
Hindi siya nakakibo. Hindi naman niya gusting mauwi saw ala ang relasyon nila ni James. Natatakot siyang isipin iyon. Pero sa takbo ng mga pangyayari, parang ang dami ng hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa.
Parang lalo siyang naguluhan sa mga sinabi ni Richard.
“Umuwi na tayo, Richard. Gusto ko nang pagpahinga.”
To be cont…….