Chapter 7
“YOU may now kiss the bride,”Wika ng judge na nagkasal kina Richard at Maya.
Nanlamig ang kamay ni Maya, hahalikan siya ni Richard, kagaya ng mga napapanood nya kapag tapos na ang kasal ng dalawang atong nag-iibigan.
Saan kaya niya ako hahalikan? Sa mga labi kaya, sa…… Naputol ang kung anu-anung isipin niya nang maramdaman ang biglang pagsayad ng mga labi nito sa paisngi niya.
Mabilis lang iyon, wala pa yatang kalahating Segundo. Dampi lang at halatang napipilitan lang.
Ang sumunod ay palakpakan ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Napalunok si Maya, ang disappointed na pumaloob sa kanyang puso ay ganoon na lang. Unang pagkakataon pa lang ay hindi na natupad ang pangarap nyang halik pagkatapos ng kanyang kasal sa alaking kanyang pinaka-iibig.
ISANG munting salu-salo sa Max’s Restaurant ang ginanap pagkatapos ng kasal nina Maya at Richard. Maliban sa mga magulang nila, mga ninong at ninang, dumalo ang mga kaibigan niya na sina Edselyn at Mary Faith.
Sina Rafi at Liza ay humabol na lang sa restaurant samantalang walang kinumbidang mga kaibigan si Richard kahit na yung bestfriend nya na si Ryan wala din.
“Paano ‘yan, sa bahay nap ala sa Cavite ang tuloy ninyo?” Bulong ni Edselyn kay Maya nang magkasabay sila sa pagpunta sa CR. “Sa tingin mo, ano kaya ang mangyayari?” Lumambong ang lungot sa mukha niya.
“E-ewan ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama kami ni Richard. Hindi ko alam kung ano’ng klaseng pakikitungo ang gagawin niya sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin kapag nagsimula na siyang manumbat kung bakit ko ginawa iyon.”
Napabuntung-hininga na lang si Edselyn.
“Basta lagi ka lang magdasal, ha? Na sana’y maunawaan ni Richard na kaya mo lang siya pinikot ay dahil mahal na mahal mo siya.”
“O-oo.” Bahagyang pumiyo ang kanyang tinig.
SEMI-BUNGALOW ang bahay na pinagdalhan ni Richard kay Maya. Maliit na sala, maliit na kumedor na ang tanging divider ay isang platera.
Malliit lang ang mesang kainan na tinernuhan ng apat na silya. Ang sofa sa sala ay yari sa kawayan at may fourteen inch na TV na nakalagay sa maliit na patungan. Sa kusina naman ay may maliit na ref na regalo raw ng ninong nila sa kasal.
Sa kabuuan ay mahihinunhang bagay lang sa isang nagsisimulang mag-asawa ang bahay na iyon. Kung may iba pang kagamitan na kulang sila na ang dapat na magpundar.
“Dalawa ang silid ditto, ‘yung maliit na lang ang sa akin,” kaswal na wika ni Richard matapos ilapag sa semento ang dala nitong dalawang travelling bag.
Awtomatikong napatingin siya rito.
Hiwalay tayo ng silid? Ngunit nakabalalak na lang sa lalamunan niya ang katanungang iyon.
“Siyanga pala, dapat ay aalis ako rito sa Cavite ng alas-sais medya ng umaga para hindi ako mahuli sa trabaho ko sa Makati.” Pagkawika niyon ay binitbit nito ang bag ng damit niya at ipinasok sa mas malaking silid.
Napasunod siya rito.
“Ito ang magiging silid mo,” Wika ni Richard nang humarap sa kanya. Walang emosyong nakabakas sa mukha nito. “Feel fee kung gusto mong baguhin ang ayos. Yung silid ko sa kabila ay tama na sa aki ang ayos, huwag mo nang galawi.” Pagkawika niyon ay humakbang na palabas ang lalaki.
Napasunod na lang ang tingin niya rito.
God! Ito ba ang simula ng parusa niya sa akin?
“Ah, maghahanda na ako ng hapunan natin, ano’ng ulam ang gusto mo?” Pilit niyang hinamig ang sarili at muli siyang sumunod dito.
“Busog ako, mas gusto kong magpahinga. Kung gusto mong kumain, may laman ang ref, namili si Mama kahapon bago ibinigay sa akin ang susi ditto.” Dinmpot na ni Richard ang bag nito at humakbang na ito patunga sa isa pang silid.
Nang lumapat pasara ang pinto ng silid nito, napakagat-labi na lang si Maya. Gusto na yata niyang umatras sa kinasuungang sitwasyon. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng treatment.
“OH, shit.” Napamura si Maya nang maramdaman ang hapdi ng balat na natalamsikan ng mantika. Gahol na inilapag niya sa mesa ang bandehado na pinaghahanguan niya ng pritong itlog at tapa.
“Bakit?” Buhat sa pinto ng komedor ay pumasok si Richard. Nakakunot-noo ito at mukhang inis.
“N-natalsikan ako ng mantika,” Himig nagsusumbong na wika ni Maya. Tila siya maiiyak dahil mahapdi pa ng kanyang balat na natalsikan.
“Tatanga-tanga ka kasi!” Nagdadabog na gumawi sa lababo si Richard at naghilamos.
Napaaawang ang bibig ni Maya, sa ilang saglit ay parang gusto niyang bulyawan ang asawa. Siya na nga ang nasakta, siya pa ang naangilan at napagsabihan.
Ngunit tinimpi niya ang sarili, Unanga umaga nil na magkasama, magkakasalo sa almusal, ayaw niyang magsimula ng away.
“Umupo ka na, nakapagsangag na ako at…”
“Nagmamadali ako, hindi na ako kakain!”
“Ha!”
Matapos maghilamos ay tuloy-tuloy nang lumabas ng kusina si Richard. Naiwang nakatigagal si Maya sa mga pagkaing painaghirapan niyang lutuin kahit nahirapan sia.
Ang pritong itlog ay namumula dahil bahagyang nasunog, ang tapa ay nangingitim dahil na-over-cooked, ang sinangag niya ay buong-buo pa ang kanin dahil hindi niya alam na kailanagang durugin ang kaning-lamig para maisangag ng maayos.
Hindi naman pala siya kakain, bakit nagpakahirap pa akog magluto! Napasibi siya at sa ilang sgalit ay malaya nang naglandas sa pisngi niya ang mga luha. Kahit nga napuyat ako kagabi sa kakaisap sa kanya na mahimbing na natutulog sa kabilang silid, pinilit ko pa ring gumising ng maaga, eh.
Nanlalatang napaupo sa silya c Maya.
Ganito ba ang magiging treatment niya sa akin araw-araw?
ANG alam ni Maya, alas-singko ang uwi ni Richard mula sa trabaho. Kung magbibiyahe ito mula Makati hanggang cavite at hindi mata-traffic, bago mag-alas-siyete ay nasa bahay na ito.
Ngunit mag-a-alas-dose na, wala pa rin ang asawa.
Ano kayang nangyari sa kanya? Uupo-tatayo mula sa sofa si Maya. Maya-maya ay hahawiin niya ang kurtinang kaninag umaga lang niya ikinabit upang gumanda ang ayos ngsala. Sisilip siya sa labas ng bahay.
Baka kaya kung anon a ang nangyari sa kanya, ah. Ipinilig niya ang ulo upang pawiin ang masasamang pangitain na iyon. Sana naman po ay makaruwing ligtas ang asawa ko.
Hanggang igupo ng antok si Maya. Nakatulog siyang nakasandig sa sofa.
“RICHARD!” napabalikwas nang bangon si maya nang masilaw siya sa liwanag ng araw na nagmumula sa siwang ng bintana. Richard! Bgla niyang naalala na magdamag nga pala niyang hinihintay ang asawa.
“Aalis na ako!” Buhat sa pinto ng silid ni Richard ay lumabas ito, nakabihis na at nakaligo. Amuy na amoy niya ang mabangong cologne at after shave na ginamit nito.
“A-anong oras ka dumating?” Tila maiiyak na tanong niya bagama’t pinilit niyang huwag pumiyok ang boses.
“Alas-dos na. Tulug na tulog ka kaya hindi na kita ginising.” Humakbang ito patungo sa pinto.
“Alas-dos na. Tulug na tulog ka kaya hindi na kita ginising.” Humakbang ito patungo sa pinto.
“B-bakit ka ginabi?” Nabibikig na tanong ni Maya. Tinimpi niyang bulyawan ito dahil sa inis.
Hindi man lang ako ginising samantalang nakita naman niya marahil na hindi ayos ang higa ko sa matigas na sofa na kawayan. Gustong bumaha ng pagdaramdamsa kanyang puso ngnit pinigil niya ang sarili.
“Dumaan ako kina Mama. Nagkwentuhan kami ni Papa kaya ginabi ako at doon na naghapunan. Naidlip ako sa sofa at madaling-araw na nagising.” Pagkawika nyon at tuluyan na itong lumabas. Hinila nito pasara ang pintong nilabasan.
Naiwan si Maya sa loob ng tahimik at malamig sa sala. Pakiwari niya ay nabibingi siya sa lakas ng sariling tibok ng puso.
Hindi man lang niya naisip na tawagan ako o kaya naman i-text na gagabihin sya at nanduon lang sya sa bahay nila. Alam namn niya na naghihintay ako dito sa kanya.
Oh God! Simula pa lang ito, pero parang hindi ko na yata kakayanin ito…….
To be cont…….