MR. PERSISTENT 3

Chapter 3

MALAKING GIYERA. ‘yang lilikhain mo kapag nagkataon, Richard. Kahit na umangan mo ako ng bomba, hinding-hindi ko maibibigay sa iyo ang CP number ni Maya. Gusto mo bang patayin ako ng boyfriend noon?” halos magdikit ang kilay na tanggi ni Rafi kay Richard sa request nito.

Nagpilit itong sumama sa apartment niya ng gabing iyon. Nakikiusap na ibigay niya ang cellphine number ni Maya.

Si Richard ang bagong addition sa barkada nila. Sweet na lalaki. Malakas ang appeal. Masayahin. Challenger. Bagama’t wala pang girlfriend, alam niyang maraming mga idini-date ito. Wish nga niya ay maisama siya sa mga idini-date nitong babae.

Bagama’t naputol ang komonikasyon ni Maya sa barkada, hindi siya lumayo sa mga ito. Pero walang alam ito sa tunay na reason kung bakit biglang lumayo si Maya. Pinalabas na lang niya na talagang ayaw na ni Maya na bumarkada at mas painili nitong kasama ang nobyo.

Pero ginugulo siya ni Richard ngayon. Mukhang tinamaan ito kay Maya. Hindi na siya pinatahimik nio at tanong ng tanong tungkol sa tinutuluyan niyang apartment. Ibinili pa siya ng paborito niyang chocolate cake.

‘Yun pala, may hihilinging kapalit. Pero kahit na ampung kahon ng cake ang bilhin nito, hindi niya magagawang ipagkanulo si maya dito.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ibinibigay ang cellphone number ni Maya.

“Huwag kang makulit, ha. Pag sinabi kong hindi pwede hindi pwede!” Kung bakit ayaw pang umalis ng lalaking ito. Uminom kasi siya ng slimming tea kanina bago umuwi ng bahay.

At ngayon ay nagsisimula nag humilab ang tiyan niya. Anumang oras ay mapipilitan siyang magtungo sa CR at iwanan ang lalaking ito.

“Pwede ba, umuwi ka na?” yaboy niya kay Richard.

“Basta. Hindi ako aalis dito.”

“bahala ka. Manigas ka diyan pero hindi mangyayari ang gusto mo.”

Noon biglang humilab ang kanyang tiyan. This is the tme. Nagtatakbi siya para magbawas.

 

NAPATINGIN si Richard sa handbag ni Rafi na naiwanan sa dining table.

Mabilis ang naging kios niya. Bahala na pero may kumislap na balak sa kanyang isipan.

Pinangahasan niyang buksan ang bag ni Rafi. Mula roon kay kinha niya ang cellphone nito, hinagilap sa phonebook ang pangalan ni Maya. Dalawang number ang nakuha niya. Isa sa office at ang mobile number nito. Mabilis na ipinadala niya ang number sa sarili niyang cellphone through business card.

Tapos ay nagmamadaling ibinalik ang cellphone sa bag ni Rafi.

Mistula siyang mabait na bata walang kakibo-kibo na nakaupo sa sofa nang lumabas si rafi buhal sa comfort room.

“ANO ba? Talaga bang hindi ka pa uuwi?”impatient na sita niya kay Richard.

Haindi pa kasi tapos mag-alburoto ang tiyan niya. Nakakairita naman na may tao rito sa salas niya habang pabalik-balik siya sa comfort room.

“Hinihintay lang kitang lumabas ’no. Wala naman akong mapala sa iyo.”

Umahon ito sa pagkakaupo, Lumapit pa ito sa kanya ay hinalikan siya sa pisngi.

“Bye, Rafi. Ingat.

Nagtaka si rafi. Bakit siya hinalikan ni Richard” Wala naman siyang ma-feel na kakaiba para masabi niyang nai-inlove sa kanya ang lalaki. Hindi naman siya tinitingnan ng malagkit.

Kinukutubang napatingin siya sa mesa. Napuna niyang naiba ang pwesto ng kanyang bag.

Hinabol niyasi Richard sa labas pero nakatakbo na ang kotse nito.

                Patay akong bata ako!

 

BINUKSAN niya ang kanyang cellphone. Pinindot sa keypad ang letter “M” at nagmamadaling hinanap ang pangalan ni Maya.

Nang Makita iyon ay parang batang napataas ang kamay  niya sa tuwa.

“Yeeeesss!”

Hindi nag-iisip na nag-compose siya ng message at ipinadala kay Maya.

NAPAKUNOT ang noo niya. Kakatawag lang ni James, nagtext na kaagad?

Binuksan niya ang Inbox na kanyang cellphone at isang unknown number ang remehistro doon. Binuksan niya ang nasabing message at nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa.

Musta n? Sri 4 d persistence. Bt I succeeded in getting ur cp#.

Nag-isip siya kung sino ang nag-text na ‘yon sa kanya at wala siyang maalala.

  Hu yu? Text back niya.

   Richard Lim.

Napaangat ang dibdib niya sa tindi ng pagkabigla.

Hindi na siya nag-response at kaagad na binura ang message ng lalaki.

Noon din ay tinawagan niya si Rafi.

 

To be cont…..

 

 

MR. PERSISTENT 2

Chapter 2

            “SOBRANG  silent mo. Natatakot ka ba sa akin?” puna ni Richard sa kanya habang sakay siya sa kotse nito.

Umiling siya bilang sagot.

“Natatakot ka ba  sa boyfriend mo?”

“Hindi naman. Kaya lang, kung alam niya ito ay tiyak na hindi niya magugustuhan.

“Maswerte ang boyfriend mo sa iyo.  Sumusunod ka sa lahat ng gusto niya.”

Ngiti lang ang naisagot niya kay Richard. How she wish, makarating na sila ng bahay. Para siyang nasa isang ordeal habang nakasakay sa kotse nito.

Wari ay nahalata ni Richard na hindi niya feel makipag-usap kaya hindi na rin ito kumibo hangang sa makarating sila ng bahay. Bumaba ito buhat sa driver’s seat at ipinagbukas siya ng pinto.

Napakatangkad na lalaki nito. Kahanga-hanga ang tikas pati na ang anyo. Gwapo si Richard. Aminado siya roon. Gwapo pang tingnan kay James. Sa pagkakatayo nito sa harapan niya ay hindi niya maiwasang hangaan ang pisikal nitong anyo.

And my goodness. He smells good. Mabango. Suwabe ang amoy ng gamit niyang cologne.

Sa pagkakatitig sa lalaki ay medyo natigilan siya.

“Paano, I have to go. Pero pumasok ka na sa loob bago ako umalis.”

Wari ay napahiya pa siya sa sinabi nito.

“Richard, Thank you.”

“Welcome. Take care.”

Humakbang ma siya papasok nang marinig ang tawag no Richard.

Ayaw na sana niyang pansinin at magbibingi-bingihan na lamang sana siya nang may kung anong pwersang nagtulak sa kanya para lingunin si Richard.

“Bakit?”

“Talaga bang hindi ko pwedeng makuha ang cellphone number mo?

Napangiti siya. Pero hanggang ngiti lang ang pwede niyang ibigay kay Richard.

“I’m sorry. I hope you understand.”

“Kahit na makiusap ako?”

“Kahit na lumuhod ka pa.”

“Nakakalungkot naman.”

“Pasensya na. Kailangan ko nang pumasok sa loob, Richard. Thanks for the lift.”

Binilisan niya ang hakbang at sunud-sunod na pinidot ang doorbell. Hangga’t hindi lumalabas ang katulong nila para buksan ang gate ay nanatili siyang hindi lumilingon.

Nakikiramdam siya at alam niyang hindi pa umalis si Richard.

Peron g mga sandaling iyon ay nanginginig ang mga tuhod niya ta dumadagundong ang kanyang dibdib. Bumukas ang gate at nagmamadali siyang pumasok. Wala  pa ring lingon-lingon na nagtuloy siya sa loob.

Noon lang niya narinig ang pagtakbo ng sasakyan ni Richard.

                Ang lakas kasi ng fighting spirit ng lalaking iyon. Sinabi ko nang hindi pwede ay nangungulit pa rin. Naguguluhang sa isip niya.

BAGO pa lang siyang papasok ng kwarto ay nagri-ring na ang cellphone miya.

Si James uli. Natatarantang sinagot niya iyon.

“Mabuti at hindi ka pa rin natutulog. What keeps you awake?”

“Naiisip kita, syempre. Nami-miss na rin.” Half truth and lies na wika niya.

“Miss na rin kita babe.” Wari ay natutuwang wika ng lalaki sa kabilang kawad.

Napakagat labi siya. For the first time ay nagawa niyang magsinungaling sa nobyo.

“kelan nga pala ang balik mo?”

“Bakit mo itinatanong?”

Naiba ang tono ni James. Mukhang inaatake na namn ito ng pag-iisip ng masama.

Isa pa ito sa mga bagay a hindi maganda sa kanila ni James. Kailangang maging maingat siya sa mga sasabihin niya dahil masyadong analytical ang boyfriend niya. Bawat salita niya ay binibusisi at binibigyan ng kakaibang kahulugan.

“Masama bang magtanong? Dapat lang naman na alam ko para hind ako makipag-appoinment sa iba?”

“At kanino ka naman makikipag-appointment?”

“Sa family ko. Kung minan ay nagkakaroon din naman kami ng lakad. Mabuti na ‘yung alam ko kung kelan ka darating para makatanggi ako kung sakaling may magyaya sa akin.

Katahimikan. Hindi kaagad sumagot si James. Marahil, pinag-aaralan ang mga sinabi niya kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

“I’ll be there na on Saturday afternoon. Know what? May good news ako sa iyo.” Nabalik na ang sigla sa pagsasalita nito.

“Anong good news?”

“I’m planning na magkaroon ng outing ang family ko at family mo. Ang tagal na nating plano ‘yon dib a? Para nagkaroon n ng bonding ang mga olds mo at olds ko.”

“Talaga?” parang pilitna pilit ang excitement niya.

“Yeah. May private beach rsort ang isang officemate ko at willing siyang ipahiram sa atin.”

“That would be nice.”

“Kaya maghanda ka at papaghandain mo na rin ang parents mo at kapatid na c Kute at syempre si Mamang.”

“Makakarating. Tiyak na papayag sila.

“O, sige. I will not keep you too long. Matulog ka na. Good night.”

“Wait!”

“Bakit?”

“Pwede ko bang isama si Rafi?”

“Family affair ‘yon babe.”

“please naman, o. Alam mo namang nag-iisa kong bestfriend ‘yon at saka cousin ko naman siya, eh.”

Katahimikqn uli. Wari ay pinag-isipan pang mabuti ng lalaki kung pagbibigyan ang request niya o hindi.

“O, sige. Payag na ako. Pero siya lang ang outsider, ha?”

“Promise. Thank you, babe.”

Matapos makipag-usap kay James ay wala siyang madamang tuwa sa sinabi nitong outing. Imagine, kailangan pa niyang ipagpaalam si Rafi gayong kamag-anak din naman niya ito.

Kung minsan, naiisip niya kung ito nga ba ang buhay na gusto niya. ‘Yung magong secluded siya sa mga friends at mga kamag-anak niya at naka-focus lang siya kay James, sa pamilya ni James at sa pamilya niya.

Kahit nga nagtatrabaho siya ay para rin siyang nakakulong sa hawla. Hated sundo siya ni James kung kaya wala na siyang pagkakataon na makipag-bonding sa ibang tao.

Si Rafi lang talaga ang ibang tao na nakaka-penetrate sa earth niya ngayon. Kapag nawala pa si Rafi, baka mabaliw na siya sa kawalan ng ibang kausap maliban kay James.

Pero mahal niya si James. Ito ang tanging dahilan kung bakit nagagawa niyang tiisin ang abnormalities na nagaganap sa kanyang buhay.

How she wish, makaya niyang tagalan ito.

 

MALAKING GIYERA. ‘yang lilikhain mo kapag nagkataon, Richard. Kahit na umangan mo ako ng bomba, hinding-hindi ko maibibigay sa iyo ang CP number ni Maya. Gusto mo bang patayin ako ng boyfriend noon?” halos magdikit ang kilay na tanggi ni Rafi kay Richard sa request nito.

 

To be cont…..

 

 

 

 

MR. PERSISTENT

Chapter 1

“SIGE na. Sumama ka na sa amin Maya. Minsan ka lang magkakaroon ng chance na gumimik. Wala kang guwardiya na laging nakabantay sa iyo.”  Pilit ni Rafi sa kanya.

Pinatitigasan niyang huwag sumama sa pagyayaya nito sa takot na makarating ito sa boyfriend nya na si James na pwedeng maging simula ng away niya.

“Ayoko, Rafi. Kayo na lang.

“Ano ka ba? May blessing na si Tita Teresita sa lakad natin. Sabi ko imbitado tayo sa debut ng kapatid ng isang friend natin.

“Ha?”

“Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa. This is your chance to be free. Hindi ka matse-check ni James from Cebu. So, libreng-libre kang gumimik.”

“Paano kung magtanong siya kay Nanay at kay Mamang kung saan ako nagpunta?”

“Birthday nga ang paalam natin. Eh, Tiwala naman sa akin ‘yung boyfriend mo. Ang maganda roon, hindi ka niya maguguwardiyahan. Hindi niya magagawang sinuhin kung sino-sino ang mga kasama mo.”

“Alam mo nate-tempt ako. Kailangan ko na talaga ng space. Ang dami ng bawal sa akin magmula ng maging boyfriend ko si James.

“Kaya nga naalala kita sa lakad na ito. Samantalahin mo na hangga’t wala sa tabi mo si James. Ano? Susunduin ka naming dyan by 7:00 pm.

“Sinong naming?”

“Dating barkada natin, sino pa ba?”

Natigilan siya.

Matagal na panahon na ring hindi niya nakikita ang kanyang mga barkada.

“Nahihiya yata ako. Ang tagal ko nang hindi napapakita sa kanila.”

“Kaya nga miss ka na nila. ‘no. Natuwa nga nang sabihin kong maisasama kita. More than two years ka na kasing hindi nakiki-join sa amin. You should see them now. May boyfriend na rin si Sabel at Doris.”

Napabuntung-hininga siya. Nagdadalawang-isip kung pagbibigyan si Rafi o hindi. Pero sabik na rin siya sa gimik kung kaya pumayag na rin siyang pasundo kina Rafi.

“Ano sa palagay mo, magpapalam pa ako kay James?”

“Huwag na. Tutal, wala namang magsasabi sa kanya tungkol dito.”

Sinunod na niya ang payo ni Rafi. Baka nga pagbawalan pa siya nito.

  “HINDI niya akalaing daratnan ang lahat ng mga barkada niya sa lugar na pinuntahan nila. Tuwang-tuwang humalik sa kanya sina Doris, Sabel, Liza, Edselyn and Mary Faith. Humalik rin sa kanya ang mga boy’s na sina Ryan, Simon, Lino, Joma at Josh pero nakakapagtakang nakadama siya ng pagkailang.

Naalala niya kasi si James. Tiyak na kung naririto siya at nakitang hinalikan siya ng mga barkadang lalaki ay tiyak a magagalit iyon at baka kaladkarin siya palabas ng restaurant na iyon.

Ipinakilala rin nina Doris at Sabel ang mga nobyo na noon lang niya nakita.

“Maya, meet my boyfriend, Elmer. Sabi ni Sabel.

“Hi!” nagwave si Maya kay Elmer.

“Ako naman, Maya, si Boris  boyfriend ko. Wika naman ni Doris.

“Hello din.” Bagay kayo ah, Boris at Doris.

Tawanan ang lahat.

“Ipakikilala naman ninyo ako, guys.” Tawag pansin ng isa pang lalaki na kapansin-pansin ang pagiging gwapo at wari ay nakalimutang ipakilala sa kanya.

“Ay, Maya, si Richard nga pala bestfriend ko, new addition siya sa barkada….” . Sabi ni Ryan.

“Nice meeting you, Maya….” wika ni Richard na ang pagkakangiti at pagkakatingin sa kanya ay kakaiba.

Hindi man niya balak makipag-kamay ay napilitan siya na abutin ang kamay nito.

“Same here….” Nakikiming bati ni rin niya.

Napalunok siya nang tila ayaw pang pakawalan ni Richard ang kanyang kamay.

“Hoy! Richard, nakikipag-shake hand lang ang pinsan ko hindi nakikipag-holding hands.” Tawag pansin ni Rafi.

“Oh, I’m sorry. I’m so sorry, Maya. Na-carried away lang ako.

“Carried away saan? Tanong ni Sabel.

Napakamot ng ulo si Richard at hindi nakuhang sumagot.

“Richard, usapang matino. Hindi na available si Maya. Okay?

“Okay, Tatandaan ko ‘yan,” seryosong tugon nito.

“Okay, okay! Order na. Sagot ng mga boys ang bill. Kaya eat all you can ang hamon.

“Aba, fight! Swerte pala kapag kasama natin si Maya. Nalilibre ang food natin.”

“Kaya lagi kang sasama sa amin, ha? Pra laging libre!” hirit naman ni Doris.

At naghalakhakan ang mga girls. Siya’y payak na napangiti lang. Hindi siya pwedeng makihalakhak dahil hindi pwede ang iniisip ng mga ito.

Not if James is around to check here whereabouts.

Nagsipag-order na sila ng pagkain. Sinamantala talaga ng mga kaibigan niya. Palakihan ng sizes ng pagkain.

“Sabi naming eat all you can pero ga-pinggan lang ang size ng plate hindi ga-bilao.” Kantiyaw ng mga lalaki.

“Bakit naman kami magtitipid, eh minsan lang naman ito.”

Hagalapakan na naman ng tawa ang mga ito. Ito ang isang bagay na talagang na-miss niya ng husto. Ang maging masaya at magpakatotoo, kasi, sa piling ni James ay marami siyang pagkukunwaring ginagawa.

Just to please him, kinailangan niyang baguhin ang natural na kilos niya. Halimbawa ay bawal tumawa ng malakas when infact, enjoy siyang gawin iyon, bawal ang jokes, bawal makisabad sa usapan ng mga lalaki. Kailangan ay lagi siyang prim and proper at de numero ang kilos kapag kasama niya ito.

Mga bagay na nagawa niyang gawin dahil sa pagmamahal niya kay James. Pero kung minsan ay gusto rin niyang magreklamo. Mahirap ring masakal. At ang pagkakataong ito na masasayang sandali na kailangan niyang i-give up magmula nang maging magnobyo sila ni James.

“Hoy, ang tahi-tahimik mo dyan. Kalimutan mo mun si James. Mahal ka moon.” Wika ni Liza.

“Grabeng miss ka na naming, lola! Ano na  ba ang nangyari sa iyo at tila nawala ka sa circulation?” Wika ni Sabel.

“Nagseryoso lang ako sa lovelife ko, ‘no.” Sabi ni Maya.

“Sobrang seryoso naman. Kinalimutan mo na kami.”

“Conservative kasi si James. Hindi siya mahilig sa gimik. Ayoko namang lumakad kung hindi siya kasama,” pagtatakip niya sa nobyo.

Pero ang totoo, hindi ito conservative kungdi possessive at sobrang seloso.

At hindi dahil sa ayaw niyang umalis ng hindi ito kasama kungdi pinagbabawalan siyang talaga nito na makasama pa sa kanyang barkada.

Ang katwiran ni James, ngayong magboyfriend na sila ay dapat  na sila ang laging magkasama.

“Ganoon?” Wika naman ni Edselyn.

“Oo ganoon. Syempre, kailangang maging submissive tayo sa mga boyfriends natin, di ba?”

“Bow! Ang martyr ng Lola!”

“Bakit naman itong si Elmer ko. Hindi ganyan. Pinapayagan ako nito kahit saan ako magpunta.”

“Iba siya, iba si James.” Pagtatanggol niya sa nobyo.

“Pwedeng makasabad?” si Richard.

Hindi niya expected na makikisali ito sa usapan.

“Why, Richard? Any opinion?”

“For me kasi, hindi dapat higpitan ng isang lalaki ang kanyang girlfriend. Ang kailangan ay pagtiwalaan niya ito. Ang dapat namang gawin ng babae ay huwag sirain ang pagtitiwala ng kanyang nobyo.”

“I agree with you, Richard.” Sabi naman ni Ryan.

“Any reaction, Maya?”

“Please, no comment na lang ako. Ikaw ‘yon, Richard. Pero iba ang nobyo ko.” Insist niya uli.

Hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-uusapan sana si James. Baka kasi hindi na niya makayang sagutin ang iba pag tanong.

“Hoy, hindi nagpunta rito si Maya para interview-hin ninyo. Nagpunta siya rito para magsaya, Pwede ba, wala ng personal questions?” tag pansin ni Rafi.

Higit sa lalaki, ito ang nakakaalam ng kanyang dinadala.

Nawala ang atensyon kay James at napuno ng mga halakhak ang lugar na iyon. Biruan, kwentuhan , reminiscence ng kanilang past at marami pang usapan na tunay na na-miss niya.

Nag-enjoy siyang talaga sa lakad na iyon. Hindi sinasadyang napalingon siya kay Richard na nakaupo sa tabi niya sa mesang pabilog. Nakapangalumbaba ito at ang atensyon ay nasa kanya.

Grabe. Nakatitig ito sa kanya. As in titig na titig. Syempre, nakaka-conscious.

Inalis niya ang paningin sa lalaki. Pero ang hirap noong alam mo na may nakatingin sa iyo. Hindi na tuloy siya napakali sa upuan.

“Ibigay mo nga sa amin yung cellphone number mong bruha ka. Itong si Rafi, ayaw ibigay. Papalit-palit ka daw kasi ng simcard,” si Doris.

Alam niya, dahilan lang ni Rafi iyon. Hindi naman siya nagpapalit ng simcard. Magmula lang nang naging boyfriend niya si James, piling-piling mga tao na lamang ang nasa phonebook niya. Maraming tao siyang isinakripisyo dahil sa pag-ibig niya rito.

“Bakit natulala ka na dyan? Hiningi lang naming cellphone number mo.”

“Tawagan nyo na lang ako sa landline, pwede?”

“Eh, nagpalit ka kaya ng landline number mo?”

Oo nga pala. Nakalimutan na niya na napilitan siyang magpapalit ng landline phone number dahil pa rin kay James. Sinadya niyang iwasan lahat ng tao na pwedeng maging dahilan ng love quarrel nila.

At iyon ay para lang magkaroon ng peace ang kanilang relationship. And maybe because dahil mahal nyang talaga ang nobyo.

Iyon ang ikinasasama ng loob niya kung minsan. Despite na isinuko na niya ang lahat for the sake of James, sobrang higpit na rin nito. Sa totoo lang, gusto niyang masakal. Ang gusto kasi ni James, sa kanilang dalawa lang nito umiikot ang mundo niya.

Noon biglang tumunog ang cellphone niya. At nakita niya ang pangalan ni james sa caller ID.

Napalunok siya at nataranta. Ang naisip niyang gawin ay sadyain na huwag sagutin ang tawag nito. Pero nagtext siya at sinabing naglowbat na siya.

Kinumusta siya nito. Sabi pa sa text, ang dami raw nitong pinamili para sa kanya. Ito ang isang katangian ni James na maganda. Very thoughtful ito. Hindi ito nagkukwenta sa mga bagay na ibinibigay sa kanya.

“Sino ang nag-call ang text? Boyfriend mo?” si Richard ang nagtanong.

“Ha?” Nagulat pa siya sa pagtatanong nitoo.

“O-Oo.”

Sabi ko na nga ba, eh.”

“Bakit mo nahulaan?” curious niyang tanong.

“Mula kasi kanina ay walang nag-text o tumawag sa iyo. Ngayon lang. Talaga bang bawal kang i-text o tawagan?” prangkang sagot nito.

“Obious ba? Ganoon na nga.”

Wari ay gusto niyang mainis sa pagka-straight forward ni Richard. Imagine, sa harapan ng mga barkada niya ay naipit siya sa mga tanong nito.

“Sayang. Gusto ka pa namang hingin ang cellphone number mo.”

“Utang na loob. Huwag kang magkakamali. Malaking gulo ‘yang gagawin mo.”

“Alam ko.” At tumawa ng malapad ito.

Napakunot ang noo niya. Naisip niya, ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito? Bigla tuloy siyang natakot at kinalabit si Rafi.

“Umuwi na tayo, Rafi. Baka tumawag uli si James at makahalatang wala ako sa bahay.”

“Eh, di sagutin mo. Bakit ka aamin na nasa labas ka.”

“Ano ka ba? Ang ingay rito. Baka mabuko ako na nasa labas ako at wala sa bahay.

“Teka, nag-reason ka na na low-bat ka hindi ba?’

“Of course, hindi ko na pwedeng i-reason sa kanya iyon kapag tumawag siya uli.”

“Ayoko pang umuwi, Maya. Maya-maya na, pwede?”

“Kung ayaw mo, mauuna na ako. Mahirap na.” Pagmamatigas niya.

“Nakakainis ka naman. Napaka-killjoy mo.” Inis na react ni Mary Faith.

BInalingan nito ang mga kasama. “Guys, we have to go. Kailangan nang umuwi ni Maya.

“What? Eleven o’clock pa lang. Madaling araw tayo uuwi, Maya.” React ni Sabel.

“Oo nga naman. Minsan-iminsan lang naman ito mangyari. Huwag ka munang umuwi.”

“I’m sorry. Hindi talaga pwede. I have to go home na. Okey lang kung ayaw mong sumama, Rafi, Maaga pa naman. Magtataksi na lang ako.”

“Ay, huwag naman. Ayoko namang pauwiin kang mag-isa. U-uwi na rin ako.”

Tumayo na si Rafi at binitbit ang bag.

“No, You stay, Rafi. Ako na ang maghahatid kay Maya. Total, plano ko na ring umuwi.” Si Ricchard.

“Ha?” namumutlang wika niya.

Napako ang lahat ng mga mata kay Richard.

Gusto niyang tutulan ang pagmamagandang loob ni Richard pero paano niyang gagawin iyon na hindi siya lalabas na takot na takot sa boyfriend.

“Bakit uuwi ka na, Richard?” wika ni Ryan.

“May maaga akong meeting bukas. Mabuti na lang magyayang umuwi itong si Maya. May dahilan na rin ako para magpalam sa inyo. Ako na ang maghahatid sa kanya.”

Napatingin siya kay Rafi. Pareho sila nang iniisip. Hindi pwede. Pero hindi nila maibuka ang bibig para hindi lumikha ng kakaibang hinala ang mga kaibigan niya sa tunay na dahilan ng paglayo niya sa mga ito.

“Sige. Sasabay na ako kay Richard.” Lakas loob na wika niya.

“Huwag kang mag-alala, Maya. Mabait at goodboy ‘yang si Richard,” wika ng boyfriend ni Sabel.

“Pag tulog!” react ni Sabel.

At naghahalakhakan ang mga ito.

Walang kamalay-malay ang lahat kung paanong dinadaga ang dibdib niya ngayong sasama siya kay Richard na mag-isa.

 

to be cont…….

 

COME BACK TO ME – 14 (Finale)

Chapter 14

 

GOODBYE, RICHARD! Bulong ni Maya matapos hagurin ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Kahit hindi natupad ang pangarap ko na ikaw lang ang lalaking aangkin sa akin, at least, bago tayo tuluyang magkalayo ay may naiwan kang isang gabi ng pag-ibig sa akin.

Humakbang siya patungo sa tokador at inilapag doon ang sulat.

I love you very much, at hindi iyon nabago sa pagdaraan ng mga taon. Pero natatakot na akong sumugal. Tama na ang mga sakit at hirap ng kaloobang dinanas ko sa iyo noon, baka kapag nadagdagan pa iyon ay hindi ko na kayanin.

Lumabas na siya ng kanyang unit.

 

TUMULOY sa isang five star hotel si Maya. Doon ay siguradong hindi na siya masusundan ni Richard. Kinontak niya si Emman para ito ang makipag-usap sa gustong kumontrata sa kanya.

“Are you sure, desidido ka na sa plano mo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Emman mula sa kabilang linya.

“Of course! Tatawagan pa ba naman kita kung hindi.”

“Akala ko kasi, okay na sa iyo ang padala-dalawang buwan na kontrata dahil madali kang ma-homesick sa ibang bansa.”

“Noon iyon, iba na ngayon. Isa pa, wala naman dito sa Pilipinas sila Tatay at Nanay nasa Amerika. Para na rin akong nag-iisa rito. So, it’s much better na lang kung magko-concentrate ako sa carrer ko. Para kapag nagretiro ako, stable na ang buhay ko, hindi ba?”

“Sabagay, O, sige, tatawag na lang ako uli sa iyo.”

“Okay.”

Matapos ibaba ang telepono, nilibang ni Maya ang sarili sa pagbalangkas  sa kanyang mga bagong plano sa buhay. Ngunit pagkatapos ng mga pagpaplano, muling nauwi sa pag-alala kay Richard ang kanyang isip.

Sa mga sandaling ito, siguradong alam na niyang wala na ako. Bumangon siya mula sa kama at dinampot ang kanyang shoulder bag. Buhat doon ay kinuha niya ang maliit na kahon na noong isang araw pa ibinigay sa kanya ni Richard.

Ano kaya ang laman nito? Sinadya kong huwag munang buksan ito. Ayokong makaapekto ito sa gagawin kong pasya. Mapait ang ngiti sa mga labi nya habang inaalis ang giftwrap ng kahon.

Nang tuluyang maalis ang balot niyon ay tumambad sa kanyang paningin ang kahong yari sa pelus. Dahan-dahan niyang binuksan iyon.

Oh, God! Napaawang ang kanyang bibig nang matunghayan ang isang diamond solitaire ring . Ang batong nakatumpok sa ibabaw niyon ay kasinglaki ng munggo at walang dudang napakamahal ng halaga. Ngunit ang higit na bumigla sa kanya, ang kasamang necklace niyon.

Ang nawawala kong kwintas, nasa kanya!

                At bigla ang dating ng realisasyon sa isip ni Maya.

                Siya ang nakakuha nito sa akin nang gabing iyon! Siya ang……. Mahihinang katok s pinto ang kanyang suite ang gumulantang sa kanya.

Napaigtad siya at hindi malaman ang gagawin.

“S-sino  ‘yan?” Kandabuhol na tanong niya.

“Room service po, Ma’am!”

Bahagyang bahaw ang tinig sa kabilang dahon ng pinto. Hindi niya gustong isipin na pamilyar sa kanya ang tinig na iyon kaya binuksan na lang niya ang pinto.

“Richard!” Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang mapagbuksan ang lalaki.

Galit ang ekspresyon ng mukha ni Richard, matiim na matiim ang tinig nito sa kanya at waring nagbabanta.

“A-ano’ng ginagawa mo…….”

“Why are you leaving?” Pagkawika niyon ay patulak nitong binuksan nang maluwang ang pinto at tuluy-tuloy na pumasok.

“K-kasi’y …….”

“Bakit  ganyan ka, Maya?” Bigla siyang hinarap nito. “Noon, nilayasan mo ako, ngayon naman, akala ko’y okay na, ‘yun pala’y kung anu-anong plano ang tumatakbo riyan sa utak mo!”

Napalunok si Maya.

“I-I told you, natatakot akong…….”

“Saan ka natatakot, ha?” Inilang hakbang nito ang pagitan nila at gigil na hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Lahat ng pagpapakababa sa paglapit sa iyo ginawa ko, lahat ng dapat kong aminin, inamin ko na! Hindi pa ba sapat iyon, ha?”

“N-nakakabigla kasi. P-parang hindi totoo. S-si Stephanie, hindi ba’t sumunod siya sa iyo sa Amerika?”

“So?”

“I-inisip kong……..”

“Anuman ang iniisip mo, hindi iyon totoo, okay? Ang totoo….” Bahagyang lumamlam mga mata ni Richard. “Noong huling gabi na inihatid niya akong lasing na lasing, plano ko na baguhin ang pakitungo sa iyo.”

“Plano ko na turuan ang sarili ko na mahalin ka. Anyway, naisip kong wala na akong magagawa. Then I realized na mahal na pala kita noon pa man, kaya lang ay pinipilit kong ignorahin ang damdamin ko dahil napakabata pa ang turing ko sa iyo.

“Isa pa, I hated you for forcing me to marry you. Pakiramdam ko, nadaya ako at naisahan. Isang nene lang pala ang magma-manipulate ng buhay ko. Gusto kitang parusahan,  sumbatan, gusto kong ipadama sa iyo ang galit ko. But how could I do that? Tuwing sasadyain ko na umuwi ng gabi, para akong gago na nagmamadaling makauwi.

“Gusto na agad kitang makita, kahit sulyap lang. Pagdating ko naman sa bahay at nakita na kita, natatakot naman akong titigan ka dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko na huwag kang lapitan, hawakan. Kaya ang ginagawa ko ay nagkukulong na lang ako sa kwarto ko.

Matagal nang hindi kumikibo si Richard, nakatanga pa rin si Maya rito. Kulang pa pala ang mga sinabi sa kanya nito noong isang araw, may karugtong pa pala iyon.

“R-Richard, ayoko mang paniwalaan ang pinagsasabi mo, pero narito ka ngayon sa harapan ko. Lalo akong nalilito  at …….”

Please don’t! Just give me another chance, come back to me.” Maramdaming wika ni Richard.

“P-pero…..”

“Alam kong aalis ka. Nakita ko ang mga nakaimpake mong damit. Nagkunwari akong natutulog kanina dahil inisip kong magbabago ang isip mo. Kaya nang humakbang ka palabas, ang sakit-sakit ng dibdib ko.

“Gusto sana kitang tikisin, gusto kong magmalaki. Naisip ko kasi na masyado mo naman yata akong pinapahirapan. Pero hindi rin ako nakatiis, sinundan kita. Matagal din ako diyan sa ibaba, nag-iisip, nalilito.

“Pero sa tuwing maaalala ko ang init ng halik mo, ang yakap mo, para akong sinisilaban. Sa tuwing maiisip ko ang maligayang buhay na ipagkakaloob mo sa akin kapag nagsasama na tayo, parang nalulunod ang puso ko.

“So, here I am, kung may patunay ka pa na gustong hingin, just say it. Ibibigay ko kahit hindi ko kaya bumalik ka lang sa akin” Pagkawika niyon, hindi na hinintay ang sagot ni Maya,  dahan-dahang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya.

Tinanggap iyon ni Maya. At habang magkalapat ang mga labi nila, muli niyang binalikan sa isip ang gabing iyon na nalasing siya.

Oo nga, iisa nga ang lasa ng halik ng pangahas na lalaki at ang halik na ipinagkaloob sa kanya ngayon ni Richard.

“Sandali!” Pabigla niyang naitulak ang lalaki.

“Bakit?” Bumakas ang pagdaramdam sa mukha nito. “Talaga bang ayaw mo na sa akin at…….”

“Ikaw ba ang kasama ko noong gabing malasing ako?” Biglang tanong ni Maya.

Natigilan si Richard.

“Oo. Bakit? Hindi mo ba alam?” Bumakas sa mukha nito ang pagtataka.

“H-hindi. Kinapa niya sa bulsa ang kahong kinalalagyan ng singsing at kwintas. “K-kaya ko lang naisip na ikaw iyon ay dahil dito sa nawawala kong kwintas.”

Napangiti si Richard nang makita ang itinaas niyang kwintas.

“Ah. Oo. Naiwan mo ‘yan sa ibabaw ng kama ko kaya isinama ko na sa singsing na ibinigay ko.”

Napalunok si Maya.

“I-ikaw ang lalaking unang umangkin sa akin?”

Lalong napangiti si Richard. “Of course! Bakit ba? Ano ba talaga ang akala mo?”

“A-ang huli ko kasing natatandaan, may nakasalubong akong lalaki at……”

“Ah, si Simon. Kaibigan ko siya. Halos magkasunod kaming nagpunta sa restroom kaya lang ay siya ang una mong nasalubong. Kilala ka niya kaya ibinigay ka niya sa akin. Doon kita dinala sa condo ko at…….”

Nabiling sa sampal ang mukha ni Richard.

“Bakit?” Takang tanong nito.

“Bakit? Noon pa lang gabing iyon, ginalaw mo na ako, at hindi ka man lang nag-abala na sabihin sa akin iyon! Para akong gaga na galit na galit dahil akala ko naisahan ako ng hindi ko kilala. Alalang-alala rin ako dahil baka kapag natuklasan mong hindi na ako virgin ay…….”

“Sandali-sandali!” Itinaas ni Richard ang dalawang kamay. “Una, akala ko’y alam mo na ako ‘yon. You called my name, ilang beses mong sinabi na yakapin kita at halikan.”

“H-hindi ah!” Habang  namumula si Maya sa hiya sa binata.

“A-akala ko’y panaginip lang ang lahat.” Bulong ni Maya sa sarili.

“I heard that Maya!”

“Then it’s not. Totoo ‘yon.” At kung iniisip mong virginity mo ang mahalaga sa akin, hindi ako ipinanganak kahapon. Ten years is long enough para nakakilala ka ng lalaking maari mong mahalin.

“Isang malaking bonus sa akin na wala palang naging iba. At wala kang idea kung paano ako sumaya nang malaman kong ako pa rin ang una. Kaya nga sinundan agad kita sa condo mo nang hapon na iyon.”

“T-totoo?” Wala na siyang masabi kundi iyon na lang.

Napangiti si Richard. “Alam mo, talagang dapat na tayong magsamang muli. Sa ganoong paraan, lahat ng tanong mo, lahat ng pagdududa mo, baka masagot na.”

“N-natatakot pa rin ako at……..”

“Ssshhhh!” Kinuha nito ang kwintas sa kamay niya. “This necklace, natatadaan mo ba kung ano ang sinabi ko tungkol dito?”

“A-ano’ng….”

“Just always keep this for you to always remember me.” Masuyo nitong isinuot sa kanya ang kwintas. “Subconsciously, kaya ko ‘yon sinabi sa iyo, dahil ayakong limutin mo ako.”

“T-totoo?”

“Totoo.”

Napaluha na lang si Maya sa labis na kaligayahan.

“One thing I tell you.”

“A-ano ‘yon?”

“Gusto kong magpakasal tayo uli.”

Biglang lumuhod si Richard sa harap niya at binuksan ang singsing na regalo sa kanya at sabay sabing.

“Will you marry me again?”

“P-pero kasal na tayo at……”

“Our marriage is invalid. Alam ‘yan ng mga parents natin. Sixteen ka pa lang noon ng ikasal tayo, wala iyong bisa ayon sa family code. Kaya lang nila tayo pinilit na pakasal ay bilang pormalidad. May balak sa sila na ipakasal tayo uli pag eighteen ka na.”

”Noon. Pero ngayon, kahit hindi pa tayo kasal, sasakalin ko ang magsasabing na hindi tayo mag-asawa.

“Now, answer me, “Will you marry me?”

Napanganga na lang si Maya.

“Yes, yes! I will marry you Mr. Richard Lim”

“Thank you Mrs. Maya dela Rosa Lim!”

Natawa na lang si Maya sa kabila ng pagluha.

Natawa rin ito at marahng hinaplos ang pisngi niya. Saka nito tinawid ang pagitan ng mga labi nila.

“I love you Mrs. Lim!”

“I love you too Mr. Lim!

Muling naglapat ang mga labi nila naging mapusok ang halik na iyon, nang muling naging pangahas ang mga kamay ni Richard, at nang muli nitong ipadama sa kanya ang pagnanais na magkaroon ng kaganapan ang lahat, walang pagtutol na namutawi mula sa kanya.

Afterall, pakakasal na naman ulit sila.

 

The End

COME BACK TO ME -13

Chapter 13

GUSTUNG-GUSTO ni Maya na pagbigyan ang kahilingan ni Richard. Anyway, gusto rin naman niyang i-try kung kaya pa niyang gawin ang mga pagpapakamartir na ginawa niya noon para lang mag-work out ang relasyon nila ni Richard.

Ngunit sa nakalipas na dalawang araw na pag-iisip at pagbabalik-tanaw sa mga nakaraan, may isang bagay na alam niyang makakahadlang sa pagitan nila; ang nangyari sa kanya noong gabi ng Alumni.

Baka sabihin niyang dinaya ko siya kapag nalaman niyang na hindi na ako virgin. Magagalit siya, masasaktan na naman ako kapag muli niyang nilayuan. At baka iyon ang hindi ko na kayanin, sa loob-loob ni Maya habang sinisimulang iayos ang mga damit niya sa malalaking travelling bag.

I’ts much better kung mawawala na lang akong bigla. Tatanggapin ko na ang alok ng kaibigan ni Emman na two years contract sa Italy. Ayokong makipagsapalaran na matatanggap niyang may ibang lalaking nakauna sa kanya.

                Alam ko naman na iyon ang pinakamalaking dahilan kung bakit niya ako binabalikan. Siguro naman, kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam, iisipn niyang ayokong magkaroon ng second chance ang relasyon naming. Isa pa, baka hindi naman totoo sa loob niya ang alok na iyon. Baka gagantihan lang niya ako dahil sa bintang niya na I ruined his life.

                At ang huling dahilan ang mas kinatatakutan ni Maya.

Pinutol ang pagmumuni-muni niya ang tunog ng doorbell. Dahil nagulat, napapitlag siya at agad na kinabahan. Wala siyang inaasahang bisita sa dis-oras na iyon ng gabi.

Nagmamadaling lumabas siya ng silid at tinungo ang pinto.

Sino kayang….. Natigilan si Maya nang masilip sa butas ng keyhole si Richard. Oh, God! Nataranta siya. Anong ginagawa niya rito?

Nang muling maulit ang tunog ng doorbell, napilitan siyang buksan iyon.

“R-Richard!”

“Hi!” Nakangiting wika nito na bahagyang namumungay ang mga mata.

“A-ano’ng ginagawa mo rito?” Lalo siyang knabahan nang malanghap ang amoy-alak na hininga ng lalaki. “L-lasing ka ba?”

“Hey!” Natatawang itinaas ni Richard ang dalawang kamay bagama’t nagsimula itong humakbang papasok kahit hindi niya pinapapasok. “Isa-isa lang ang tanong, okay?”

Napilitan siyang luwangan ang bukas ng pinto at bigyang-daan ito para makapasok. Dahil kung hindi ay mababangga ito sa kanya dahil sa pasuray na paghakbang.

“Ah!” Bulalas ni Richard matapos pahinamad na naupo sa sofa. Isinandig nito ang ulo sa sandalan niyon at hinilut-hilot ang sentido at noo habang nakapikit.

“S-saan ka ba galing?” Kinakabahan man ay napilitan si Maya na isara ang pinto. Humakbang siya palapit dito. “G-gusto mo ba ng kape para mawala ang hilo mo?”

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Richard at matiim na tumitig sa kanya.

“Mas gusto ko sana kung mamasahehin mo ang ulo ko.” Kahit namumungay ang mga mata, ngumiti ito sa kanya.

“Richard…..”

“Please?” Sumasamo ang mga mata nito.

Napabuntong-hininga na lang si Maya. Humakbang siya patungo sa likuran ng sofa at lumagay sa ulunan ni Richard. Lihim na lihim, nanginginig ang kamay niya na nagsimulang humilot sa noo nito.

“Yes!” Iyan, masakit iyan!” Bulalas nito nang magsimulang kumilos ang mga kamay niya. Muli itong pumikit at hinayaan siya sa ginagawa.

“S-saan ka ba galing at bakit uminom ka? Hating-gabi na, ah.”

Dumilat ang lalaki at bahagyang tumingala sa kanya.

“Napainom lang ako ng mga dati kong kaibigan. Pauwi na sana ako nang maparaan ako dito sa condo mo. So, I decided to drop by. Bakit, nakakaistorbo ba ako?” Malambing nitong tanong.

“H-hindi. N-nagulat lang ako.” Gustung-gusto na niyang bawiin ang kamay ngunit hindi niya ginawa.

“Good! Bukas pa sana ako pupunta,

“Di ba dapat ay bukas pa ang ikatlong araw ng ibinibigay ko sa iyong taning? Tugon ni Maya.

“O-oo.”

“Kaya lang, nakakainip kasi. Parang hindi ko na mahihintay ang bukas.”

“Richard……”

“Maya.” Mabilis nitong hinawakan ang kamay niyang nagmamasahe sa noo nito.

“R-Richard!”

“Come here, Maya.” Umunat ito nang upo at iginaya siyang paikot upang mapunta siya sa harap nito. “Sit down here.”

Napipilitan siyang umupo sa tabi ng lalaki. Lalo siyang inatake ng nerbyos dahil ngayon ay halos wala ng pagitan ang mga katawan nila.

“R-Richard, sana’y bukas ka na lang pumunta rito. H-hindi pa kasi ako nakakapagpasya at …..”

“Ssshhhh!” Walang babalang humarang ang isang daliri nito sa mga labi niya. “Hindi ko na kailangag maghintay ng bukas pa para sa pasya mo Maya.”

“B-bakit?”

“Dahil anuman ang naging pasya mo, I really don’t care. Dahil mayroon na akong pasya para sa ating dalawa,” Namumungay ang mga matang wika nito. Dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?” Gusto niyang umiwas, ngunit sukol na siya sa gilid ng sofa. Isa pa ay parang nalalasing na rin siya sa amoy alak na hininga nito na mabango pa rin sa kanyang pang-amoy.

“Natatakot kasi akong negatibo ang maging pasya mo, kaya gumawa na lang ako ng pasya para sa ating dalawa.”

“A-ano yon?”

Simpatikong ngiti ang sumungaw sa ma labi ni Richard at muli pang inilapit ang mukha sa mukha niya. Ngayon ay halos gadaliri na lang ang pagitan ng mga labi nila.

“From now on,” He said in a husky voice.

“We must live together.”

“P-pero….”

“No ifs, no buts! I don’t take negative answer, okay?” Saka nito tuluyang tinawid ang pagitan ng mga labi nila.

“R-Richard! Natigagal na lang si Maya. Ngunit maya-maya ay kusang pumikit ang kanyang mga mata. Ilang sandal pa, tinugon na pala niya ang halik nito.

At dahil nakainom si Richard, mas mapangahas ito, mas mapusok. His hands begun to caressed her arms, nagsimula iyong gumawa ng sariling landas patungo sa kanyang balikat, hanggang makarating sa leeg.

At bago pa tuluyang na-realize ni Maya kung ano ang balak nito, napamulat ang kanyang mga mata. His hands cupped her breast.

“R-Richard!” Bahagya niyang naitulak ang lalaki at akmang tatayo siya mula sa sofa.

“No! You should stay here!” Ngunit mas mabilis si Richard sa pagpigil sa kanya. Nagmistulang bakal ang mga braso nitong nakapulupot sa baywang niya.

“R-Richard, masyado kang pangahas at……”

“We’re married, you should remember that. Lahat ng gawin ko, lahat ng mangyayari sa atin, dapat lang iyon.”

Nakadama ng galit si Maya sa sinabi nito.

“Ibig mong sabihin, karapatan mo lang na gawin sa akin ‘yon, ganoon ba?” May bahagyang angil sa kanyang tinig.

“No! Hell, no!” Napalakas ang tinig nito. “Ang ibig kong sabihin, lahat ng mangyayari sa atin ay dapat lang dahil nagmamahalan tayo.”

Napaawang ang bibig ni Maya. Nagmamahalan! Isang salitang hindi niya mapaniwalaan.

Ngunit bago pa siya nakatutol na muli, inangkin na nitong muli ang mga labi niya.

Walang nagawa si Maya kundi napapikit, kasunod niyon ay nagsimula na rin siyang tumugon. At sa isip niya, parang naulit lang ang mga naganap noong gabing nalasing siya.

Ang pagkakaiba nga lang, inangkin siya noon ng isang lalaking hindi niya kilala bagama’t sa kanyang panaginip ay si Richard ang kanyang kaniig. Ngayon, alam na alam niya na hindi panaginip lang ang pag-angkin nito sa kanya.

At kahit hindi siya lasing, ang nag-uumalpas na pag-ibig niya rito ang nag-udyok sa kanya na tumugon sa mas mapusok na paraan.

                Anyway, ngayon na lang naman ito,sa loob-loob niya bilang pagbibigay-katwiran sa sarili. After this, hindi na tayo magkikita. Iyon ang huling pasya na nabuo sa kanyang utak matapos nilang marating ang dako pa roon nang sabay.

Pagkatapos niyon, nakatulog siyang nakaunan sa dibdib ni Richard. Ang mga braso nito ay nakayakap sa kanya.

 

To be cont……

COME BACK TO ME – 12

Chapter 12

MAHINANG ungol ang kumawala sa lalamunan ni Maya. Kasabay niyon ang pagsigid ng kirot sa kanyang ulo.

“Ha?” Napamulat ang kanyang mga mata at awtomatikong napalingap siya sa paligid. Saan ako naroroon? Akmang babangon siya nang may kumirot naman sa bahagi iyon ng kanyang katawan.

No! At sa pagdating ng realisasyon sa kanyang isip, tila rolyo ng pelikulang na-rewind sa kanyang utak ang mga nagawa niya at naganap kagabi. I was raped! Tila siya tinamaan ang kidlat sa pang-unawang dumating sa kanyang kamalayan.

Ang lalaking nakasalubong ko sa pasilyo, siya ang nagdala sa akin dito! Ginalaw niya ako, pinagsamantalahan niya ako!

At sa ilang sandali, gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala, ngunit ano pa ang halaga niyon?

Ang bagay na kay tagal niyang iningatan, ipinagkait sa mga lalaking nangungulit sa kanya noon ay tila napakasimpleng bagay lang na kinuha sa kanya ng isang estranghero!

Kagat-labing iinut-inot na bumangon mula sa kama si Maya. Kahit masakit ang puno ng katawan at ang ulo, pilit niyang pinulot ang mga nahubad na damit sa kanyang katawan at agad na nagbihis.

Kung makakaharap niya ngayundin ang lalaking lumapastangan sa kanya, baka mapatay niya ito. Kailangang umalis muna siya, tatakasan muna niya ang katotohanang iyon.

Saka niya babalikan ang pangahas, saka niya sisingilin kapag nahamig na niya ang sarili.

HINDI alam ni Maya kung paano nakauwi sa condo niya. Ang una niyang ginawa pagkalapat pa lang ng pinto ng kanyang silid ay mabilis niyang hinubad ang mga saplot na suot. Agad niyang itinapat sa shower ang sarili sa pag-asang matatangay niyon ang tila bangungot na karanasang sinapit sa kamay ng isang pangahas.

Sa ilalim ng malakas na lagaslas ng tubig, ipinikit ni Maya ang kanyang mga mata at pilit na itinataboy sa isip ang kudlit ng ala-alang nakaraang gabi.

Akala ko’y panaginip lang ang lahat, akala ko’y si Richard ang kaulayaw ko. Sumabay sa agos ng tubig ang kanyang mga luha. Akala ko’y panaginip, iyon pala’y bangungot.

                Ngunit sa pagitan nang pagluha, bigla siyang natigilan.

Pero bakit ganoon? Kaytamis ng ala-ala ng mga halik at yakap na pinagsaluhan namin? Mariin siyang napapikit at ayaw man niya, tila madarama pa niya ang init na iniwan sa kanyang balat ng mga haplos at halik na ipinagkaloob sa kanya ng lalaki.

Hindi! Tutol ng kanyang utak. Kaya ganoon ay dahil anakala kong si Richard iyon! Sigaw ng kanyang utak. At sinamantala iyon ng pangahas! Kaya lalong naglatang sa galit ang kanyang dibdib.

Kailangang makilala ko kung sino ang lalaking iyon! Babalik ako sa condo niya, at sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanya. At ayaw man niya, iniyakan niya ang nangyari sa kanya.

MATAPOS iyakan ang inaakalang kasawian, nakatulugan ni Maya ang pag-iyak. Hapon na ng siya ay magising. At upang mawala ang pananakit ng katawan at ulo, muli siyang naligo. Pagkatapos niyon ay nagbihis siya at humanda sa pagpunta sa isang lugar.

Siniguro ni Maya na nailagay niya sa kanyang bag ang calibre beinte dos na paltik. Anu’t-anuman ang mangyari, mainam na iyong nakahanda siya.

Mahihinang katok sa pinto ng kanyang condo ang nagpahinto sa kanya sa paghakbang palabas ng pinto.

Wala naman akong inaasahang bisita, ah, sa loob-loob niya habang binubuksan ang door knob. Wala naman kaming usapan ni Emman na daraanan niya ako rito para…….

                Natigagal si Maya nang makilala kung sino ang kumakatok.

“Hi!” Nakangiting wika ni Richard. Kaysimpatiko ng ngiti sa mga labi nito at sa malas ay preskong-presko ang anyo at halatang bagong paligo.

Umaabot din sa pang-amoy niya ang mabangong men’s cologne na gamit nito at mabangong hininga.

“A-ano’ng ginagawa mo rito?” Kandautal na tanong ni Maya habang nakatingala sa lalaki.

Natawa si Richard, sa mga mata nito ay naroon ang kakaibang kislap habang namamasyal sa kabuuan ng kanyang mukha ang paningin. “Why? Masama bang dalawin ko ag aking asawa?” Saka huminto ang mga mata nito sa mga labi niya.

Biglang naalerto si Maya. Naisip niyang bahagya nga palang nakaawang ang mga labi siya sa pagkagulat sa pagkakita rito at baka isipin nitong nang-aakit siya.

“H-hindi ako nakikipaglikohan sa iyo, Richard!” Biglang angil niya. Panakip sa pag-uunahan ng tibok ng kanyang puso dahil sa sorpresang presensya nito.

Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi nito.

“Why? At sino ba ang nakikipaglokohan sa iyo?”

“Huwag mo akong tawagin na asawa dahil alam mong matagal na tayong hiwalay, okay?” Nanalim ang mga mata niya.

“Ah, ganoon? So, dahil matagal na tayong hiwalay, hindi na kita pwedeng tawagin na asawa ko? Fine! So, ex-wife na lang ang itatawag ko sa iyo, okay? Sarkastikong wika ni Richard.

“That’s better!” Asik niya. “Ano ba talaga ang kailangan mo?”

“Aren’t you invited me to come in?” Muling nabalik ang simpatikong ngiti sa mga labi ni Richard. “Kahit naman paano, bisita mo ako, hindi ba?”

“May lakad ako. You see, palabas na nga ako nang dumating ka.”

“Saan naman ang lakad mo?”

“Hey! Kailangan ko bang sagutin ang tanong mo?”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “Bahala ka. Pero kung ako ikaw, hindi na lang muna ako aalis.”

“Dahil kahit saan ka pumunta, susunod ako.”

“At bakit mo naman gagawin iyon?” Halos magkabuhol ang kilay na tanong niya.

Mula sa kung saan, pagkatapos ng mahabang panahon, bigla itong susulpot at ngayon ay nagbabanta sa susunod kahit saan siya pumunta!

                Jesus! Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

                “Well, kaya ako pumunta rito ay para makipag-usap sa iyo.”

“At ano naman pag-uusapan natin?”

Napabuntong-hininga si Richard. “Maya, kung gusto mong malaman ang pakay ko papasukin mo naman ako, okay? At kung anuman ang lakad mo, forget it. Mahalaga ang sasabihin ko sa iyo at hindi ko na iyon maipagpapabukas pa.”

Napapantastikuhan man sa pinagsasabi nito, naisip ni Maya na kung hindi niya ito pagbibigyan na kausapin ngayon, baka tuparin nito aang banta na susundan siya kahit saan siya magpunta.

Natural na hindi niya gustong ipaalam dito ang nangyari s kanya.

“Sige, pumasok ka. I’ll give you five minutes at pwede ka nang umalis.” Niluwagan niya ang bukas ng pinto at nagpauna na siyang bumalik sa sala.

Nang muling niya itong lingunin, nakatayo pa rin ito sa pinto. “O, bakit ayaw mo oang pumasok?”

“Ang sungit mo naman! Well, hindi ko pa kasi naibibigay sa iyo itong mga bulaklak.” Buhat sa likod ay inilabas ni Richard ang kamay na kanina pa ikinukubli. “At may pasalubong din kasi ako sa iyo mula sa Amerika.” Saka isang maliit na kahong naka-giftwrap ang dinukot nito sa bulsa ng pantalon.

Napatitig si Maya sa pumpon na sunflowers na bigay ni Richard sa kanya. Maya-maya ay tumuon ang kanyang paningin sa maliit na kahon. Pagkatapos niyon ay napahawak siya sa sariling leeg kung saan alam niyang nakalagay ag kwintas na minsan ay naibigay sa kanya ni Richard.

Nawawala ang kwintas ko! At agad niyang naisip ang lalaking pangahas. Ang hayup na ’yun, pinagsamantalahan na ako ay ninakawan pa ako! Gimbal siya sa kaalamang iyon.

Sigurado iyun  na suot niya nang gabi ng Alumni ang kwintas na bigay ni Richard . Sa nakalipas na ilang taon ay hindi niya iyon inaalis sa kanyang leeg.

“Maya, please, accept this.” Marahang humakbang palapit sa kanya si Richard.

“H-ha?” Muli siyang napatitig sa mga bulaklak at sa maliit na kahon. “Bakit?”

Natawa ng pagak si Richard. “Ano’ng bakit? Kailangan ba talagang laging may sagot sa mga bakit mo?”

“R-Richard, let’s face it, hindi naging maganda ang…….”

“That’s why I’m here. Hindi naging maganda ang pagsasama natin noon kaya gusto kong pagandahin ngayon.”

“H-ha?” Napatitig siya sa mukha nito. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” Bahagya pa siyang napalunok dahil huminto si Richard ilang dangkal lang mula sa kanya.

“Pwede tayong magsimula uli.”

“A-ano’ng……”

“Afterall, were married.” Pagka-wika niyon, walang babalang kinabig ni Richard ang batok niya at tinawid ang maikling distansiya ng kanilang mga mukha.

Richard! Nanlaki ang mga mata ni Maya. Magkalapat na ang mga labi nila, magkadikit ang mga katawan at langhap ang hininga ng isa’t-isa, ngunit  bakit hindi pa rin niya mapaniwalang totoo ang nagaganap.

Maya-maya ay kusang napapikit ang mga mata niya. Baka sakali, pagdilat niyang muli ay matuklasan niyang panaginip lang ang lahat at mawawala na ang kanyang pagkalito.

Ngunit ang pagpikit na kanyang ginawa ay nagsilbing daan upang lalo niyang ma-realize na totoo ang nagaganap. Kasi ay kusa na ring gumalaw ang mga labi niya upang gayahin ang paraan ng paggalaw ng mga labi nito.

Maging ang kanyang mga braso ay tila walang lakas na napayakap sa batok ni Richard. Sa ganoong paraan, kahit paano ay makatatagpo siya ng lakas upang huwag tuluyang bumigay ang nanlalambot niyang mga tuhod.

Hanggang lumipas ang mga sandali. Maya-maya pa ay naghiwalay ang mga labi nila. Pagka-tapos niyon ay ang mga mata naman nila ang naglapat.

“That was the greatest kissed I’ve ever had, you know?” Anas ni Richard habang namamasyal ang paningin sa kanyang mukha. Nangingislap ang mga mata nito at tila nakapagkit na ang ngiti sa mga labi.

“R-Richard, ano’ng ibig sabihin ng lahat ng ito?” Pinilit niyang langkapan ng galit ang tinig, ngunit alam niyang hindi siya magtatagumpay na gawin iyon.

Mas nanaig ang panginginig ng kanyang tinig dahil sa kabang sumasalakay sa kanyang dibdib.

“I told you, gusto kong pagandahin ang….”

“That’s bullshit!” Mabilis niyang itinulak ang lalaki upang magkaroon ng distansiya ang mga katawan nila.

“Maya!”

“H-huwag mo na akong paglaruan, Richard!” Lalong kuminig ang kanyang tinig.

“And why should I do that?”

“D-dahil…” Natigilan siya. Ano nga pala ang magiging dahilan nito para paglaruan siya?

“Maya….” Tumaas ang kamay nito pahaplos sa mukha niya. “Were married,  at hindi mababago nang nakaraang sampung taon ang katotohanang iyon. Okay, I admit, sa Amerika, my women are come and go, pero nanatili akong nakatali sa iyo.

“At alam ko rin, naging stewardess ka sa isang malaking airlines bago ka naging modelo, marami mang lalaking nagtangkang lumapit sa iyo, isa man sa kanila ay wala kang tinanggap, hindi ba?”

“A-at paano mo nalaman ang mga bagay na yan? At paano mo natiyak na walang lalaking nagdan sa buhay ko?”

Ngumiti lang si Richard sa kanya at nagkaroon ng pilyong kislap ang mga mata. “Basta! I have my source at napatunayan ko yan kasi ako lang ang mahal mo, hindi ba?”

Nag-iwas ng tingin si Maya. Hindi man niya kayang pasubalian iyon, hindi rin naman niya gustong aminin….. pa.

Hindi pa niya alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ni Richard.

“Maya, let’s start a new life.”

Napilitan siyang muling tumingin sa mukha nito. Inaalam niya kung ito ay seryoso sa mga sinasabi sa kanya.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“Magsasama uli tayo.”

“Ano? Nang ganoon kadali?”

“And why not?”

“D-dahil…..”

“Let’s give ourselves a chance. Kapag hindi talaga magwo-work out, pwede na nating ipa-annul ang kasal natin.”

Pagdaka ay may sumigaw na tutol sa loob ng kanyang dibdib sa huling sinabi nito. Ang ipa-annul ang kasal nila ang kahuli-hulihang bagay na gusto niyang mangyari.

‘I-I can’t believe it, Richard. Sa pagkakatanda ko, galit na galit ka dahil pinikot kita. At ikaw ang hindi nakipag-cooperate noon para hindi mag-work-out ang marriage natin. Bakit ngayon ay….”

“Sa pagkakatanda ko rin, ikaw ang unang umalis, Ikaw ang unang sumuko kaya hindi nag-wok-out ang relasyon natin, hindi ba?”

“O-oo. Pero iyon ay dahil……”

“Maya….” Mabilis siyang nahapit nito sa baywang. “Let’s forget about the past. Bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga sarili.” Saka muli nitong tinawid ang pagitan ng mga labi nila.

Matagal ang halik na iyon. Ayaw man ni Maya, minsan pang kumawala ang pananabik para rito na sampung taon niyang tiniis.

At ewan kung dinadaya lang siyang ng kanyang pakiramdam, o dahil iyon ang gusto niyang maramdaman; ang halik ni Richard ay punong-puno rin ng pananabik.

No! It can’t be!” Sigaw ng kanyang utak.

Yes! Marahil ay na-realize niyang mahal din niya ako,” bulong naman ng kanyang puso.

“ So, we will give ourselves a second chance?” Nakangiting tanong ni Richard matapos iwanan sng mga labi nya.

Naguguluhan pa ring napatitig na lang sya sa mukha nito.

“N-natatakot ako,” Bigkas nya.

“ Saan?”

                 “Sa sarili ko. Sa iyo.” Gusto sana niyang isagot. “Sa pinagsasabi mo.”

“Maya…”

“B-bigyan mo ako ng pagkakataong pag-isipan ang inaalok mo.”

“Pero….”

“Nalilito talaga ko.”

Napabuntong hininga nalang si Richard.

“All right!” Taas ang dalawang kamay na humakbang ito paatras at naupo sa sofa. “I’ll give you three days. Pero habang pinag-iisian mo ang alok ko, can we be friends?

“Eh…..”

“Maya, ano ka ba naman? Pakikipagkaibigan na lang ang inaalok ko, nagdududa ka pa?”

“ Masisisi mo ba ako Richard? Alam mo naman kung ano at kung gaano kasakit ang naranasan ko sa piling mo?” Wika ni Maya.

Hindi kumibo si Richard sa tinuran ni Maya.

“S-sige…. kaibigan lang.” Wika ni Maya.

“Good! At bilang kaibigan, hindi ba’t dapat ay ipaghanda mo naman ako ng maiinom?”

“Richard……”

“Alam mo, na-miss ko ‘yung paghahanda mo ng breakfast ko kahit medyo sunog yung egg at tapa pero sa umpisa lang yung sunog kalaunan perfect na yung luto mo sa egg at tapa!hahahahha…., Saka yung pag-gising ko nakahanda na sa kama ang isusuot ko, na-miss ko rin ‘yon.”

Richard….. Tila hinaplos ng malamig na kamay ang puso ni Maya. Gustong-gusto na niyang maniwala sa pinagsasabi nito.

“Alam mo, noong umuwi ako nang gabing iyon na wala ka, pakiramdam ko ay hungkag na hungkag ang pakiramdam ko. Parang gusto kong matikman ang luto mo sa hapunan. Para nga akong nabibingi sa katahimikan ng bahay natin, eh. Gusto kong sumigaw, gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit hindi kita agad binigyan ng chance.”

Unti-unting napaupo sa sofa si Maya. Kailangan niyang gawin iyon dahil nanlalambot na naman ang kanyang mga tuhod dahil sa mga naririnig na rebelasyon.

“Gusto sana kitang puntahan noon sa inyo. Gusto kong sabihin sa iyo na bumalik ka na sa bahay. Kaya lang, natakot ako. Baka hindi ko makayang panindigan. Baka nadadala lang ako ng lungkot sa pag-iisa kaya nami-miss kita.”

Napalunok si Maya. Tandang-tanda rin nga niya noon, ilang linggo, hanggang umabot ng buwan ang ginawa niyang paghihintay na sunduin siya ni Richard.

Ngunit hanggang sa mainip pati ang mga magulang niya, hanggang sa pati siya ay nakadama na rin nang totohanang pagsuko, hindi dumating si Richard.

Hanggang mabalitaan niyang isinama ng mga magulang si Richard patungo sa America. Pati ang pagsunod doon ni Stephanie ay nalaman din niya sa pamamagitan ni Mary Faith.

At sa sobrang sakit na idinulot ng bigong pag-aasawa, sa Maynila siya nag-aral ng college, ibinuhos niya ang kanyang pag-iisip sa pag-aaral at siya ay nakatapos, hindi naging mahirap sa kanya ang pagpasok sa trabaho dahil sa kanyang galing at talino naging Flight Stewardess sya, limang taon siyang naging Stewardess hanggang nakilala niya si Emman, isang beautician at maraming contact na couturier, iningganya siya na maging modelo. Hanggang maipakilala siya nito sa isang promoter ng fashion show and the rest is history.

Inagaw siya ng limelight sa pagmomodelo. Naging successful siya as a model. Nakarating din siya sa iba’t-ibang bansa. Maraming lalaking nangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit isa man sa kanila, walang nakapalit sa lugar sa puso niya na okupado ni Richard.

At ngayon kung anu-ano ang pinagsasabi nito, maniniwala nab a siya?

“Maya….”

“Ah, sandali, ikukuha lang kita ng juice.” Agad siyang tumayo at kahit nangangatog ang tuhod, nagawa niyang pumunta sa kusina. Kailangan muna niyang takasan ang presensya ni Richard.

Baka matagpuan niya ang matitinong katwiran at depensa sa kanyang utak.

To be cont….

COME BACK TO ME – 11

Chapter 11 

MAAGANG nagising si Maya kahit halos mag-uumaga na nang makatulog siya. Kagaya ng mga nakaraang umaga, ginampan niya ang tungkuling inaakala niyang dapat lang na gampanan sa buhay ni Richard.

Inihanda niya ang damit nitong isusuot kahit alam niyang baka hindi rin iyon isuot ng lalaki. Iniayos niya ang mga gamit sa banyo para makapaligo ito pagkagising. Ang susunod ay nagluto siya ng almusal kahit alam niyang hindi iyon kakainin ng lalaki.

Matapos ang lahat ng iyon, naligo na si Maya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi man siya nakatulog dahil nakikiramdam siya kung magigising na si Richard, nanatili lang siyang nkahiga sa kama.

Sa isip ay binabalangkas na niya ang mga bagay na dapat niyang gawin pagakaalis ni Richard papuntang opisina.

Maya-maya pa ay narinig niya ang mga kaluskos sa sala, maging ang mga yabag sa labas. Alam niyang gising na ang asawa.

Goodbye! Richard. Hindi na kita dapat makita mula sa umagang ito. Baka hindi na ako magkaroon pa nglakas ng loon na gawin ang mga balak ko kapag muli kitang nakita ngayon. Babakasin ko na lang ang mga alaala mo sa mga gamit mong maiiwan. Saka niya hinayaang muling maglandas ang mga luha sa kanyang mga mata.

Maraming sandali ang lumipas. Maya-maya ay narinig niya ang mga yabag palapit sa pinto ng kanyang silid.

Richard! Napigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Ano kaya ang kailangan sa kanya ng lalaki?

Ngunit maya-maya ay narinig niya ang palayong yabag.

Napabuntong-hininga na lang siya. At ano pa ba ang kailangan sa akin ni Richard? Muli siyang natigilan. Palapit na naman ang mga yabag sa pinto niya. Kasunod niyon at tatlong katok ang pumukaw sa kanya.

“Maya, aalis na ako,” Wika ni Richard mula sa labas.

“O-oo!” Pabiglang sagot niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sinadya pa ntong magpaalam sa kanya bago umalis. Dati ay basta na lang ito umaalis kapag nasa kuwarto  siya at hindi na nag-aabalang kumatok.

Nang arinig niya ang paglabas nito sa bahay, ilang sandal pa siyang nanatiling nakahiga. Maya-maya ay ipinasya niyang bumangon na at lumabas para alamin kung ginalaw nto ang mga pagkain at gamit na inihanda niya.

Umaasa ka pa, kantiyaw niya sa sarili na mapait na napangiti. Hindi bale, Maya, ito na ang kahuli-hulihang pagkakataon na masasaktan ka.

                Ngunit sa kanyang pagabigla, kinain ni Richard ang pag-kaing inihinda niya. Maging ang damit na iniayos niya sa ibabaw ng kama nito ay isinuot nito.

Mapait na napangiti si Maya.

At least, sa huling sandal ay hindi niya binalewala ang effort ko.

                Sinimulan na niyang ihanda ang mga gamit at damit niya para sa kanyang pag-alis. But for sure, hindi niya mami-miss ang mga bagay na ginawa ko para sa kanya.

Ang sigurado, matutuwa na siya. May pagkakataon na siyang ayusin ang kanyang buhay na nasira ko. Magiging malaya na rin sila ni Stephanie.

                Sukat sa pagkaalala sa babaeng alam niyang nagmamay-ari ng puso ng asawa napabilis ang pag-iimpake niya.

Tiyak na galit na galit na ngayon si Richard dahil tiyak nagsumbong na si Stephanie sa kanya. Hindi na niya ako dapat abutan dito. Baka mas masasakit na salita pa ang marinig ko mula sa kanya.

 

“HOY!” Untag ni Rafi sa lumilipad na diwa ni Maya.

“B-bakit?” Maang na napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Sa ilang sandal ay inisip niya kung kung bakit kaharap niya ang dating kaklase. Nang ilingan niya ang paningin sa paligid ay kaumpok pa rin nila sina Liza at Mary Faith.

Saka lang niya na-realize na naroon nga pala sila sa San Nicolas University para dumalo sa Alumni ng kanilang batch.

“Bakit? Hindi mo ba ako naririnig? Kanina ko pa sinasabi sa iyo na tingin nang tingin ditto si Richard,” Nanlalaki ang mga matang wika ni Rafi.

“H-ha?” Litong sinundan nang tingin ni Maya ang tinitingnan ni Rafi. Oo nga, sa kanila nga nakatingin si Richard na naroon sa isang pabilog na mesa. Ilang kalalakihan na mga dati nitong kaklase ang kaumpok nito.

“See? Kahit nakikipag-usap at nakikipagkwentuhan ay sa iyo nakatingin ang iyong ex-husband,” wika ni Rafi. “At all smiles siya…. sa iyo, ha?”

Napalunok si Maya . Oo nga, nakangiti nga ito. At puwede rin nga niyang isipin na sa kanya ito nakatingin.

“Hmp! For sure ay nakakaloko ang ngiti niyang iyan sa akin,” Biglang wika ni Maya.

“What? At bakit mo naman nasabi iyon>” Eksaheradang tanong ni Rafi.

Lihim siyang napakagat-labi.

“A-ang balita ko, he’s a well known and successful businessman in Amerika. Kauuwi lang niya galing abroad at nagbabalak siyang magtayo ng branch dito ng business niya.

“Talaga, ha? Okay rin ang source mo, ah. Kumpleto ang balita,” Kantiyaw ni Rafi. “Eh, bakit mo naman nasabi na nakakaloko ag ngiti niya sa iyo?”

“Syempre, naiisip niya na mabuti na lang at ako ang kusang humiwalay sa kanya. Lalo siyang naging malaya na gawin ang mga bagay na gusto niya sa buhay, hindi ba?

“Maya, napa-paranoid ka na naman.”

“No, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.” Dinampot niya ang kopitang may lamang Margarita at tinungga iyon.

“Hey! Naglalasing ka ba?” Sita ni Rafi sa kanya.

“Hindi, ah!” Sinulyapan niya sina Edselyn at Mary Faith. Kapwa may hawak na kopita ang mga ito at sa pagkakatitig sa gawi ng stage, inisip  ninuman na all ears ang mga ito sa pakikinig sa pagsasalita sa isa sa mga panauhing pandangal na kasalukuyang nagsasalita.

Napatingin din si Rafi sa dalawa pang kaibigan. At ito ay nakita ang ibig sabihin ni Maya.

Oo nga at nakatitig sa stage ang dalawa, kung pakakatitigan ay mahihinuhang kapwa wala sa sarili ang dalawa. Sa mga mata ng mga ito ay may nakasungaw na malalim na kalungkutan.

At kung pag-aaralan, mabagal man silang sinisimsin ang laman ng alak sa kanilang kopita, mahihinuhang naglalasing din ang mga ito.

Muling nagtama ang mga mata nila ni Rafi nang bumaling ito sa kanya.

“Tell me, Rafi, ikaw na ay hindi hungkag ang pakiramdam ngayon?” Pagkawika niyon ay bahagya siyang luminga. Nahigap ng kanyang paningin si Charlie.

Kaumpok ito ni John at sa malas ay hindi man lang ito nag-uukol ng pansin sa gawi nila.

“What do you mean by that, ha?” Nakataas ang kilay na tanong ni Rafi na sinundan din ang tinitingnan niya.

Pinagmasdan ni Maya ang kaibigan. Maya-maya ay mapait siyang napangiti.

“Be realistic , Rafi, Alam kong sikat kang artista, pero tama ba ang nababasa ko ngayon sa mga mata mo?”

Kumunot ang noo ni Rafi. “Ano’ng nababasa?”

“Nasasaktan ka dahil hindi ka man lang sinulyapan ngayon ni Charlie?”

“Maya!”

“I’m sorry.” Napayuko siya. “K-kahit  naman kasi nababalitaan ko na maraming sikat na actors ang nail=link sa iyo, I have this feeling na kailangan ay hindi mo nalimutan si Charlie.

Buntong-hininga ang itinugon ni Rafi at hindi na ito muling nagsalita. Nang magtaas siya ng paningin, nakita niyang nakatitig ang kaibigan kay Charlie.

At isang bagay ang natiyak ni Maya. Walang pumalit sa puwang ni Charlie sa puso ni Rafi. Masyado lang nagging praktikal ang kaibigan noon kaya pinili nito ang career.

 

PAGKATAPOS magsalita ng mga panauhing pandangal, ang sumunod ay mga intermission number para aliwin ang mga dumalo sa Alumni na iyon.

May special number ang mga estudyante sa secondary. May espesyal ding handog ang mga nasa kolehiyo. Maging ang mga piling-piling guro ng San Nicolas University ay nagpamalas ng kahusayan sa sama-samang pag-awit at pagsayaw.

Sa kabuuan ay nakaaliw ang pagtatanghal . Ngunit lalo lang nahungkag ang pakiramdam ni Maya, wala na ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Sa halip may isang bahagi ng unibersidad na tinitingnan nito.

Ang puno ng acacia sa pinakagitna ng compound. Nang sulyapan naman niya sina Mary Faith at Edselyn, kapwa nakatitig pa rin ito sa kawalan.

Dahan-dahan siyang tumayo at hindi na nag-abalang magpaalam sa mga kaibigan. Siguradong sa isp ay nagno=nostalgia ang mga ito. Ayaw niyang abalahin ang mga kaibigan.

 

MAKITID at paliko-liko ang pasilyo patungo sa rest room. Mapusyaw na ilaw lang ang tumatanglaw sa kanyang daraanan kaya gustong isisi ni Maya roon ang tila panlalabo ng kanyang paningin habang naglalakad.

Oh, shit! Bakit ba parang ang layo ng restroom? Hilung-hilo na ako at babaligtad na ang sikmura ko. Pinilit niyang bilisan ang lakad.

Ngunit pakiramdam ni Maya, habang binibilisan niya ang lakad, lalo namang lumalayo ang pinto ng restroom dahil paliit iyon ng paliit sa kanyang paningin.

Oh, it’s my fault. Hindi ko dapat ginawang parang tubig ang Margarita. Hindi na ako tatagal, hilung-hilo na ako. Babagsak na ako at….. Hanggang tuluyang bumigay ang tuhod niya.

“Miss, what’s wrong?”

Nagtaas ng tingin si Maya. Sa tulong ng mapusyaw na liwanag ng ilaw sa pasilyo, nakita niya ang isang lalaking may itsura nga ngunit sa kanyang paningin ay nabawasan ang dignidad nito dahil sa malagong bigote na nasa nguso.

Ngunit dahil talagang nanlalambot na siya at muli na namang sumalakay ang hilo sa kanyang utak, muling bumigay ang kanyang tuhod.

“Hey!” nagging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya.

“I-I’m all right.” Ngunit hindi totoo iyon . Mas mabilis ang salakay ng hilo sa kanya ngayon. Ksunod niyon ay nawala siya sa karimlan.

 

MAINIT-INIT na bagay ang dumadapyo sa mukha ni Maya ang pilit na nagpabalik sa kanyang diwa.

Gayunpaman, kahit ano’ng pagpipilit niyang imulat ang mga mata hindi niya magawa. Tanging ungol lang ang nanulas sa kanyang mga labi.

“Sshhh, it’s all right, matulog ka pa.”

Narinig ni Maya ang pamilyar na tinig na iyon, ngunit hindi siya sigurado kung ang taong kilalang-kilala niya ang may-ari niyon.

Muling sumayad sa kanyang mukha ang mainit-init na bagay naiyon, muli siyang nakaramdam ng ginhawa. Maya-maya ay muli siyang nahulog sa malalim na karimlan, tinangay siya sa kung saan.

Hanggang maramdaman niya ang tila masusuyong haplos sa kanyang mukha, sa buhok, sa mga braso.

“Richard…” Kusang nanulas sa kanyang mga labi ang pangalang iyon.

Oh, God! Hanggang kalian ba ako makatatakas sa alaala mo, Richard? Piping-tanong ng kanyang puo. Sa isip niya ay inakala niyang bahagi pa rin ng kanyang kalasingan ang panaginip na iyon.

“Richard, please embrace me….” At gusto niyang samantalahin ang panaginip na iyon. Gusto niyang ibsan ang pananabik na nanatiling nakatago sa kaloob-loobang bahagi ng kanyang puso sa nakalipas na sampung taon.

“Maya….”

Nakapikit pa rin, animo nananaginip na naghagilap ang kanyang mga braso. At nang maramdaman  niya ang pagsanggi niyon sa isang katawan, walang pangiming kinabig niya iyon palapit.

“Embrace me, Richard, I miss you so much….” Wala sa katinuang bigkas niya.

“Oh, Maya, I miss you too!”

Tila nakarinig ng tunog ng kampana si Maya. Panaginip man ang lahat ng iyon, sapat na iyon para malunod sa galak ang kanyang puso. Ngunit lalo siyang nakadama ng kasiyahan nang maramdaman niya ang pagyakap ng mga bisig nito sa kanyang katawan.

Maging ang paglapat sa katawan nito sa katawan niya ay nakaligaya sa kanyang puso.

Oh, God! Kayganda namang panaginip nito. Ayoko na yatang gumising. Mas hinigpitan niya ang yakap dito.

“Maya….”

Napaigtad siya, kasi ay naramdaman niya ang paglapat ng mga labi sa kanyang pisngi.

“Richard….” At dahil ito pa rin ang laman ng kanyang utak, hindi man nakikita ang pangahas ay pangalan nito ang nanulas sa kanyang mga labi. “Kiss me more…. gusto kitang maramdaman kahit sa panaginip lang….”

Natawa nang pagak ang lalaki.

“Yes, sweetheart, I kiss you more. At hindi ito panginip lang. Totoo ito.” Pagkawika niyon, mga labi niya ang hinagilap nito.

Lalong dumiin ang pagkakapikit ng maga mata ni Maya. Hinding-hindi niya gugustuhing magising sa mga sandaling iyon. Kahit naulinigan niya ang mga katagang iyon, ayaw niyang maniwala na totoo ang nagaganap.

At bakit siya maniniwala? Imposibleng maganap sa toto ang mga maiinit na yakap at halik na ipinagkaloob sa kanya ni Richard.

Ang tangi niyang ginawa, sinalubong niya ang mga labi nito. Maging ang kanyang munting dila ay sumaludar sa dila nito na tila isang panauhing nangahas na pumasok sa loob ng kanyang bibig.

Then, finally, they begun to caressed each other. Hanggang naramdaman ni Maya ang unti-unting pagkahubad ng mga saplot niya sa katawan.

Deja vu! Parang nangyari na ang mga ganitong eksena.

Sa lasing na diwa ni Maya, nagbalik sa kanyang isip nang gabing mangahas siya na akitin si Richard. Nagising ito sa mapusok niyang mga halik at haplos. Then, tinugon nito ang kapangahasan niya.

At akala niya ay tuloy-tuloy na iyon. Ngunit “nagising” si Richard tila diring-diri sa kanya na itinulak siya palayo at pinalayas sa silid nito.

Napahikbi ang nakapikit na si Maya. Kaysakit niyon, walang nakaalam maliban sa kanya na sumugat iyon sa kanyang pagkatao ng napakalalim.

Sugat na naging dahilan kung bakit sa nakalipas na mga taon, hindi niya nagawang  magmahal ng kahit na sino sa mga lalaking lumapit at nanuyo sa kanya.

Ang hikbi ni Mayanay nagging mahinang ungol, hanggang tuluyan siyang napaiyak bagama’t nanatili siyang nakapikit.

“Maya…” Natigilan ang lalaki at tuluyang nailayo ang sarili sa kanya. Mataman siyang tinitigan nito.

“K-kaya ko lang naman ginawa iyon, dahil mahal na mahal kita, Richard….” Nagsimulang magsalita si Maya na tila nagdidiliryo. Pabiling-biling ang kanyang mukha habang patuloy sa paglalandas sa kanyang pisngi ang masaganang luha.

“Ssshhh! I know that, Maya….” Masuyong wika ni Richard kasabay nang marahang haplos sa kanyang pisngi.

“P-pero hindi mo alam, hirap na hirap ako nang magpasyang iwan ko.” Patuloy sa pagsasalita si Maya. “K-kaya lang kailangan kong gawin iyon. K-kung hindi, baka ako mismo ay hindi ko na igalang ang sarli ko,”

Natawa ng pagak si Richard, kasunod niyon ay malilit na halik ang iginawad sa pisni ni Maya.

“Hindi mo dapat ginawa iyon, alam mo ba ha?” Masuyong anas nito.

Napasigok si Maya. Tangay na tangay na siya sa kanyang “panaginip” kaya tila natural na sagutan na lang ang dating sa kanyang nanlalabong diwa ng mga nagaganap.

“A-at bakit hindi dapat?” Nakasibing tanong niya kasabay ng isang mahinang ungol. Kasi ay nakikiliti siya sa maliliit na halik na ipinagkakaloob nito.

“Dahil nahirapan din akong mag-adjust nangmawala ka sa buhay ko.”

“II don’t believe you,” Anas niya bagma’t nagsimula na naman siyang matangay. Muli  niyang iniyakap ang mga braso sa leeg nito ang she kissed him back.

“Then I prove it to you now.” Pagkawika niyon, muling hinagilap ni Richard ang mga labi niya at iyon ang ginawaran ng mainit na halik.

Kung may pag-aalinlangan man sa puso ni Maya sa mga naririnig, pilit niyang isinasantabi iyon. Total, panaginip lang namn ang lahat, sasamantalahin na niya.

Ang mga sumunod na kilos ni Richard ay kanyang hinayaan. Kahit nakapikit ang mga mata, kusang kumikilos ang kanyang mga kamay at katawan upang tumugon dito ayon sa pangangailangan nito.

He unclasped her bra at ng matanggal nito ay sinakop ng bibig ni Richard ang kanang bahagi ng kanyang dibdib habang ang kamay nito ay malayang nakahawak sa isang dibdib, napaliyad si Maya sa sensayong dulo’t  ng ginagawa ni Richard sa kanya at napaungol ito.

Matapos magsawa sa kanang bahagi ng dibdib nito ay sinakop naman ang kaliwang dibdib nito habang ang isang kamay ay humahaplos sa kanyang balakang patungo sa kanyang pagkababae, nang maramdaman na ng binata na handa na si Maya ay unti-unti niyang pinaghiwalay ang mga hita nito para siya ay makapasok.

Nang maramdaman niyang nagpipilit na gumawa ng landas si Richard upang tuluyang makapasok sa kanyang pagkatao. She arched her body sa pag-aakalang ganoon lang iyon kasimple.

Ngunit  nagkamali siya. She felt that growing pain, tila pinupunit niyon ang kanyang buong pagkatao. Napasinghap siya sa pagnanais na makalanghap ng hangin sa pag-aakalang tuluyan siyang mamamatay sa sakit.

“Maya!” Napatigil naman sa ginagawa si Richard. Pinakatitigan nito ang maamong mukha ni Maya. “Oh God! I’m sorry! Hindi ko alam, akala ko’y …..” Sa ilang saglit ay hindi nito malaman kung ano gagawin.

Sa wakas ay nahamig na ni Maya ang sarili. Nang maramdaman niyang huminto sa paggalaw si Richard, nakadama siya ng kahungkagan.

“R-Richard, why?” Nagpilit siyag dumilat ngunit katulad kanina ay ayaw pa ring mamulat ang kanyang mga mata.

“Nasasaktan ka,” Masuyong anas nitosa may punong-tainga niya kasabay nang mga butong-hininga at maliliit na halik sa kanyang pisngi.

“N-no, it’s all right. J-just go on,” Bigkas niya.

“Pero……”

“R-Richard, please, I missed you so much. Kaytagal kong pinangarap ang ganitog pagkakataon, kahit panaginip ito, gusto ko pa ring magkaroon ng kaganapan ang lahat,” Mahinang anas niya.

Napailing na lang si Richard at minsan pang tinitigan ang magandang mukha ni Maya.Maya-maya ay napangiti ito.

“Akala mo ba’y ikaw lang….” Mahinang gumalaw si Richard.

Napakagat-labi si Maya sa minsan pang pagsigid ng kirot sa buo niyang pagkatao.

“Ako man ay nasabik din na mangyari ang ganito.”

Dahil sa mga katagang iyon, ang kirot na nadama niya ay tila himalang naglaho. Kusang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

“Then go on, Richard, saying ang mga sandali.” Saka niya iniawang ang mga labi, indikasyon na inaanyayahan niya itong muli siyang hagkan.

At hindi siya nabigo, naramdaman niya ang pagsakop ng mga labi nito sa mga labi niya. Kasunod niyon ay muli itong gumalaw. Sa simula ay marahan, hanggang bumilis iyon,  bumilis ng bumilis na tila ba nakikipaghabulan ito sa pag-ikot ng mundo.

At dahil nananaig ang kasiyahan sa puso ni Maya, ang kirot na nadarama niya ay sapilitang napalitan ng sarap, ng mga kiliting buhay na buhay sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao.

Hanggang sa tuluyan siyang tangayin ni Richard sa dako pa roon……..

to be cont…..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

COME BACK TO ME – 10

Chapter 10

 

KAHIT alam ni Maya na posibleng hindi kainin ni Richard ang iniluto niyang kare-kare, masigla ang kanyang kilos. Nagpaturo siya sa kanyang Nanay kasi nalaman niya na paborito ni Richard ‘yon, kailangan niyang araling mabuti  ang tamang timpla ng naturang putahe kaya excited siya sa kalalabasan ng lasa niyon.

Nang sa wakas ay natapos na siya sa pagluluto, agad siyang naligo. Isinuot niya ang pinakamagandang bestida na regalo sa kanya ng kanyang Tatay Arturo noong sixteenth birthday niya.

Para sa kanya ay espesyal ang okasyong ito. Tatlong buwan na silang kasal ni Richard.

Matapos magbihis, humarap siya sa salamin. Isang kaakit-akit na babae ang nakita niyang repleksyon doon.

Siguro, nagagandahan din siya sa akin. Imposibleng hindi niya napapansin na maganda ako. Napangiti si Maya sa pangongonsola sa sarili. Kaya lang, pilit niyang ikinukubli dahil nahihiya siya na umamin. Pero hindi bale, alam kong makukuha ko rin siya sa tiyaga.

                Sukat sa isiping iyon, nagkaroon na naman siya ng panibagong pag-asa.

 

HATINGGABI na wala pa rin si Richard. Lumamig na ang kare-kare sa mesa, nanghahapdi na rin ang sikmura ni maya dahil sa gutom.

Richard, hindi ko na yata kaya, umiiyak ang pusong bulong niya sa sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Pawang kadiliman ang nakikita niya sa labas gayung may ilaw naman sa mga posting nasa gild ng kalsada.

Para na akong tanga, Araw-araw kitang ipinagluluto sa nakalipas na tatlong buwan, araw-araw din iyong napapanis. Gabi-gabi akong naghihintay sa maaga mong pag-uwi at gabi-gabi rin akong napupuyat at nag-aalala.

                Hindi ko na yata ito kaya. Tatlog buwan na ang nasasayang sa buhay ko, pakiramdam ko ay wala na akong sariling buhay. Pakiwari ko ay isa na akong patay na walang silbi. Dapat ko na bang wakasan ang lahat ng kagagahang ito?

                Ugong ng makina ng sasakyang huminto sa tapat ng bahay nila ang pumukaw sa mga pagtatanong niya sa sarili.

Richard! At sapat iyon para mabalewala ang sagli niyang pagkagising sa kahibangan. Bumaha ang pananabik at panibagong pag-asa sa kanyang dibdib.

“Richard!” Napatakbo siya sa pinto para pagbuksan ang asawa. “Richard, bakit ka…..” Natigilan siya sa pagsasalita nang makitang bumukas ang pinto ng kotse nito.

Ngunit dagli siyang napalunok nang makitang hindi so Richard ang bumaba mula sa driver’s seat. Sa halip ay isang babaeng kilalang-kilala niya at hinding-hindi niya malilimutan ang itsura.

Stephanie! Halu-halo ang emosyong pumaloob sa kanyang dibdib.

Una ay pagkagulat, maya-maya ay kaba, na napalitan ng galit.

At ano ang ginagawa ng babaeng ito rito? At bakit siya ang nagda-drive ng kotse ng asawa ko?

                “Stephanie!” Pasugod na nilapitan niya ito.

“Oh, hi, Maya!” Tila walang anumang wika ni Stephanie nang malingunan siya. Ngumisi pa ito na namumungay ang mga mata. “I’m glad you’re awake. Tulungan mo nga akong ipasok sa loob ng bahay nyo si Richard.” Sumusuray na lumigid ito sa gawi ng passenger’s seat at binuksan ang pinto.

Shock naman si Maya. Hindi niya mahagilap sa isap kung ano ang gagawin. Lalong hindi niya malaman kung paano haharapin ang malakas na samapal na iyon sa kanyang buong pagkatao.

“Maya, ano ka ba?” Biglang bulyaw ni ni Stephanie na ngayon ay nailabas na ng kotse sa Richard. “Nakita mo nang hirap na hirap na ako sa bigat ng asawa mong lasing, ano?”

Kusang napahakbang palapit dito si Maya. Hindi sa natakot siya kay Stephanie o anupaman, kundi nais niyang maipasok na agad sa kabahayan nila si Richard.

Magkatulong nilang naipasok sa loob ng bahay ang gulapay na lalaki. Halos hindi pa nila nararating ang sofa ay inilapag na nila roon si Richard dahil sa bigat nito.

“There!” Wika ni Stephanie matapos mailapag sa sofa ang lalaki. “Kumuha ka nga ng maligamgam na tubig at face towel. Kailangang mapunasan siya para naman mahimasmasan. Magtimpla ka na rin ng black coffee. Make it two, ha, Iinom din ako para mawala rin ang hilo ko.”

Tumuon ang paningin n Maya sa mukha ng babae. Maya-maya ay nagdilim ang kanyang mukha at inis na humalukipkip siya.

“O, bakit? Ano’ng itinatanga-tanga mo riyan? Hindi mo na narinig ang sinabi ko? Gusto mo ba ulitin ko pa? Humalukipkip din ito at nakipaghamunan ng titig sa kanya.

“I can manage here, okay? Ako na ang bahala sa asawa ko. Ako na rin ang magpapainom ng kape at magbibihis sa kanya para maginhawahan siya.”

“So?” You mean, kailangan ko nang umalis, ganoon ba?” Nakataas ang kilay na tanong ni Stephanie.

“Obvious ba?”

“At hindi ka man lang magpapasalamat sa akin na inihatid ko rito ng safe ang asawa mo?”

“Well, thanks! But it does’nt  mean na pwede  ka nang magtagal dito at utus-utusan ako na akala mo ka kung sino!”

“Aba’t……”

“Go away, Stephanie, Alam ko ang dahilan mo nang paghahatid ky Richard. Gusto mong ipamata sa akin na kapag ginagabi ng uwi ang asawa ko ay kayo ang magkasama. Well, okay lang. Anyway, sa akin pa rin naman siya umuuwi, hindi ba?”

“Why you!” Kaya pala hindi ka matutunang mahalin ng asawa mo, napaka-immature mo! Lahat ng kilos at galaw ng mga tao sa paligid  mo ay binibigyan mo ng kahulugan!”

Nagkibit-balikat lang si Maya at humakbang siya patungo sa pinto. Kaswal niyang binuksan iyon at inilahad ang palad bilang senyal na pinalalabas na siya ng babae.

“Bitch!” Gigil na hakbang patungo roon si Stephanie. Huminto ito sa tapat niya at muling nakipaghamunan ng titig. “Tandaan mo ito, ha? Makakarating kay Richard ang ginawa mong pagbabastos sa akin!”

“Sumbungera ka pala.”

“Talaga! At tinitiyak ko sa iyo, malalagot ka kay Richard!”

Tinaasan lang niya ito ng kilay. Gayunpaman, siya na lang ang nakaalam na takut na takot siya sa isiping aawayin siya ni Richard sa sandaling malaman ang ginawa niyang ito kay Stephanie.

“Ako na ang bahala roon, okay?” Nginisihan lang niya ito. “Just go away!” Saka niya pinandilatan ng mga mata ang babae.

“Hmp! Tama ang sabi ni Richard. You ruined his life! You’re capable of doing that dahil masyado kang maldita. Spoiled brat!” Nagdadabog na lumabas ng bahay si Stephanie.

Pabuntung-hiningang inilapat ni Maya pasara ang pinto. Narinig pa niya ang pag=angil ng makina ng kotse ng babae palayo sa tapat ng bahay nila.

Tama ang sabi ni Richard, you ruin his life!  Tila kulog na pabalik-balik sa panding ni Maya ang mga katagang iyon ni Stephanie.

Yes, I’m ruined his life. Pero kahit ang buhay ko ay nasira ko rin. Pabuntong-hiningang binalikan niya ang asawa na himbing na himbing sa pagkakahiga sa sofe, napakagat-labi na lang siya.

Magkasama sila, silang dalawa ang nag-inuman. Ano pa kaya ang ginawa nila habang nag-iinuman? Kung anu-anong eksena ang pumasok si isip ni Maya habang nakatitig sa maukha ni Richard. Naglapat kaya ang mga labi nila? Tila tinarakan ng punyal ang puso niya sa isipng iyon.

Baka higit pa sa halik at alak ang pinagsaluhan nila. Baka habang umiinom sila ay……. Agad niyang pinutol sa isap ang kasunod na eksena na naisip na tagpo.

Gayunpaman, namalayan na lang niyang malaya na palang naglalandas sa pisngi nya ang masaganang luha.

God! Hanggang kalian ko kaya matitiis ang mga pasakit na ipinalalasap sa akin ni Richard?

Umungol si Richard at nagbalisa sa pagkakahiga.

Napapitlag siya.

“R-Richard, bakit?” Nataranta tuloy siya sa paghaplos sa noo nito. Basang-basa ng pawis ang lalaki.

Saka lang naisip ni Maya na dapat na niyang asikasuhin ito para magkaroon ng payapang pagtulog. Dapat muna niyang kalimutan ang mga hinagpis at sama ng loob sa asawa.

Saka na rin niya pag-iisipan kung paano haharapin ang galit nito kapag nalaman ang ginawa niya kay Stephanie.

At habang pinupunsan niya ng maligamgam na tubig ang mukha ni Richard, mataman niyang tinititigan ang kaanyuan nito.

Richard, dapat na yata kitang isuko. I love you so much kaya nagawa ko ang mga bagay na hindi ko alam ay makasisira pala sa ating dalawa. But I’m too young para patuloy na magdusa sa piling mo. Ikaw man ay ganoon din I know you have dream at kasama na doon si Stephanie. You have your own life to live.

Siguro’y mas dapat na maghiwalay na ang mga landas natin. At pagkatapos niyang asikasuhin ang asawa, may mga balak siyang binuo sa isip.

 

To be cont…..

 

 

COME BACK TO ME – 9

Chapter 9

MATAPOS ang tatlong katok sa nakapinid na pinto, ilang saglit pang naghintay si Maya kung may magbubukas niyon. Nang walang sumagot, lakas-loob na itinulak niya ang pinto.

Tila gusto na niyang umatras nang tumambad sa kanyang paningin ang mahimbing na si Richard. Mariing nakapikit ang mga mata nito at tila pagud na pagod kaya walang kamalayan sa paligid.

Baka magalit siya kapag nagising. Baka bulyawan ako at….. Sinaway niya ang sarili sa mga katatakutang naiisip.

Kapag nagpadaig siya sa takot, hindi niya malalaman ang kasagutan sa mga tanong na namamahay sa dibdib.

Hindi niya malalaman kung nakakahiyaan lang ni Richard ns gumawa ng unang hakbang upang magkaroon ng katuparan ang pagiging mag-asawa nila.

Matapos humakbang palapit sa kama ni Richard, naupo siya sa silid niyon. Mataman niyang tinitigan ang asawa. Ang guwapo nitong mukha, ang matangos na ilong, ang makapal na kilay, maging ang nakapinid na singkit na mga mata ay rumehistro sa kanyang utak.

Nang titigan niya ang mga labi nitong nakapinid, awtomatikong gumapang ang kakaibang init sa kanyang buong pagkatao.

Sa pisngi pa lang niya ako nahahalikan, at saglit na saglit lang iyon. Pero ang saya-saya na sa pakiramdam, lalo na siguro kung ang madarama ko ay ang mga labi niya. Tila may sariling isip ang mga daliri niya na nagsimulang maglaro sa gild ng mga labi nito.

Magalit ka kaya kapag ginising kita ng mga halik ko, Richard? Saka dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha palapit sa mukha ng natutulog.

Nang ilapit niya ang mga labi sa mga nito, kusang napapikit ang mga mata niya.

Richard….. Ilang saglit na nanatiling nakalapat lang ang mga labi ni Maya sa mga labi nito. Walasiyang ginagawang anumang galaw dahil hindi niya alam kung paano gagalaw.

Gayunpman, ang madama ang init ng mga labi nito, ang malanghap ang mabangong hininga nito, tila naakyat na siya sa langit.

Maya-maya ay kusang gumalaw ang mga labi ni Maya, nagflash sa kanyang utak ang mga eksenang napapanood sa sine. Ginagad niya ang paggalaw ng mga labi ng mga bidang nagmamahalan sa mga pelikula.

And it was heaven!

Richard….. Sukat sa natuklasang panibagong karanasan, nagging mapangahas sa paggalaw ang mga labi ni Maya. Wala mang kasanayan sa kapusukang iyon, ang tamis ng mga labi ni Richard ang nag-udyok sa kanya na lalo pang tuklasin ang mga pakiramdam na madarama niya kapag mas nagging mapangahas siya.

She gently open his mouth sa pamamagitan ng munting dila niya.

Napaungol si Richard at bahagya itong napapitlag sa pagkakahiga.

Napatigil naman si Maya sa ginagawa at  nailayo ang mukha rito. Sa ilang saglit ay natakot na namn siyang nabulyawan ni Richard kapag nagising ito.

Ngunit nang muling pumayapa ang natutulog, muling inilapit ni maya ang mukha rito. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang paghalik sa asawa.

At dahil nagging malalim ang paghalik niya rito, tuluyan na siyang natangay sa kapusukan. Naging malikot ang mga labi niya sa paggalaw, nagging maharot ang dila niya sa pagpipilit na makapasok sa loob ng bibig nito.

Hindi na namalayan ni Maya nang humapit ang mga braso ni Richard sa baywang niya. Ang tanging namalayan niya ay nang maramdaman niya ang pagsalubong ng munting dila nito sa dila niya. Kasunod niyon ay nagging malikot na rin ang labi nito sa pagsalubong sa mga labi niya.

Richard!  Sigaw ng utak ni  Maya. Hindi niya alam kung nagising na ang lalaki o tumutugon lang ito sa dikta ng utak na nananaginip. Ang sigurado niya, gustong-gusto niya ang tamis na hatid nang mapusok nitong halik.

At bago pa napigil ni Maya ang sarili, isang mahinang ungol ang kumawala sa kanyang lalamunan. Kasunod niyon ay pilit niyang natutunan ang mas tamang pagbbigay ng matamis na halik upang lalong marahuyo si Richard na tugunin siya sa mas mapusok na paraan.

Hanggang maramdaman niyang hinapit siya nito upang ganap siyang mapahiga sa malambot na kama. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang buong bigat ng lalaki na nakadagan sa kanya habang walang paknit ang pagpapalitan nila ng matatamis na halik.

At sa bawat sensasyong naglalakbay sa kanyang mga ugat, unti-unting nabubuo sa imahinasyon ni Maya ang mga kaganapang dapat lang para sa isang mag-asawang kagaya nila ni Richard.

Iyong mga pangitaing unti-unting mahuhubad sa kanilang mga katawan ang mga damit nila. Pagkatapos niyon ay sisimulan na ni Richard na gampanan ang pagbibigay katuparan sa kanilang pagiging mag-asawa.

Magsasanib ang kanilang mga katawan, magiging isa, hanggang sabay nilang lalakbayin ang dako pa roon na magkayakap, magkahinang ang mga labi habang ang mga kamay ay dumadama sa katawan ng isa’t-isa.

Napakagat-labi si Maya. Sumingit din sa kanyang dibdib ang pag-aalala. Ang sabi ng Nanay niya, masakit daw sa una. Ngunit maano ba? Kaya niyang tiisin iyon, ang mahalaga, ito na ang simula.

“Richard, I love you…..” Anas niya nang maramdamang saglit na lumaya ang kanyang mga labi mula sa mga labi nito.

“No!”

Napadilat si Maya. Nagtama ang mga mata nila Ichard na nakatunghay sa kanyang mukha. Shocked ang nakalarawan doon. Unti-unting nagabago ang emosyong nakasungaw sa mga mata nito.

Mula sa pagkagulat, napalitan iyon ng galit.

“What are you doing here? What have you done? Singhal nito sabay tayo mula sa kama.

“A-akala ko’y…….”

“Damn you, Maya! How could you do this such a thing? At sinong santong lalaki ang hindi matatangay sa ayos mong ‘yan?” saglit na humagod ang galit nitong paningin sa kanyang kaanyuan na halos ay nahubaran na ng damit pantulog.

Napalunok si Maya, Maikli lang ang sinabi ni Richard, ngunit daig pa niya ang sinampal nang paulit-ulit.

“R-Richard, kayak o lang naman nagawa ito ay dahil….”

“Dahil mahal mo ako, ganoon ba? At hindi mo man lang ba naisip na kung gusto kong may mangyari sa atin ay kayang-kaya kong tawirin ang pagitan ng mga silid natin?”

“”Aalam ko naman ‘yon, eh,” Naiiyak na wika ni Maya. Nangangapal na ang kanyang mukha sa kahihiyan. “K-kaya lang, naisip ko rin nab aka……”

“Will you shut up!”

Napakagat-labi na lang si Maya para huwag nang makapagsalita. Yuko ang ulong nagkasya na lang sa pag-iyak dahil sa awa sa sarili.

Napabuntung-hininga na lang si Richard.

“Get out on my bed ang go back to your room. Ayoko ng maulit ito.” Malumanay na ang tinig na wika nito.

Susuko-sukot na bumaba mula sa kama si Maya.

Sumpa niya sa sarili, hinding-hindi na nya uulitin ang ginawang pagpapakababa na ito. Napakasakit pala ang tanggihan at mapahiya. Pakiwari nya ay isa siyang napakababang-ur ng babae.

Mabuti pa siguro ang pangit, baka masikmura niyang angkinin. Samantalang ako, kaysama siguro nang pagkakakilala niya sa akin. Bulong niya sa sarili habang palabas ng silid naiyon.

Pero hindi bale, maghihintay pa rin ako. Baka sakali, kapag pinagsilbihan ko pa siya nang husto, baka kapag nakita niya na isa akong mabuting asawa, sa kanya na magmula ang unang hakbang para mag-work-out an gaming kasal.

                At muli niyang binigyan ng bagong pag-asa ang sarili. Buburahin na lamang niya ang pangit na alaala nang gabing ito.

 

“ANAK, dapat ay inihanda mo na ang sarili mo sa ganyang klaseng sitwasyon.” Malumanay na wika ni Nanay Teresita kay Maya. “Ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na isusubo at iluluwa pagkatapos mong mapaso.”

“A-alam ko naman po ‘yon. Nanay, K-kaya lang, ang sakit-sakit nang ginagawa niya sa akin. Para akong isang tau-tauhan sa bahay na kakausapin lang niya kapag gusto niya. Kahit minsan, hindi pa kami kumakain ng sabay.

‘Kapag araw ng Linggo, lagi siyang umaalis at umuuwi sa kanila. Kung minsan, tatawag ako roon, wala naman pala siya. Kapag ipinaghahada ko siya ng damit na isusuot, hindi nya iyon gagamitin at kukuha ng iba sa closet.”

Napabuntong-hininga na lang si Nanay Teresita. Sa ilang linggong pagiging mag-asawa nina Maya at Richard, lagging nagsusumbong ditto ang anak. At sa loob ng panahong iyon, nagawa na  niyang ipagtapat sa ina ang totoong nangyari nang gabing iyon.

Nangako naman si Nanay Teresita na hindi niya sasabihin kay Tatay Arturo na totoong pinlano ang pagkakapikot kay Richard. At pilit nitong inintindi ang kaisa-isang anak kahit mali ang ginawa nito at hindi na maibabalik sa tama.

“Ang bungang hinog sa pilit at mapait. Kung hindi mo iyon kayang kainin itapon mo. Pero ang kasal ninyi ni Richard ay hindi pwedeng balewalain at itapon. Kailangan mong magtiis.”

“N-natitiis naman po ako, Nay. K-kaya lang, kung minsan ay parang gusto no nang sumuko.”

Napabuntong-hiningang muli sa Nanay Teresita.

“Ano’ng gusto mong gawin ngayon? Gusto mong hiwalayan na ang asawa mo?”

“No!” Biglang sagot ni Richard, “W-wala po akong balak na hiwalayan ang asaw ko.” Saka siya napayuko. Naisip niyang bakit pa nga ba siya nagrereklamo sa Nanay niya, hindi naman pala niya kayang panindigan.

“Kung ganoon, magtiis ka.”

Napatango na lang siya.

 

to be cont.

COME BACK TO ME – 8

Chapter 8

MALAMIG ang gabi, ngunit maramot ang antok kay Maya. Oo nga at maagang umuwi kanina si Richard, bahagya lang siyang binati nito. Tuluy-tuloy na ang lalaki sa silid nito at nagbilin pa na huwag nang katukin dahil matutulog na ito.

Nang tanungin niya kung hindi ba ito kakain ay sinabi nitong hindi dahil busog ito at kumain na sa canteen ng office.

Napanis na naman ang apritadang niluto niya.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon si Maya at sinulyapan ang dingding na alam niyang tanging pagitan ng mga silid nila ni Richard.

Anong klaseng buhay ito? Wala sa loob na napayakap ang mga braso niya sa sariling katawan. Naturingang may asawa ako, pero ni dulo ng daliri ko ay hindi niya hinahawakan. At ayaw man niyang tanggapin, ang pagbaha ng pananabik sa kaibuturang bahagi ng kanyang pagkababae ay unti-unti niyang nararamdaman.

Noong bago pa lang akong nagiging teen-ager, nangarap na ako na makasal sa isang lalaki na mamahalin  ko ng lubos at mamahalin din ako. Bubuo kami ng isang pamilya, ng mga anak, tapos ay isang masayang tahanan. Ngunit ano ito? Nasimulang maglandas ang luha sa mga mata niya.

Sa nakikita kong pakitungo sa akin ngayon ni Richard, parang walang pag-asa na mangyari ang nag-iisang pangarap ko. Mabuti pa sanang sumbatan na lang niya ako, murahin at awayin. Ngunit sa ginagawa niya ngayon, daig ko pa ang pinapatay unti-unti sa kanyang pananahimik.

                Ilang linggo na kaming kasal, mabibilang sa daliri ang pagkakataong kinausap niya ako. Lalong naging masagana ang pagpatak ng luha sa mga mata niya sa isiping iyon.

Maya-maya ay pilit na hinamig ni Maya ang sarili.

Tutal mag-asawa naman kami, bakit ba hindi ko subukan? Baka nahihiya lang siyang magsimula na lumapit sa akin. Bakit sa mga sandali ito ay hindi rin siya makatulog dahil sa isiping dingding lang ang pagitan niya sa kanyang asawa.

                Humarap siya sa salamin at sinuklay ang mahabang buhok. Hinubad niya ang roba at itinira ang manipis na pampatulog na hanggang hita lang ang haba.

Napangiti si Maya nang makita ang sariling repleksyon.

She’s  was sixteen, going on seventeen. At kung wala pa siyang asawa,  maituturing na dalagita pa lang siya. Ngunit ang babaeng nakikita niya sa salamin ay larawan na ng isang ganap na babae.

Ang bawat bahagi ng kanyang katawan ay nasa tamang lugar at maganda ang prposyon. Maliit ang kanyang baywang na lalong bumagay sa magandang hubog ng kanyang balakang aat malusog na dibdib.

Salamat sa ilang buwan niyang pag-e-aerobic.

Matapos masigurong kaakit-akit na ang kanyang kaanyuan, isang buntong-hiningaang kanyang ginawa upang mapuno ng lakas loo bang kanyang dibdib.

It’s now or never! Sa loob-loob niya habang humahakbang sa silid ni Richard.

To be cont…….